"Conclusion is the place where you get tired of thinking."
--Arthur Bloch
***
6:03 pm
Hindi masayod ng isip nina Misis A, at Mister A ang kumawalang salita sa bibig ni Lego. Sino ba naman ang maaaring magpadala ng ganitong klaseng mensahe?
"Sus! Mariano Garapon 'yan, Lego," reaksyon ni Misis A.
"Eh, ano pala 'to, Ma? Prank, laro? Ganitong klase?" madiin ang balik ni Lego.
Natigilan silang lahat sa katwiran ni Lego.
"Sigurado ako at kitang-kita ko na kasabay ng pagbali ni Paps ng selyo ng sobre doon naman natin narinig ang static sound?" dugtong ni Lego.
"At sigurado akong may kinalaman ito sa i-isang lu-lugar na..," nauutal na dugtong ni Air na pilit na nilalabanan ang pagsakit ng ulo.
Ang hindi nila alam, pinapanood sila ni Genevie sa gawing pasukan.
"Pa-papa?" banggit ni Genevie.
Napukol ang kanilang atensyon kay Genevie. At agad na sumalubong si Mister A.
"Genevie, anak. Kanina ka pa ba diyan?"
Sinalubong din naman ni Genevie si Mister A at saka siya kinarga nito. Umiling lang naman siya kay Mister A bilang sagot at saka sila bumalik sa mesa.
Ipinagpatuloy nila ang kanilang pag-uusap.
"Okay lang ba na mag-usap tayo ng ganito sa harap ni Bunso?" tanong ni Misis A.
"It's okay, Ma. Malaking tulong si Genevie. Sabi ko nga kanina. Magkalaro kaming dalawa," pagbibigay niya ng assurance sa tatlo. Hindi kumportableng nakaupo si Lego sa mesa.
"Kuya, bababa ako," inilalayan ni Air si Lego hanggang sa makababa ito ng mesa para maayos na makaupo. Nakiusap din siya kay Air na kunin ang resibo, ang lalagyan at ang ecobag sa kwarto niya. Mabilis na sumunod si Air sa pakiusap ni Lego at agad na iniabot ang mga iyon sa kapatid.
Inihanay ni Lego ang lalagyan, ang resibo, magazine, sobre, sulat, at ang keycard ng sunud-sunod sa mesa.
"Maaari kayong mabigla sa mga malalaman ninyo pero gusto ko sanang kumalma lang kayo. Okay lang ba 'yon?" pagsisimula ni Lego. Sumang-ayon naman ang lahat.
Itinuro niya ang mga crest ng bawat item na nakapatong sa mesa. Lahat ng iyon ay may pareho-parehong emblem.
"Ibig sabihin, lahat ng ito, nanggaling sa iisang lugar," paliwanag ni Lego.
"Saan?" mabilis na tanong Misis A.
Tahimik lang silang nag-iintay ng sagot. Una niyang itinuro ang lalagyan.
"Ito, nanggaling ito sa isang tindahan," itinaas niya ang lalagyan at saka siya tumingin kay Genevie. Ipinahihiwatig niya kay Genevie na sabihin ang pangalan ng tindahan.
"Nanggaling siya sa Your Honest Convenience Store," sagot na Genevie na mahinang sinabayan ni Air.
Isang bagay ang mapapansin. Nakasulat ang pangalan ng store sa ibang paraan ng pagsulat.
BINABASA MO ANG
CALENDAR ECLIPSE
Science FictionDos mil cincuenta y uno. Alam ng marami ang LUNAR AT SOLAR ECLIPSES at kung paano ito nangyayari. Subalit hindi nalalaman ng lahat ang CALENDAR ECLIPSE, pangatlong ECLIPSE. Panahong nakatala para magsapawan ang dalawang panahon sa isa't isa. At ngay...