Chapter 7 Keycard

44 18 8
                                    


"A very little key can open a very heavy door"

--Unknown

***

Sunday, July 23, 2051

3:46 pm


"Uh! Aray ko po! Mariano Garapon," reklamo ni Air habang bumababa ng hagdan.


Ginising siya nang humahapdi niyang sikmura. Inuunat-unat niya ang katawan para maibsan ang kanyang ngalay sa pagtulog. Wala siyang tigil sa paghikab.


"Ma?" mahinang tawag niya.


Wala siyang narinig na sumagot. Sumilip siya sa sala upang tingnan kung nandoon si Mister A. Naka-off naman ang TV. Kumamot lang siya sa ulo at muling humikab. Muli niyang iniunat ang kanyang katawan.


Dumerecho na lang siya sa kusina at binuksan ang ref upang tingnan kung anong makakain. Kinuha niya ang pitsel ng tubig at fruit juice. Naglabas din siya ng isang hiwa ng strawberry cake.


Binuksan niya ang takip ng kaldero na nakapatong sa induction cooker. Inamoy niya ang loob nito at saka pinidot ang ON. Pinindot niya rin ang on ng automatic kettle. At habang iniintay niyang kumulo ang ulam at tubig, naglagay siya ng isang sachet ng tea berries sa isang tasa.


Iniangat niya ang automatic kettle at ibinuhos sa tasa ang kumulong tubig ng lagpas sa kalahati.


Dinala niya sa sala ang lahat ng inihandang pagkain. Ibinaba niya ito sa bubog na lamiseta kasunod nito ay ang malumanay niyang pag-upo sa sofa.


Nagulat siya ng biglang magbukas ang telebisyon. Saglit niyang iniangat ang sarili upang kunin ang naupuang remote control. Pagkuwa'y nagsimula na rin siyang kumain.


Pilit niyang nilalabanan ang kabangagan sa pagtulog. Ramdam niya kasi ang bigat ng kanyang ulo. At dahil doon, wala siyang maintindihan sa pinapanood sa telebisyon.


Marahan lang ang kanyang pagsubo. Di nagtagal, unti-unti siyang nalinawan pagkatapos niyang inumin ang tea berries dahil doon nagsimula na siyang pagpawisan.


"Ang init," reklamo niya.


Pinapaypay niya sa sarili ang suot niyang pantulog. Nawala na rin ang kanyang iniindang sakit ng sikmura pati na ang bigat sa ulo.


Nagsalin siya ng isang basong malamig na tubig at sa isa nama'y juice. Pakiramdam niya hanggang bukas pa siya hindi magugutom.


Inayos niya ang kanyang pinagkainan at saka ito dinala sa kusina. Sisipul-sipol siya habang bitbit ang mga ito.


Bumalik siya sala dala ang bottled spray at ang puting basahin. Bumalik siya sa kanyang inupuan kasabay ang pag-spray niya sa salamin ng lamiseta saka niya ito tinuyo.

CALENDAR ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon