Chapter 11 Hello

14 3 0
                                    


"Be the first to say HELLO."

--H. Jackson Brown Jr.


***


Sunday, July 23, 2051 || Sunday, August 23, 2139

4:51 pm || 10:51 pm


"Lego?" basa ni Nic sa salitang nasa pintuan.


Kakatok sana siya sa pintuan subalit may lumabas na isang sobre na waring may sumipa dito mula sa loob. Tinangka niyang damputin ito subalit natigil siya nang pumihit ang doorknob. Inintay niya kung may lalabas.


Walang lumabas sa pintuan.


Hindi nakatiis si Nic. Dinampot niya ang sobre at pinihit ang doorknob kasabay ang pagtulak sa panara.


Sumalubong sa kanya ang malamig na singaw ng hanging nagmumula sa malakas na buga ng aircon. Madilim ang malaking bahagi ng kwarto kung saan tanging liwanag lang ang makikita na nagmumula sa tatlong computer monitors.


Pagkasara niya ng pintuan ay inilibot niya ang kanyang tingin sa kabuuan nito at una niyang napansin ang mga nakasulat sa sticky notes. Marahan siyang lumapit at binasa ang mga nakasulat doon.


[Sticky Notes]

*Your Honest Convenience Store

**36 West Cooperative Point, Stone Edge City, Seguir Province, New Philippines.


"English Alphabet?" bulong ni Nic habang hinihipo ang papel.


Tiningnan niya pa ang nakatusok na ecobag at resibo na mukhang pamilyar sa kanya ang mga iyon. Binasa rin niya ang nakasaad dito pati na ang resibo.


"Negative Ion H2O?" basa niya dito na waring may bumalik sa kanyang balintataw.


[Nic's flashback]

Nic: Need a hand?

Air: Yes! Tubig.

VV: Payment successful. Thank you for your honesty.

Nic: Hello. Mr. A.

Air: Anong ginagawa mo dito? Huh! 'Wag kang lumapit sa'kin!

Nic: Try to touch me! Mr. A.

[End of Flashback]


At nakita niya ang lalagyan ng tubig na nakapatong sa study table.


"Mr. A's?" naalala niya si Mr. A na nakapila upang bumili ng tubig na yaon . Umatras siya ng kaunti para tingnan pa ang ilang mga bagay.

CALENDAR ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon