Chris's POV
All of us are here chilling here sa pool, well except sa girls especially si Claire. She's been MIA lately, pansin ko lang, napatingin ako kay Jay, isa din 'to halos araw-araw na yatang wala sa mood.
"Sad yata yung lover boy natin ahh.." I joked but it's he doesn't care at all, hindi man lang ako pinansin kaya I splash him. "Hoyyy... tawag ko.
"Aahh.. may sinabi ka? Sorry hindi kasi kita narinig."
"Obviously, it seems like something's bugging you lately. Care to share. Something's wrong."
"Nothing's wrong, sadyang may iniisip lang talaga ako."
"Then something's really wrong, hindi ka naman marunong mag-isip ehh." banat ko na naman.
"Haha nakakatawa."
"Come on Jay, we are your bros here. You can open up to us."
"Jerrick's right Jay, pwedeng-pwede kang mag-open up sa'min. Don't worry atin-atin lang 'to."
"Nagkasagutan lang kami ni Claire nung isang araw."
"Yun lang naman pala ehh, normal lang naman yan sa mga couples."
"I know maraming times na naman kaming nag-aargue but this time lang naging ganito. She haven't texted or call me."
"Why did the two of you argued?"
"Because I accused her for cheating."
"What?!" sabay naming sigaw ni Jerrick.
"You accused her for cheating? Bakit? Don't tell me, ginawa mo yung sinabi ni Gab last time."
Hindi siya sumagot, I guess that's a yes.
"Jay, you shouldn't have let what Gab said get into you."
"Hindi ko kasi napigilang sundan siya the second time na nagmeet sila Jerrick ehh, she's never been keeping secrets from me before kasi kaya ayun."
"Sino ba kasi yung kameet niya? Lalaki ba?"
"Aaahh.. just a friend of hers, hindi natin kilala."
"You know, you shouldn't have jump to conclusions."
"I know that Rick, pero what's done has been done."
"So anong plano mo ngayon?"
"I..I don't know. Di ko alam kung paano ko susuyuin si Claire ngayon."
I raise my hand "Ako, I have a plan." I suggested. "Ano, game kayo?"
"Sure bro."
"Count me in too."
Gab's POV
"Hoyyy... Claire, hindi ka ba talaga babangon dyan? Tara dinner na tayo, libre ko."
"No thanks, hindi pa ako gutom."
"Ano? Magpapakamatay ka na, hindi ka na nga nagbreakfast at lunch tapos hindi ka pa magdidinner. OA na masyado ahh... bumangon ka na dyan."
"Iwan mo na ako, gusto ko munang mag-isa."
"Ano ka ba Claire, dati naman nag-aaway kayo ni Jay ahh.. pero nagkakaayos rin kayo kaagad, anong bang bago ngayon?"
"Hindi mo naman kasi maiintindihan."
"Paano ko naman maiintindihan, kung hindi mo naman sinasabi sa'kin, ano ako manghuhula."
"Gab, iwan mo na ako, please."
"Fine, you want me to buy you something? Magtatake out ako."
"Huwag na, di talaga ako gutom."
"Suit yourself." at lumabas na ako ng dorm.
Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko ang mga boys. For sure si Claire ang pinunta ng mga ito dito.
"Gab, si Claire?" salubong ni Jay.
"Nasa loob, malamang. Nakikita mo bang kasama ko siya ngayon ahh?"
"Pwede ba, I don't have time sa pagpipilosopo mo."
"Nasa loob nga, hoyyy ikaw ha. I know that madalas ko ring inaaway si Claire and I don't have the rights to be mad at you. But Jay, boyfriend ka niya, as much as possible hindi mo dapat siya sinasaktan."
"Kaya heto ako ohh.. babawi sa kanya. Pwede mo ba akong tulungan? Please naman Gab ohh.."
"Anong plano niyo?"
"Mapapalabas mo ba siya sa dorm niyo?"
"Ayaw ngang lumabas eehhh.."
"Please pilitan mo naman ohh.."
"Kanina ko pa nga pinipilit eehhh... hindi nga kumakain yung babaeng yun."
"Pwede ba, pilitin mo ulit, please."
"Susubukan ko pero, kapag ito, ayaw pa ring lumabas, tutuloy na ako sa lakad ko ahh.."
Tumango lang ako at dinial ko yung number ni Claire nakailang rin ito bago niya sinagot.
"Hello, napatawag ka? Don't tell me may nakalimutan ka?"
"Aahh.. oo, nakalimutan ko yung panyo ko diyan, pakihatid dito sa labas please. Hindi ko kasi makita yung susi ko sa gate dito sa purse ko."
"Ano ba yan Gab, panyo lang naman yan ehh..."
"You know me, I can't leave without a hanky. Sige na,please."
"Oh sha, lalabas na ako. Ano ba yan." and she ended the call na.
"You owe me one Jay ha, oh sha, alis na ako."
"Thanks Gab."
Umalis na ako, bahala na sila diyan. Kaya ayaw kong magkaboyfriend ayaw ko ng ganung kadramahan sa buhay ko. Plus sa attitude kong ito walang lalaking pagtitiyagaan ako.
For sure nakalabas na si Claire ngayon, tinext ko na siya na umalis na ako and I have a hanky with me all along. For sure magagalit rin yun kapag nalaman niyang nakikipagsabwatan ako kina Jay.
Claire's POV
Pagkalabas ko ay hindi ko na nadatnan si Gab at bigla akong nakatanggap ako ng text galing sa kanya. I was about to check the text nang biglang may humablot sa'kin at tinakpan ang mga mata at bibig ko.
Pumiglas ako pero ang lakas pa rin ng dumukot sa'kin at hindi lang siya mag-isa may kasama pa kaya hindi ko nakayanan at naramdaman kong pinasok ako sa isang kotse. Takot na takot ako and I'm really shaking for goodness sake, please naman Lord huwag niyo po akong pabayaan.
Naramdaman ko na tumakbo na yung sasakyan, OMG saan ba nila ako dadalhin? Ang bata ko pa para mamatay.
After a few minutes ay tinanggal na yung takip sa bibig ko kaya sumigaw ako ng malakas. "Sino ba kayo?! What do you want?! Please naman, huwag niyo akong patayin?! Bata pa po ako, marami pa akong pangarap. Gusto ko pang magkapamilya, hindi pa nga ako naikakasal sa boyfriend ko. Kaya please naman pakawalan niyo po ako." OA na kung OA pero, baka last ko na'to kaya sasabihin ko na kung anong gusto ko.
"Naku miss, parang mahal na mahal mo yung boyfriend mo ahh.." rinig kong sabi ng isang lalaki
"Oo nga, swerte naman yang boyfriend mo." seconded naman ng isa.
"Please naman po pakawalan niyo na po ako, sa totoo po nyan, we have our misunderstanding po at hindi pa po kami nagkakaayos. Kaya I beg you po, please let me go po."
"Kapag pinakawalan ka ba namin mag-aayos na ba kayo ng boyfriend mo."
"Yes po, kaya please pakawalan niyo na po ako."
I heard them laugh, may ganang tumawa pa talaga ang mga ito, naku kapag nakawala talaga ako dito, humanda sila sa'kin. Wait, I smell something familiar, pabango niya talaga 'to. "Bwesit ka talaga, Jay!" at tinanggal ko yung nakatakip sa mga mata ko.
"Hi babe." nakangiti niyang bati sa'kin.
Tinignan ko ang mga katabi ko, I'm not surprise if they're on this too, sa kalokohang ito. Supportive much sa pinsan nila.
§§§
YOU ARE READING
Paper Hearts on Paper Planes
Teen FictionCan exes be friends again? Or will they fall with each other all over again? And their love will be sweeter the second time around? A story about Love and Friendship of group of friends and two exes free-riding their fates just likes Paper Hearts on...