Prologue

33 1 1
                                    

"Mag papakasal ka ba talaga kay Jayden kahit hindi mo sya gusto? tanong nya.

"Oo, mag papakasal ako sakan'ya kailangan din namin sya ni Appa at ni Halmeoni(lola) para mas mapaunlad pa ang restaurant namin." sabi ko.

"Yun lang ba talaga ang dahilan kaya't papakasalan mo sya? Sa tingin mo hindi ko kaya yon?"

"Alam kong kaya mo yon, pero mas gusto na rin ni Appa si Jayden para sa' kin." paliwanag ko.

"Mahal mo pa rin ba ko Shendey?"tanong nya. "Tumingin ka sa mga mata ko."

Tumingin ako sakanya, noon ay walang ekspresyon ang kaniyang mukha, blangko lang pero ngayon ay napalitan ito ng lungkot habang nag-aantay ng sagot ko.

"Z-zen,"nauutal na pagtawag ko sa pangalan n'ya.

"Shendey, sagutin mo ang tanong ko mahal mo pa ba ko?"tanong n'yang muli gusto kong sumagot ng oo, pero kapag sinagot ko yon baka ako ang dahilan ng pagkasira ng kasal n'ya.

Oo, ikakasal na sya at sobrang sakit no'n para sakin.

"Zen, h-hindi....hindi na."nauutal na sabi ko.

"Please, Shendey mahalin mo muli ako."nagmamakaawang saad nito.

"Zen, tama na. Ayoko na tama na ng minsang nag pakatanga ako, tama na ng minsan umasa ako. Si jayden ang para sa 'kin, ikakasal ka na. Ayokong masira ang kasal mo at ako ang magiging dahilan n'on. Mahal na mahal ka ni kate at s'ya ang para sa' yo. Pinagtagpo lang tayo at kahit na kailan hindi tayo ang itatadhana, hindi tayo ang para sa isa't isa." sabi ko habang tumulo na ang mga luha.

"Bakit hanggang dito kasal ko pa rin ang iniintindi mo?"tanong n'ya. "Bakit mo sinsabi na si Kate ang para sa 'kin pero paano ka?"

Huminga ako ng malalim upang humugot ng lakas.

"Dahil s'ya ang para sayo at sya ang nababagay sayo,"sabi ko, pinilit kong ngumiti sa harap n'ya kahit nasasaktan ako. "H'wag mo ng problemahin ang akin, ayos na ko. Kailangan ko na ring tumigil....kailangan ko ng mag paraya."sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong nito.

"Ipapaubaya na kita," nahihirapang saad ko." Kailangan ko nalang mag tiis at makakalimutan ko din."

"Anong ibig mong sabihin ay mag sasakripisyo ka?"

"Ito na ang nakatadhana, Zen."

"Shendey, alama kong mahal mo pa rin ako, ayaw mo lang aminin." sabi n'ya.

"Tama na, please." naiiyak na tugon ko.

"Ako lang ang dapat mong mahalin,Shendey."sabi n'ya.

"Paano pa kita muling mamahalin?Hindi mo ko gusto,ayaw mo sa tulad ko.Hindi mo kayang mahalin ang tulad ko,hindi mo pinapansin ang feelings ko para sayo." naiiyak kong tugon ko.

Binaba n'ya ang payong kaya pareho kaming nabasa ng ulan. Nagulat ako ng hilain n'ya ako papalapit sakanya at hinapit ang bewang ko.

Hinalikan nya ko kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Nang kumalas s'ya sa pagkakahalik ay niyakap n'ya ako.

"Ako lang ang mamahalin mo,wala ng iba pangako hindi kita sasaktan aalagaan kita." sabi n'ya kaya yumakap na rin ako.




A/n:

This is all work of fiction the meaning of their names name of companies name of school the place except sa mga kilalang lugar and those are work of fiction

sana masayahan kayo sa story ko this is my first story in wattpad

Don't forget to vote my story I hope you enjoy it

A WONDERFUL LOVE Where stories live. Discover now