Zen's pov
Actually nagulat din ako na si shendey ang iisang anak ng kaibigan ng papa ko. Nagulat naman si Shendey nang makita niya ako.
"I-ikaw z-zen bakit ka nandito anong ginagawa mo dito ha?"tanong nya
"Dahil bahay ko 'to"ani ko
"D-dito ka nakatira?"
"ZEN BAKIT BA ANG TAGAL NYO DYAN PUMASOK NA KAYO DITO"Sigaw ni mama mula sa pinto
"I-ibig sabihin...."
"Oo"Sagot ko agad
Aalis na sana ako ng bigla kong maalala na tutulungan ko pala sya
"kailangan mo ng tulong?"tanong ko umiling lamang sya
"ah di mo nga pala kailangan ng tulong ko kahit mamalimos ka pa at magutom"sabi ko at ngumisi
Shendey's pov
Di pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon titira ako kasama si zen gusto ko na syang kalimutan pero bakit bakit bakit ? Huhuhu anong gagawin ko bakit ba kasi napakarupok ko eh
Pinasok ko na ang mga gamit namin at hinila ako ni tita papunta sa kusina
"Gusto mo ba ng cake shendey?"malambing nyang tugon
"O-opo"sabi ko mabait sakin si tita
May isang batang napaka cute ang biglang sumulpot. Kunot noo itong nakatingin saakin. Inaatras ko ang aking katawan dahil papalapit ng papalapit ang kaniyang titig sa'kin.
"Calyx, tama na yan ano ba gusto mo?tanong ni tita
"Gusto ko po ng cake"sabi niya at pumunta na sa sala, kumuha ako ng cake at dinala sa sala. Binigyan ko ang kapatid ni zen ng cake, nilapag ko iyon sa mesa.
"Yan ang panganay kong anak"sabi ni tito at nakaturo kay zen
"Ako po si Zen Ferrer"malamig na tugon nito
"At sya namam ang bunso kong anak si Calyx"pag papakilala ni tita sakanyang anak
"hello po tito ako po si Calyx Ferrer"pag papakilala nya at nakangiti
"Nasa grade 5 na siya"sabi ni tita
"Hello Calyx, ako si Shendey... Ito kumuha ako ng cake kumain ka na"sabi ko
"Ate shendey, pwede ba mag paturo?"tanong nya at nakangiti sakin
"A-Ah sige ba ano ba yun?"tanong ko
"Ano yung meaning nito?"tanong nya sabay turo sa libro
"A-Ah T-taxonomy, yan p-pala ang pinag aaralan mo patingin nga"nauutal na sabi ko pinahiram nya sakin ang libro kinakabahan ako kasi hindi ko ito alam huhuhu anong gagawin ko
Tiningnan ko ang cover ng libro at pang grade 8 ang pinag aaralan nya
"T-Teka pang grade 8 'to ah"sabi ko
"A-ang ibig sabihin nito ay..."pinutol ko ang aking sasabihin, tumingin ako kay appa at tumingin ako kay Zen. Pero nang tingnan ako nito ay nag iwas ako ng tingin
"A-Ah a-ang i-ibig sabihin nito a-ay u-uhm..."muli akong lumingon kay appa at tingin lang din ang ginawa nya
"ah ang ibig sabihin nito ay nag babayad sila ng tax kaya taxonomy, dito naimbento ang mga tax at tinawag na itong taxonomy"sabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/230133692-288-k835576.jpg)
YOU ARE READING
A WONDERFUL LOVE
Fiksi RemajaSi Shendey Lee na taga lower class ay matagal ng may gusto kay Zen Ferrer. Gwapo si Zen, habulin ng mga babae, matalino dahil 200 ang IQ pero cold hearted, marunong sa lahat ng bagay. Habang si Shendey naman ay isang half korean, kabaliktaran ni Ze...