Shendey's pov
Nasa room na ko at nakaupo naiisip ko pa rin yung pinakita sakin ni tita kagabi natatawa ako kapag maiisip ko yon hahahahahaha yun pala ang tunay mong pag ka-tao
"hoy shendey anyare sayo bat tumatawa ka mag isa?"tanong ni yumi
"ha? A-ako tumatawa ako bakit kaya HAHAHAHA"natatawang sabi ko
"hay ano kaya ang nakain nito?"ani ni gail
Gail's pov
Hi I'm gail delo santos
Nag tataka ako kay shendey dahil tumatawa syang mag isa ano kayang nangyari dito nababaliw na siguro 'to
"ha? Bakit nandito si zen?"
"anong ginagawa nya dito?"
"sino kaya ang hinahanap nya?"
Bigla akong humarap sa pinto nagulat ako ng makita si zen bakit sya nandito anong ginagawa nya? Nang sumulyap sa pinto si shendey ay nakita nya si zen parang pinapalapit ni zen si shendey ano kayang meron?
Shendey's pov
Sumulyap ako sa pinto at nakita ko si zen na nakatayo doon pinapalapit nya ko sakanya at lumabas na ko
"dalhin mo yung bag mo"sabi nya
"ha? Bag ko bakit?"tanong ko
Pumunta kami sa walang mataong lugar pumunta kami sa garden
Binuksan nya ang bag nya at may nilabas na sapatos na kulay pink at binigay nya sakin
"nag kapalitan tayo ng sapatos"sabi nya
"bakit hindi mo suotin yan"ani ko
"ano ako baliw ibigay mo na sakin yung sapatos ko"
"tss sanay ka naman sa pang babaeng gamit diba"
Kinuha ko ang sapatos ko at binigay ko sakanya ang sapatos nya
"hay shendey problema ka talaga paano napunta sa bag mo ang sapatos ko?"tanong nya
"malay ko hindi naman ako nag pasok ng sapatos sa bag mo"sabi ko
"hay malamang si mama"sabi nya
"tss ang arte mo pa kasi ayaw mo pang suotin yan"sabi ko
"lalaki ako ok"sabi nya
"talaga?"natatawa kong sambit at nilabas sa bulsa ang picture nya nagulat sya ng makita nya yon
"hoy picture ko yan"sabi nya at iniwas naman yon sakanya para hindi nya makuha
"hoy shendey ibigay mo yan sakin"ani nya
"ayoko nga HAHAHA"natatawa kong sabi
Nag habulan pa kami
Tumigil ako sandali dahil napagod ako
"ok wait lang"sabi ko"ibibigay ko 'to sayo sa isang kondisyon"
"kondisyon? Ano naman yon?"
"pumayag kang maging tutor ko"sabi ko
"ano maging tutor mo hoy shendey hindi ako nag aaral para maging tutor"sabi nya
"hmm ganun ba?"sabi ko sumilip ako sa bintana namin at nandun ang mga classmates ko nanonood sa'min
"mga classmates"ani ko at ipinapakita ang picture biglang hinawakan ni zen ang kamay ko at sinandal sa puno
YOU ARE READING
A WONDERFUL LOVE
Ficțiune adolescențiSi Shendey Lee na taga lower class ay matagal ng may gusto kay Zen Ferrer. Gwapo si Zen, habulin ng mga babae, matalino dahil 200 ang IQ pero cold hearted, marunong sa lahat ng bagay. Habang si Shendey naman ay isang half korean, kabaliktaran ni Ze...