chapter 16:aquaintance party

8 1 0
                                    

Shendey's pov

Nagulat ako kanina dahil si zen ang guest ngayon hindi ko ito inaasahan kaya pala nauna syang umalis sakin kanina

Kasalukuyan ang nakaupo ngayon sa upuan katabi ko si jayden

"shendey sayaw ulit tayo"sabi nya

"jayden di ka ba napapagod ang sakit na kaya ng paa ko"sabi ko

"hindi ako mapapagod ikaw ang kasayaw ko"sabi nya"tara na"sabi nya hinawakan nya ang kamay ko at pumunta kami sa harapan para sumayaw

Nakahawak ako sa balikat nya nakahawak naman si jayden sa'king bewang at magkawak kamay kami at sumayaw

Sa piling nya ba ikaw ay

May lungkot na nararamdaman

Damdamin mo ba'y hindi maintindihan

At sa tuwing ako ang nasa iyong isipan

Kitang kita ko sa kay jayden na masaya sya oo aamini ko gwapo din sya kaya lang kapantay ko lang sya marunong din sya mag luto bakit hindi na lang kaya sya ang mahalin ko

Sa t'wing maiisip ko si jayden pumapasok naman sa isip ko si zen sinusubukan kong gustuhin si jayden pero si zen ang laging pumapasok sa'king isipan

Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko

Ikaw ang nasa isip ko

Ang nais ko ay malaman mo

Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay

Pag-ibig ko sayo ibibigay

Ang nais ko lang malaman mo

...na mahal kita

Tumingin ako kay zen at nakatingin din sya sa'min umiwas ako ng tingin blangko ang muka nya walang ekspresyon at nakatingin sa'min ni jayden

"j-jayden"nauutal na tawag ko kay jayden

"bakit?"tanong nya

"ayoko ng sumayaw masakit na ang paa ko kanina pa"sabi ko

"ganun ba sige umupo na tayo"sabi nya pumunta kami sa table namin at umupo na sa upuan

"gusto mo ba ng juice?"tanong ni jayden

"sige"sabi ko

"sige dyan ka lang kukuha lang ako"sabi nya at umalis na sya

"oyy shendey"si yumi

"bakit?"tanong ko

"kanina pa nakatitig sainyo si zen habang sumasayaw kayo ni jayden"sabi ni gail

"a-ah t-tlaga ba"sabi ko

"pero iba yung tingin nya eh may halong inis"sabi ni gail

"napansin mo"sabi ni yumi

"oo para syang naiinis"sabi ni gail

"tsk so ibig sabihin nag seselos sya ganun?"sabi ni yumi

Ha? Si z-zen mag seselos imposible yon

"parang ganun na nga"sabi ni gail

"wag mong paasahin si shendey, gail"sabi ni yumi

"hindi naman eh"sabi ni gail

"hay ewan ko sayo gail"si yumi

Imposible naman yon bakit sya mag seselos eh di nya naman ako girlfriend at isa pa di nya ko gusto

A WONDERFUL LOVE Where stories live. Discover now