chapter 6

13 1 0
                                        

Shendey's pov

Naku lagot nagalit sya sakin

Marami pa syang mga tinuro sakin

"alam mo ba yung theorems?"tanong nya

"h-hindi ano ba yon?"ani ko 

"statements proved to be true using postulates,definitions,other established theorems,and logic,bakit di mo yun alam---wala ka talagang alam"sabi nya

"bakit lahat ba alam mo?"tanong ko kinuha ko yung malaki kong picture ng bts "ito kilala mo ba sila? Kim namjoon,kim seokjin,min yoongi,jung hoseok,park jimin,kim taehyung, jeon jungkook mag kakaiba tayo"sabi ko bigla kong naalala yung sinabi nya"ano nga ulit yung theorem?"tanong ko

Bumuntong hininga sya at tinakpan ang kanyang muka gamut ang dalawa nyang palad at nahiga sa kama bakit anong nangyari tinanong ko lang naman yung theorem ah bat ganyan reaksyon nya masama na ba magtanong ngayon?


KINABUKASAN

araw ng sabado at maghapon lang kaming nag aral hanggang 11:00 ay nag aaral pa kami inaantok na ko pero kinakaya ko

"shendey wag kang matulog gumalaw galaw ka habang nag me-memorize"ani ni zen

Gumalaw galaw ako habang nag me-memorize

Dumating ang linggo at maghapon din kaming nag aral tuwing pupunta ako sa cr at kung saan ay may mga sticky notes akong dinidikit doon pagod na pagod na ko huhuhu

Araw ng lunes nasa school na ko maswerte at wala pa si sir francis inaantok ako at gusto kong matulog dahil 2 araw akong puyat pero kailangan kong gumising nakayuko ako at pinikit ko sandali ang aking mga mata

Nagulat ako ng tawagin ako ni yumi

"shendey---naku may eyebags ka"sambit nya

"shendey ok ka lang?"tanong ni jayden

"ok lang ako"ani ko

"pero hindi ka ok"sabi ni jayden

"hoy jayden alam mo naman palang hindi ok si shendey tinanong mo pa tss"si yumi

"tumigil ka taba natural tatanungin mo"

"hay ewan ko sayo jayden"

"sigurado kang ok ka lang shendey sa lagay mong yan hindi eh"sabi ni gail

"umuwi ka muna"sabi ni yumi

"shendey sa lagay mong yan tlaga hindi ka ok ayos ka lang ba talaga sa tinutuluyan mo ngayon?"sabi ni jayden

"ayos lang ako"

"shendey naman sabi mo ayos ka lang pero bat ganyan ang itsura mo
Inaalipin ka siguro sa bago mong tinutuluyan alagaan mo naman ang sarili mo ha... Alalahanin mo ang future naten"sambit ni jayden

"yumi, gail uuwi na ko mag aaral pa ko"sabi ko at nag lakad na ko paalis

Umuwi na ko sa bahay

"oh shendey ang aga mo yata ngayon"si tita

"mag aaral pa po ako tita"matamlay kong sambit

"ok ka lang ba shendey?"tanong nya

"ok lang po ako tita"sabi ko

"sabihin mo sakin kung anong gusto mo snacks ha.."

"opo tita"

Nag lalakad na ko papunta sa hagdan ng bigla akong bumagsak

"ay naku po shendey ano bang nangyayari sayo"sabi ni tita yun nlang ang huli narinig ko sakanya

Sa sobrang antok ko ay nakatulog ako sa sahig wala na kong pakelam kung ano pa ang mahigaan ko basta matutulog na ko

Jayden's pov

Marami pa kong sinsabi tungkol sa kalagayan ni shendey

"alam mo naman shendey na mahal kita ingatan mo ang sarili mo ipangako mo---- nasa shendey?"sabi ko habang may mahaba akong sinasabi ay humarap ako at nawala na sa paningin ko si shendey

"umalis na"sabi ni yumi

"mag aaral daw si shendey"sabi ni gail

"anong pinag sasabi nyo si shendey mag aaral imposible yon"sabi ko"may kutob tlaga ako"

"ano yon?"tanong ni gail

"pinapahirapan sya sa tinutuluyan nya ngayon aalamin ko tlaga kung anong lagay nya"sabi ko

Shendey's pov

Nag aaral kami ni zen ngayon kanina paggising ko nakahiga na ko sa kama ko ang natatandan ko kanina ay nasa school ako at umuwi nakatulog ako sa sahig sa sobrang antok ko ang sabi sakin ni tita ay binuhat ako ni appa papunta dito sa kwarto ko at syempre mahimbing akong nakatulog kanina at ngayon may enerhiya ako para mag aral

Nag p-print si zen ng mga babasahin ko kailangan ko daw aralin yon

"oh"sabi ni zen at abot sakin ng papel

"para saan ba kasi toh?"tanong ko

"tanong yan na posibleng lumabas sa test"sabi nya"kulang yan meron pa yan"dagdag nya

Zen's pov

Pumasok si calyx sa kwarto

"kuya paano ito i-solve?"tanong nya

"sorry calyx hindi ko masasagot ang tanong mo marami akong ginagawa kay mama ka nalang mag patulong"sabi ko

At umalis na sya sandali syang napatigil

"hoy shendey lee dahil sayo nag pupuyat ngayon ang kuya ko dapat kanina pa tulog ang kuya ko"sabi ni calyx sandali kong tinitigan si shendey at tutok na tutok sya sakanyang binabasa

Tss dahil nga sayo kung bakit ako nag pupuyat hay engot talaga bigla akong natawa sa isip kong yon

Sumulyap sa pinto si shendey at nakita nyang nandun si calyx

"calyx nandyan ka pala pinuntahan mo ba ko dito?"sabi ni shendey tsk stupid kanina pa sya nandyan ngayon nya lang napansin

"ewan ko sayo"inis na tugon ni calyx umalis na ito lumabas na ang print ko at binigay kay shendey

"meron pa? Ang daminnaman neto"reklamo nya

"ganyan talaga wag ka ng mareklamo"sabi ko

Naprint ko na lahat at binigay sakanya nakaramdam ako ng antok at  naisip ko na umidlip muna nakahiga ang ulo ko sa mesa pinatong ko ang ulo ko sa mga braso ko

Shendey's pov

Natapos ko ng basahin ang lahat ng print ni zen

"sana ito nalang ang mga tanong sa test bukas"sabi ko tumingin ako kay zen at nakita kong tulog na ito

"tulog na sya siguro napagod sya kakaturo sakin"sabi ko tinitigan ko ang buong muka nya kahit natutulog sya napakagwapo pa rin naka agaw atensyon sakin ang mga mahahaba nyang pilik makakapal nyang kilay at mapupula nya labi hindi ko maiwasang kiligin ang bilis ng tibok ng puso ko

"salamat zen"sabi ko maya maya ay nakaramdam ako ng antok pinatong ko ang ulo ko sa aking mga braso at pinikit ko na ang aking mga mata kasabay kong matulog ang lalaking gustong gusto ko

KINABUKASAN

araw na ng exam namin ngayon magkasabay kaming nag lalakad ni zen pero wala namang nakahalata sa'min ang una naming dadaanan ay ang class ko

"sige goodluck"sabi nya bumilis ang tibok ng puso ko sa kanyang sinabi  teka sinabi nya bang goodluck? Oh my gosh kinilig ako sa kanyang sinabi

Pumasok na ko sa room ko nag start na ang klase namin at ang mga tanong sa test ay nasagot ko dahil ang mga tanong na yon ay yun pinabasa sakin ni zen kagabi

At bukas na malalaman kung sino ang mga nakapasok sa top 40 excited na ko at kapag nakapasa ako ay makakapasok ako sa study room kasabay kong mag aaral si zen sa study room

A WONDERFUL LOVE Where stories live. Discover now