A/n:sorry sa mga typo sa chapter 1 kinakabahan kasi ako hehe syempre first story ko 'to kunti lang na-edit doon basahin nyo nalang ulit may nabago ako dun yun lang thanks😊
Shendey's pov
KINABUKASAN
"Look guys oh diba sya yung nireject ni Zen HAHAHA"
"Nakakahiya talaga siya"
"Sinabi mo pa"
"Kung ako yon mag ta-tranfer na lang ako sa ibang school"
Nanatili lang akong nakayuko. Oo, ako ang pinag chi-chismisan ng mga tao ngayon. Pumunta ako sa cr at pati janitress nakisali na rin.
"Hay! nakakahiya naman yon"
"Senior high na sya"
"Sana nag transfer na lang sya para di na umabot sa ganito"
Bakit pati kayo ganyan din ano bang gagawin ko huhuhu
Hanggang sa cafeteria
"Diba sya yung babae"
"Oo nga"
Nilagyan ng tindera ng kanin ang pinggan ko pero masyado itong marami
"Teka madami po ito"
"Kailangan mong kumain ng marami, dahil meron kang pinag dadaanan"sabi nya na ikinangiti ko
Nasa room na ko at ako pa rin ang pinag uusapan nila
"Hay! Shendey, ikaw ang topic nila sa buong school. Anong gagawin mo?"tanong ni gail
"Oo nga, Shendey"
"Hindi ko alam. Nakakahiya para na kong matutunaw, hindi ko na alam ang gagawin ko huhuhu"naiiyak na sabi ko
"Ok lang yan, nandito naman kami eh"
"Shendey!"tawag sakin ni jayden
"Bakit mo pa kasi ginusto yung ganung lalaki? pinahiya ka nya kaya galit na galit ako sakanya gusto ko syang pag pira-pirasuhin"nangigil na sabi nya
"Pwede ba, tumigil ka nga dyan jayden"
"Yumi, Gail. Mag pakamatay na tayo, Mag pakamatay na tayo huhuhu"naiiyak na sabi ko
"Tumigil ka nga dyan, Shendey Lee. Kung gusto mo mamatay, mauna ka, Wag mo kaming idamay."
"Wag kang OA Shendey, maikli lang ang buhay, mag pakasaya ka"
"Paano pa ko sasaya? kung ganito ang nangyayari sakin, huhu di ko na kayaaaaa!!!"
"Shendey, kaya mo yan nasa tabi mo lang ako"sabi ni jayden
KINABUKASAN
Nasa bahay ako ngayon araw ng sabado, may nag doorbell sa gate
Binuksan ko ang gate at bumisita sila yumi , gail at jayden
"Hi, shendey"bati nila at inabutan ako ng regalo
"Salamat sa regalo nyo, pasok kayo"sabi ko lumabas si appa
"Shendey sila ba ang mga kaibigan mo?"tanong ni Appa
"Opo, Appa"sabi ko
"Hello po"bati nila yumi
"Apa? ano yon sa ice cream? Bakit ganon yung tawag mo sa papa mo, Shendey?"tanong ni jayden
"Korean word yon, syempre half korean ako"

YOU ARE READING
A WONDERFUL LOVE
Teen FictionSi Shendey Lee na taga lower class ay matagal ng may gusto kay Zen Ferrer. Gwapo si Zen, habulin ng mga babae, matalino dahil 200 ang IQ pero cold hearted, marunong sa lahat ng bagay. Habang si Shendey naman ay isang half korean, kabaliktaran ni Ze...