chapter 1

30 2 4
                                    

Shendey's pov

Nasa room na ko ngayon. Nag iimagine nanaman ako at iniisip na namn si Zen Ferrer. Crush ko siya, matagal na. 6 years ko na syang crush simula pa nung grade 7, pero siguro hanggang tingin na lang ako sakanya. Magaling si Zen pagdating sa sports, sya ang mvp sa larong basketball, 200 ang IQ nya at galing sa mayaman na pamilya

"Uyy shendey si Ms. Villamor"

"Shendey si Miss"

Bumalik ako sa ulirat ng tawagin ako ng mga kaibigan ko

"SHENDEY LEE!"sigaw ni ms. Villamor

"M-Ms. Villamor"nauutal na sabi ko nagulat ako sa sigaw nya

"Shendey ganyan ka nalang ba lagi ha? Nakatulala sa klase ko, iniisip mo na naman si Zen Ferrer? magugustuhan ka nga nya kung nandito ka sa class 7 sa lower section."sermon niya. Halos araw-araw niyang ginagawa 'yan sakin, hindi lang sakin, kundi sa'min lahat.

"Class, mahirap ba?"tanong nya

"Opo."sagot naming lahat

"I know, alam ko kung gaano kahirap maging highschool senior, dahil pinagdaanan ko rin yan, mahirap at malungkot"sabi nya habang nag lalakad

"Umayos ka ng upo jayden!"sigaw nya kay jayden

Tinanggal ni ms. Villamor yung shades ni micheal

"Sabi ko na nga ba at natutulog ka na naman Micheal."

"Kung sainyo mahirap maging senior high, Mas mahirap maging teacher nyo ha?!"

"Di nyo alam kung gaano nyo ko pinapahirapan."sabi niya. At eto nanaman kami, sermon nanaman ang inabot namin.

Nag bell na nasa cafeteria na kaming tatlo

"Shendey gawa na ba ang bahay nyo?"tanong ni gail

"Oo kalilipat lang namin kahapon."sabi ko

"Iniisip ko si Zen, na naman ang top sa school."sabi ko

"Ano?! si zen ulit ang top?"Gulat na tugon ni Gail. Tumango lamang ako sakaniya

"Wow! tao pa ba ang katulad nya?"tanong ni yumi

"Sa palagay ko hindi."sabi ko tumingin naman silang dalawa sakin

"Paano mo nasabi ha? Shendey?"tanong ni yumi

"Kasi baka isa syang Spirit, Spirit of the Moon"sabi ko

"Spirit of the Moon? Ano nanamang pakulo yan ha? Shendey?"tanong ni gail

"Baka lang kasi talaga Spirit of the Moon sya"sabi ko

"Tss tumigil ka na nga dyan Shendey, Gutom lang yan, kumain kana."sabi ni yumi at sinusubo sakin yung fried chicken

"Ano ba yumi tumigil ka nga."

"Oh, si Zen Ferrer."sabi ni gail lumingon ako, At agad na tumalikod, Nag hihiyawan nanaman ang mga ibang babae.

"Oh my god! Si Zen"

"Ang Gwapo niya Talaga"

"Sya ulit ang Top sa School natin"

"Bukod sa Gwapo, Matalino pa"

Lumapit naman si Caimie kay Zen. Naiinis ako sakanya, matalino din si caimie, At lagi syang dumidikit kay Zen. Papunta si Zen sa machine para bumili ng drinks, malapit lang sa inuupuan namin yung machine. Di ko alam kung anong tawag eh basta machine yun na yon

A WONDERFUL LOVE Where stories live. Discover now