chapter 11 :outing

16 1 0
                                        

Zen's pov

Narinig ko na may kinakausap si shendey sa phone

"Ayos lang ako"

"Oo, pero natural din naman  na  magalit sya sa ginawa ko, kung ako yon magagalit din ako... Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Zen"

"Oo, ok lang talaga ako. Salamat sa concern mo"

Naisip ko na Sobra naman yata yung nagawa ko, sana hindi ko na lang sya sinigawan... Bakit nga ba ako nag kakaganito? tumingin ako sa bintana at pinatong ko ang aking baba sa mga braso ko. Bigla ko syang pinagmasdan. Hindi ko alam kung bakit ko kailangang pagmasdan si Shendey. Nakatingin sya sa buwan na para bang may iniisip, Nadagdagan ko pa yung stress nya, para pa akong nakonsensya sa ginawa ko

ARAW NG SABADO. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin kapag papasok.  Lumabas na ko ng kwarto, at bumaba na sa hagdan

"Teka zen bat ka naka uniform?"tanong ni mama

"May pasok po ako ngayon"sabi ko"bakit?"tanong ko

"Mag palit ka"ani mama

"Ha? Bakit?"tanong ko

"Pupunta kasi tayo sa beach"sabi ni mama

"May pasok po ako ngayon"

"Umabsent ka nalang"

"Pero—"

"Tumawag ako sa school nyo kanina sige na mag palit ka na dun"

Umakyat ako at pumasok na sa kwarto nag palit ako ng damit

Pagka-tapos kong mag palit ng damit ay bumaba na ko

Shendey's pov

Lumabas na kami ng bahay ng makita namin si Camie na may dalang strawberry at pakwan

"Kasama nyo ba talaga 'to?"tanong ni Appa

"T-Teka bakit sya nandito?"bulong ni yumi

"Ang alam ko, hindi naman sya kasama diba"sabi ni Gail

"Teka bat ka nandito?"tanong ko

"Hindi pwedeng kayo lang ang kasama, syempre kasama din ako"sabi nya may sisingit nanaman

Nakita naman namin si tita na lumabas na ng bahay

"Hello, tita"pabebeng bati ni Caimie kay tita

"Teka bat ka nandito? Kasama ka? Di ka dito invited"Aniya tita

"Di pwedeng itong tatlong losers lang kasama, syempre kailangan din kasama ako para meron namang kauri si zen at tsaka sinama po ako nila shendey"sabi ni caimie tss sinama tsaka paano nyang nalaman na aalis kami aish

"Sinama nyo sya?"tanong ni tita umiling lang kami"at bakit tinawag mong loser ang tatlo for your information caimie hindi ka ininvite dito sa outing namin "masungit na  ani ni tita

"tita naman bat kayo ganyan sakin magkaibigan po kayo ng mama ko"sabi ni caimie at kinawit ang kanyang braso sa braso ni tita

"pwede ba lumayo ka sakin di ko kaibigan ang mama mo sya ang kusang lumapit sakin at tska pwede ba matagal na yon"sabi ni tita

A WONDERFUL LOVE Where stories live. Discover now