Chapter 5: I Have Nothing to Do

52 2 0
                                    

Grace's POV

Matapos ang dalawang araw...

Kakapasok ko pa lang sa gate ng school namin. Naglalakad ako sa may bench ng may makabunggo ako. Agad akong nagsorry pero tuloy-tuloy lang ang paglalakad nito. Humarap na ako sa dinadaanan ko buhat sa pagsunod doon sa babaeng nakabunggo ko kanina. Pero sa pagharap ko ay bigla naman akong natalisod dahil sa may paa pala ng isang babaeng nakaupo sa may bench ang nakaharang doon.

"Ah, sorry. Hindi ko sinasadya." - ako.

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo, at wag kang lalampa-lampa!" - mataray na sabi ng babae sa akin.

"P-pasensya ulit." - ako.

Umirap lang yung babae sa akin bilang sagot nito. Matapos ang eksenang iyon ay agad na akong dumiretso sa room namin. Pagkapasok ko sa room ay agad sumalubong sa akin si Char at binati ako, ganon din naman ang ginawa ko sa kanya. Base sa pagkilos ngayon ni Char ay hindi na sya nangangamba sa pagganti ni Cielo. Kahapon kasi ay tahimik lang sya buong araw at laging ayaw lumabas ng room.

Nagring na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase. Nakapasok na ang lahat at ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok na rin yung teacher namin. Ilang minuto na din ang nakalipas ng bigla akong kinuhit ni Dianna sa likod, dahil sa, sa bandang likuran ko sya nakaupo. Agad naman akong lumingon sa kanya.

"Bakit?" - ako.

"Pwede bang yumuko ka muna dyan sa desk mo? Wag kang mag-alala, mabilis lang naman kasi ico-copy ko lang yung sinusulat ni Ma'am :)" - Dianna.

"Ah, ok. :)" - ako.

- - -
Charmaine's POV

Nakita kong kinuhit ni Dianna si Grace. Lumingon naman ito at tinanong kung bakit. At dahil katabi ko si Dianna sa may bandang kanan ay rinig na rinig ko ang pag-uusap nila.

"Pwede bang yumuko ka muna dyan sa desk mo? Wag kang mag-alala, mabilis lang naman kasi ico-copy ko lang yung sinusulat ni Ma'am." - Dianna.

"Ah, ok." - Grace.

At dahil nga sa mabait ang bestfriend ko, ayan nga at pinagbigyan nya. May masama nga akong kutob sa babaeng to eh. Parang may binabalak na naman syang hindi maganda. Oo, alam kong masama ang mag-isip na ganun pero, wala namang ginawa yang babaeng yan na ikinabuti ng iba eh! Puro kasamaan lang ang alam nyan. Prangka ko diba? Totoo naman eh. Sige pag nagkamali ako, eh di... mali, sorry!

Yumuko na si Grace, at kung minamalas ka nga naman oh! Biglang humarap si Ma'am dahil sa tinawag ito ni Trina na isa pa naming kaklase! Patay kang bata ka! Terror pa man din itong teacher na ito! Swerte nya na lang pag hindi sya napansin.

"Ms. Tolentino! Bakit ka natutulog sa klase ko?!" - Mrs. Perez.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Sinabi ko na eh, may gagawing hindi maganda yang babaeng yan! Kung hindi lang terror tong teacher na to nasugod ko na yang babaeng yan!

"Ahh, hindi po Ma-" - Grace.

Abat! Bastos tong teacher na to ah! arrggghhh. Kumukulo ang dugo sa Diannang yan!

"I don't need your explanation! Go to the board and answer that equation!" - Mrs. Perez.

Nagtanong pa sya kung di nya rin lang pakikinggan! Di bale na, alam ko na naman mangyayari eh! Tumayo na si Grace at agad na pumunta sa unahan. Grabe, tahimik lang lahat habang pinapanuod si Grace sa pagsosolve ng equation sa board. At alam mo kung kanino ako nakatingin? Kay Dianna na kanina pang nag-e-evil smile. Pag ako talaga hindi nakapagtimpi sasabunutan ko talaga to ng isa! Arrrggghhhh!!!

The Borrowed AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon