Chapter 10: I Won't Give Up?

40 1 1
                                    

Still Cielo's POV

Lumipas ang ilang araw. Feeling ko, ok na kami ni Grace. I mean, tinanong ko kasi sya kung pwede kaming maging magkaibigan, at pumayag naman sya. Lagi ko syang dinadaanan sa apartment nya tuwing papasok sya. Naisip ko kasi na, hindi na sya mapapagod kung isasabay ko na sya. Pinilit ko nga lang sya eh, nahihiya kasi sya kasi daw sobra-sobra na yubng mga ginagawa ko para sa kanya. Pero para sakin, kulang pa ang lahat ng yun sa mga kabutihang nagawa nya.

Kasabay ko ngayon si Grace pagpasok ng gate. At ayan na naman ang mga bulungan ng mga estudyante tungkol samin. Tulad nito:

"Bakit magkasama sila?"

"Oo nga!"

"Baka ginayuma nung babae, tingnan mo naman ang hitsura oh, mukhang mangkukulam!"

"Oo nga! Bat ganun mukha nya? Ang putla!"

Hindi ko sila mapatulan kahit na gusto ko, kasi alam kong ayaw ni Grace na gawin ko yun. Pano, sa tuwing mapapatingin ako sa kanya pag nakatingin din sya sakin eh, parang sinasabi ng mga mata nya na huwag ko na silang patulan. Tsaka hindi galit yung expression ng mukha nya, kung hindi maaliwalas na nakatawa. Bakit ganun sya? Hindi man lang ba sya nagagalit o naiinis man lang? Hindi nya ba ipagtatanggol ang sarili nya, tulad ng ginagawa nya sa bestfriend nya? At tsaka napansin ko lang. Nung yung janitor at yung bestfriend nya ang binully ko, hinarap nya ako. Pero nung sya yung binully ko, ni hindi man lang sya nagreact? Bat ganun sya? Tss. Anlabo.

Naihatid ko na sya sa room nya at agad naman syang nagpasalamat sa akin. Yung mga classmate nya nga ang sama ng tingin sa kanya eh, pero yung bestfriend nya, ni hindi man lang sya nilingon. tsk. Saklap naman ng buhay nito. Hindi ko alam na may mas sasaklap pa pala sa buhay ko. tsk. Umalis na ako agad at nagpunta na sa room ko. At ang mga kaibigan ko? Ang daming tanong sakin. Kesyo ano daw bang nakain ko. O kung ginayuma nga daw ba ako ni Grace, at kung ano ano pa. Pero ni isang sagot, wala silang napala sakin. Bakit ko ba pag-aaksayahan yung mga tanong nilang walang kwenta. Hindi pala nila. Si Tristan lang naman kasi yung maraming tanong eh. Loko talaga yung isang yun! tsk.

- - -
Dianna's POV

Hello. I'm back. Namiss nyo ba ako? Well wala akong paki kung hindi! Hindi ko naman kelangan yung sagot nyo eh! Ang kelangan ko si Cielo! Sya lang at wala ng iba! Kaya yang Grace na yan, kelangan ng mawala sa landas namin! Siguro nga ginayuma nya si Cielo kaya lagi nyang kasama. Wala naman kasing dahilan para lumapit si Cielo sa kanya eh. Diba nga galit si Cielo sa kanya?! Kaya Sure ako na talagang mangkukulam yang babaeng yan, at ginayuma nya lang si Cielo! Kaya hindi ako titigil hanggat hindi sya nawawala sa buhay ko at ni Cielo. Malandi sya ha?! Hindi ako titigil hanggat hindi napapasakin si Cielo!!! I WONT GIVE UP!!! Kaya ang sino mang magbalak na umagaw sa kanya, isusumpa ko talaga!!!

Nasa room ako ngayon. Syempre hinihintay na magring na ang bell ng malate naman yang Grace na yan, para mamura naman sya! Nakakasura na ha! Pero mas nakakasura kung ano tong nakikita ko!!! Bakit magkasama sila?! Bakit nya inihatid yang babaeng yan dito?! Wag mong sabihing nililigawan sya ni Cielo?! No!!! Hindi pwede!!! Humanda kang babae ka mamaya!!!!! Aarrrggggg!!!!!

***

Dismissal...

Ito na yung hinihintay ko, ang maglabasan. Syempre, alam na na may binabalak akong masama diba?! Ha!

Ano yun?! Well. Nagpadala lang naman ako ng sulat kay Grace na nagsasabing pumunta sya sa likod ng school. Syempre pangalan ni Cielo yung nilagay ko, para pumunta agad sya. Alam ko naman na yun lang ang katapat nya eh. Kasi nga malandi sya! And speaking of that malandi girl. Eto na sya oh. Nakikita ko na. Nang makarating sya ay agad syang pinalibutan ng mga kasama ko, syempre para hindi makatakas!

"Asan si Cielo? At.. anong ginagawa nyo dito?" - Grace.

"Ha! Hindi pa ba obvious? Hindi si Cielo ang nagpadala nung letter sayo, kung hindi ako! Tama nga ako. Pupunta ka agad dito pag si Cielo na yung taong nag-utos nun sayo! Kasi ANG LANDI MO!!! *sabay tulak ng hintuturo sa noo ni Grace*" - ako.

"Bakit? Wala naman akong ginagawang masama ah." - Grace.

"Anong wala?! Nilalandi mo kaya sya?!" - ako.

"Ano? T-teka. Nagkakamali ka." - Grace.

"Anong mali?! Ako mali?!!! Ha! Malandi ka lang talaga!!! Anong pinakain mo sa kanya?! Bakit lagi mo syang kasama?! Bakit lagi ka nyang hinahatid?! Ginayuma mo sya no?!!! Sumagot ka!!! Ang kapal naman ng mukha mong landiin sya! How dare you!!! *sabay sampal kay Grace*" - ako.

"Dianna!!!"

- - -
Cielo's POV

Asan na kaya si Grace? Kanina ko pa sya hinihintay ah. Tiningnan ko sya sa room nya pero wala na sya. Hindi kaya, umuna na sya? May nakita akong estudyante at ng tanungin ko ito ay napansin nya daw si Grace na nagpunta sa likod ng school. Agad naman akong nagpunta dun. Habang papalapit ako ay may narinig akong babaeng sumisigaw. Parang si Dianna. Oo kilala ko sya. Patay na patay yan sa akin eh. At yun na nga, narinig ko lahat ng mga sinabi nya. At nang tuluyan akong makalapit ay nakita ko nang sampalin nya si Grace na wala man lang kagalaw-galaw. Nabigla silang lahat, pero mas nabigla ako nang lapitan ako ni Dianna, na nakuha pang magsumbong. Na binubully daw sya ni Grace, sinisigawan at kung ano-ano pa. Gayong alam ko naman na sya ang gumawa ng lahat ng yun kay Grace. Kaya dahil sa nag-iinit yung dugo ko sa kanya, pumunta ako kay Grace at hinawakan ang kamay nito. Humarap ako kay Dianna at sinabing...

"Alam mo Dianna, tigilan mo na kami ni Grace. Alam ko kung ano ang totoo, at alam ko na binaligtad mo lang ang lahat ng sinabi mo. Alam ko na si Grace ang biktima dito kaya pwede ba? Tigilan mo ako? Tigilan mo na sya! Tigilan NYO na kami!" - ako.

"Bakit ba?! Bakit mo pinagtatanggol yang babaeng yan?! Diba galit ka sa kanya?! Ano bang meron sa mangkukulam na ya-" - Dianna.

"Dianna!!! Wag na wag mo na ulit uulitin yang mga sinabi mo! Anong meron sa kanya?! Isa lang naman ang meron sa kanya at yun ay ang KABUTIHAN nya!!! Kaya pwede ba?! At kung inaakala mo na may pag-asa ka pa sakin, pwes wala!!! Walang-wala!!! Dahil matagal na akong may girlfriend, at yun ay walang iba kung hindi sya *sabay tingin kay Grace* Kaya sa oras na malaman ko na may ginawa kang hindi maganda sa kanya, lalabanan kita kahit na ibalik ko pa yung dating ako! Yung dating ugali ko!!!" - ako.

Umalis na kami Grace na iniwang nakatulala at hindi makapaniwala si Dianna. Alam ko. Alam kong mali yung ginawa ko. Pero yun lang yung tanging paraan para tigilan nila si Grace. Naawa na din ako dun sa tao eh. Masyado na syang maraming pinagdaanan. Masyado na syang maraming karanasan. At tama na yun!

Matapos naming makalayo ay tumigil ako at hinarap sya (si Grace)

"S-sorry Grace ha? Hindi ko na kasi napigilan yung galit ko eh. Lalo na nung sinampal ka ni Dianna." - ako.

"O-okay lang. Salamat ha." - Grace.

Nakangiti sya habang sinasabi yun, pero alam ko sa mata nya na nalulungkot sya.

"Wag kang mag-alala. Lagi akong nandito, para sayo. Diba nga magkaibigan na tayo." - ako.

At nginitian nya ako.

- - -

Dianna's POV

Walanghiya ka Cielo!!! Pinaasa mo ako!!! Pinahiya mo ako!!! Magsama kayo ng Grace na mo!!! Pareho kayong Walang Kwenta!!!! Aaaaaarrrrrrrggggggghhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!! MAGSAMA KAYO!!!!! I.GIVE.UP.NOW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

The Borrowed AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon