Chapter 11: Hiding The Truth

41 1 0
                                    

Cielo's POV

Mabilis na lumipas ang one month. Mas naging malapit kami ni Grace sa isa't-isa. Mas madalas kami ngayong magkasama sa school. Natutuwa nga ako kasi wala na masyadong estudyante na nagsasabi ng kung ano-ano sa kanya eh. Tsaka hindi din sya gaanong nahihiya sa akin. Yun bang hindi na awkward yung pakiramdam namin. At ngayon, ewan ko. Gusto ko lagi ko syang kasama. Iba kasi yung pakiramdam ko kapag sya yung kasama ko. Ibang-iba, hindi tulad ng nararamdaman ko kapag si Rhonald lang yung kasama ko. Mas.. Ewan ko! Masaya ako kapag kasama ko sya. At mas sumasaya ako kapag nakikita ko syang masaya. Siguro dahil naaawa ako? Pero bakit ganun? Parang kinakabahan lang ako pag nakikita ko sya.? Yun bang sobrang bilis na ng tibok ng puso mo. Makita mo lang yung mga ngiti nya, parang gusto ng tumalsik ng puso mo? Ano bang feeling yun? Ngayon lang ako nagkaganito, ngayon lang, mula nang makilala ko tong anghel na to. Hindi na ako magtataka kung pagmamahal tong nararamdaman ko. Bakit? Kasi hindi sya yung taong mahirap mahalin. Kung hindi. Sya yung tipo ng taong makita mo lang na nakangiti, kusa ding magfoform ng ngiti ang 'yong mga labi. At hindi ako matatakot kung talagang mahal ko na sya, dahil maswerte akong dumating sya sa buhay ko. Hindi man kami pareho ng nararamdaman, sapat nang manahimik na lang ako maparamdam ko lang sa kanya na lagi akong andyan. Pero naguguluhan pa rin ako, pagmamahal ba talaga 'to.? Ano bang alam ko sa salitang yun?

* * *

Pupuntahan ko ngayon si Grace sa apartment nya. May usapan kasi kami na sabay kaming magsisimba ngayong araw na to ng linggo. Excited na ako. Gusto ko na syang makita agad-agad. Kung pwede nga lang hindi na ako umalis sa tabi nya, para lagi ko syang kasama.

Andito na ako sa tapat ng gate nila. Nakita agad ako ni Ate Belle kayat pinapasok nya ako. Kumatok ako sa pintuan nya at agad nya naman itong binuksan. Ito na naman yung puso ko. Bumibilis na naman ang tibok! *sigh*. Ganito ba ang nagmamahal.? Kung ganon. Ang sarap pala sa pakiramdam. Pero mas iba siguro kung pareho kami ng nararamdaman. Sana nga! Ang ganda nya, lalo na pag ganon ang tamis ng mga ngiti nya. Pero napapansin ko na mas maputla sya ngayon kumpara nitong mga nakaraang araw. Kung titingnan mo yung mga labi nya ok lang nakaform pa rin ng smile. Pero kapag tumingin ka na sa mga mata nya, kahit hindi nya sabihin mababasa at mararamdaman mo yung lungkot at parang pagod.

"Tara na? :)" - Grace.

"Tara :)" - ako.

Tahimik lang kami sa sasakyan, pero yung awkward na feeling.. hindi mo mararamdaman.

Nakarating na kami ng simbahan. Sakto namang ilang minuto na lang at magsisimula na ang mass. Nakahanap na kami ng pwedeng upuan. Ewan ko pero ngayon lang ako nagsimba na talagang nakafocus lang ako sa pakikinig kung ano yung sinasabi ng pari. Naghomily na. At alam mo kung tungkol saan yung sinasabi nung pari? Tungkol sa pagkawala o paglayo ng loob ng mga taong malalapit sayo. Agad akong napasulyap kay Grace or siguro dapat kong sabihin na sa mga mata ni Grace. Nalungkot ako bigla ng makita ko yung mga butil na naform sa mga mata nya. Hindi pa man iyon pumapatak ay agad nya na itong dinampian ng panyo. Matapos nun ay natapos na ang misa na wala na akong naintidihan. Hindi kasi mawala sa isip ko nung makita ko yung mga mata nya. Iba kasi yung nararamdaman ko pag nakikitang malungkot sya. Diba ganun din yung mararamdamn mo? Gusto ko sana syang yakapin kaso, ano bang karapatan ko para gawin yun. Oo, siguro mahal ko na nga sya. Oo, handa akong protektahan at pasayahin sya. Pero mahirap yung gawin lalo na kung iba yung relasyon na namamagitan sa inyong dalawa. At mas mahirap naman kung aaminin ko sa kanya. Mamaya hindi pala kami pareho ng nararamdaman para sa isa't isa, masaktan lang ako diba. Tapos baka mamaya lumayo pa yung loob nya, eh di lalo ng hindi ko makakaya. Kaya mas mabuting manahimik na lang ako, at itago kung ano yung totoong nararamdaman ko. At saka, hindi pa rin naman ako sigurado eh.

- - -

Grace POV

Kalalabas lang namin ni Cielo ngayon sa simbahan. Naalala ko yung nangyari kanina nung naghohomily yung pari. Naalala ko kasi nung time na yun ang pamilya ko, pati na rin ang bestfriend ko. Sobra ko na silang namimiss. Hindi ko na alam kung maaayos pa ba tong problema ko. Siguro ito na talaga yung kapalaran ko. Siguro mawawala na ako dito sa mundo ng hindi man lang nayayakap at nakakausap yung mga mahal ko. Pero sana naman mabigyan pa ako ng chance. Lord sana po bigyan Mo pa ako ng chance. Gusto ko pa sana silang makasama ng matagal pero kahit sa maikling oras man lang, maging maayos lang ang lahat at kahit sa maikling oras ay makapiling ko man lang sila. :((

Buti na lang, andito si Cielo. Buti na lang lagi nyang napapagaan ang loob ko. Buti na lang lagi syang andyan para damayan ako. Araw-araw gusto ko syang pasalamatan. Pasalamatan para din sa araw-araw na pagpapasaya nya sa akin. Kung pwede nga lang na aminin ko sa kanya na higit pa sa isang kaibigan yung nararamdaman ko para sa kanya. Sana nga lang may lakas ako ng loob para masabi yun sa kanya. Kung pwede nga lang na yung babae yung nagsasabi kung ano ang nararamdaman nya. Pero hindi rin pala masaya lalo na kung alam mo na hindi kayo pareho ng nararamdaman para sa isat isa. Kung pwede nga lang sana akong humiling na sana habangbuhay ko syang kasama. Na sana pag nawala ako, malulungkot sya dahil ganon din yung nararamdaman nya sakin. At na sana.. Sabihin nyang Wag akong bibitaw dahil hindi nya kayang mawala ako sa buhay nya. Ano ba yan. Parang anlabo naman ng mga hinihiling ko. Bakit ganon? Bakit kaylangan kong umasa? Sana pala hindi ko na to naramdaman, para pagdating ng panahon.. hindi na ako masasaktan.

Malulungkot kaya sya kung sakaling bigla akong mawala? Gusto kong masagot yung tanong ko. Bakit ganon? Ngayon pa lang nasasaktan na ako? Anubayan. Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Lord wag Mo naman po akong pahirapan ng ganito. Alisin Mo naman po itong bigat ng nararamdaman ko. Please? T.T

- - -

The Borrowed AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon