Chapter 13: Blue Christmas

37 2 0
                                    

Still Cielo's POV

Ano ba yan?! Quarter to twelve na pero hindi pa rin ako makatulog! Tsk. Bakit kasi hindi maalis sa isipan ko si Grace. Nakakainis naman! Magkasama na nga kami kanina, tapos hanggang ngayon sya pa rin yung laman ng isipan ko. Hayy!!! Ganito ba talaga ang feeling ng inlove?! Wew!!! Yun nga! Hindi pa rin ako makatulog. May gumugulo kasi sa isipan ko eh. Para bang gusto kong aminin sa kanya yung nararamdaman ko. Ewan ko pero... iba eh. Gusto ko na talagang sabihin sa kanya! Hindi ako mapakali eh! Kainis naman.

At matapos ng mahabang pagmumuni-muni ko... ayan napagdesisyunan ko na... Bahala na bukas... Total pupunta naman ako sa kanya eh. Makatulog na nga! Baka kung ano pang kahitsurahan ko bukas. Psh.

***

Andito na ako kay Grace. Andito ako sa may sala, habang sya ay kumuha ng merienda. Nubayan! Bakit kinakabahan ako?! tsk. Ni hindi ko alam kung pano ko sisimulan yung sasabihin ko sa kanya! Hay!!!

Ah! Oo nga pala, san kaya sya magki-christmas? Kung i-invite ko na lang sya sa bahay? Total kilala naman na sya ng parents ko. Pano? Ganito yun...

*Flashback*

Five na ng hapon. Nasa kwarto ako ng marinig kong kumatok yung isang maid namin at tinawag ako.

"Sir, may bisita po kayo." - yaya.

"Sino daw?" - ako.

Well.. Yes.. I admit it. Hindi talaga ako marunong gumalang. Sabi nga nila.. Magulang ko nga hindi ko maigalang yung iba pa kaya na mas nakatatanda! Bakit? Ewan ko. Malayo kasi ang loob ko sa pamilya ko. Pakiramdam ko kasi kulang yung pagmamahal na ibinibigay nila sakin. Pakiramdam ko mas mahalaga pa yung mga trabaho nila sa akin. Lagi silang wala. Minsan nga may nangyari ng masama sakin pero ano? Wala sila sa tabi ko, lasi nga mas inuna pa nila ang trabaho! Yan ang dahilan kung bakit malayo ang loob ko sa mga magulang ko. Tapos kaisa-isa pa akong anak, kaya yan kaya siguro naging ganito yung ugali ko.

"Ahh,, Grace daw po." - yaya.

Teka.. Si Grace?! Ano namang ginagawa nya dito?! B-bakit... Aarrggghhh...... Di sya dapat nagpunta dito. Tsk.

Bumaba ako, at nakita ko sya agad.

"Oh anak, may iba ka pa palang kaibigan. Bakit di mo man lang aya ipinakilala sa amin?" mommy.

Nilampasan ko lang sya. Para namang may pakialam pa sya akin! Ha! If I know, gusto nya lang na magkaayos na kami kasi alam nyang wala ng iba pang humawak ng kompanya kundi ako lang. Gusto lang naman akong amuin para sa sarili nila eh! Oh diba? Wala silabg pakialam sa akin! Wala talaga!

"As if you care!" - bulong ko sa sarili ko.

Nang makalapit ako kay Grace ay agad ko syang hinawakan sa kamay at dinala sa may garden at saka sya kinausap.

"Anong ginagawa mo dito?" - seryoso kong tanong.

"Gusto ko lang sanang isauli yung ipinahiram mong libro sakin." - Grace.

"Di ka na sana nagpunta. Hinintay mo na lang sana na pumunta ako sa apartment nyo." - ako.

"Gusto rin kasi sana kitang dalawin eh. Naging busy kasi ako nung nakaraan, kaya hindi kita masyadong nakikita, kaya naisip kong magpunta dito." - nakangiting sabi nya.

"Bakit?! Hindi mo ba mahintay na ako na lang ang magpunta sayo?! Halika ka na. Ihahatid na kita!" - ako.

Hinila ko na sya papunta sa kotse at hinatid sya sa apartment nya. Hindi ko na ipinaalam sa mga magulang ko ng umalis kami. Hindi ko na rin pinakilala si Grace. Para ano pa? Para idamay si Grace sa problema namin?! Sobra naman ata!

The Borrowed AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon