Chapter 8: Conscience

49 1 0
                                    

Cielo's POV

Kalalabas ko lang ng simbahan. Tss. Di naman ako nakinig sa misa eh, kanta lang yung pinakinggan ko, kanta na nagmumula sa earphones ko. Ewan ko nga ba kung bakit ko naisipang pumunta dun. Nag-aksaya lang ako ng panahon.

Lumabas na ako ng makita kong naglalabasan na yung mga tao. Tumatawid ako ng highway ng biglang may tumulak sakin. Natumba kami pareho sa gilid ng kalsada. Agad kong tinanggal yung earphones ko para sana murahin yung tumulak sakin pero mayroong isang lalaki na sakay sa kotse ang sumigaw.

"Hoy!!! Magpapakamatay ka ba?! Loko ka ah!!!" - lalaki.

Papakamatay?! Ako?! At bakit ko naman gagawin yun, hindi pa naman ako nasisiraan ng bait! Tsk.

"Totoy sakay na, dalhin mo na yang babae sa hospital bago pa bawian ng hininga yan!" - driver ng taxi.

Bigla akong napatingin doon sa sinasabi nung mama na babae daw. Nabigla naman ako nang makita ko kung sino yung babae. Agad ko namang kinuha ang bag nito at yung isang notebook na alam kong sa kanya dahil may pangalan nya. Agad ko syang isinakay sa taxi at saka dinala sa pinakamalapit na hospital. Sobrang naguguluhan ako kaya tinanong ko kay manong driver kung ano ang nangyari.

"Manong ano po bang nangyari?" - ako.

"Kasi nung patawid ka, muntik ka ng masagasaan. Yan namang babae sasakay na dapat dito pero nung nakita ka nya, agad syang tumakbo at sinagip ka." - Manong driver.

Ako? Sinagip nito? Bat nya naman yun gagawin? Eh lagi ko nga tong binubully?! Tsk. Nagkautang na loob pa ako!

Nakarating na kami ng hospital. Agad ko naman syang dinala sa loob at saka hinintay kung ano ang sasabihin ng doctor.

Nakaupo ako ngayon sa labas ng room kung saan naroon si Grace. Ang tagal naman ng doctor ng yun! Nasasayang lang oras ko dito eh! Bwisit! Bigla akong napatingin sa sa mga gamit ni Grace na hawak ko. Yung bag nya, at yung yung notebook na nalaglag sa kanya. Binitiwan ko muna yung bag nya at inilagay sa tabi ko. Binuklat ko yung notebook kayat nalaman ko kung ano ang mga laman nun. Diary pala to? Ano ba yan! Nakikialam pa ako personal na buhay ng taong to? Paki ko ba?! Tsk. Pero ewan ko ba kung bakit kusang binuksan ng kamay ko yung diary nya. Binuksan ko iyon at binasa ang nasa loob.

Una...

Namatay ang sana ay magiging kapatid nya.

Pangalawa...

Lagi syang napag-iinitan ng mama nya.

Pangatlo...

Nagpasko sya na hindi pa rin maayos yung pamilya nya, at mas lumala pa ang galit sa kanya ng mama nya dahil sa hindi sinasadyang nabasag yung vase ng mama nya.

Pang-apat...

Sya ang sinisisi ng kapatid nya kung bakit hindi buo ang pamilya nya.

Panglima...

Lumayo sya sa pamilya nya para maiwasan yung gulong namamagitan sa kanila ng mama nya at dahil na rin sa naaawa sya sa papa nya pag nakikita nyang nasasaktan ito.

Pang-anim...

Iniwan sya ng bestfriend nya dahil sa isang pagkakamali nya. At inisip nya na sya ang dahilan kung lumalayo sa kanya ang mga taong mahalaga sa kanya.

~~~

Hindi ko maintindahan kung ano na ang mararamdaman ko sa kanya matapos kong basahin kung ano ang nakasulat sa diary nya. Alam ko nung una, inis na inis ako sa kanya na halos ayaw ko na syang tigilan sa pangbubully ko sa kanya,,, pero ngayon, nakokonsensya ako sa mga pinaggagagawa ko sa kanya. Tapos iniligtas pa nya ako. Ho! Hindi ko alam na ang isang taong tulad nya ay matapang pala,, matatag. Akala ko isang lang syang mahinang babae, pero hindi pala. Siguro,, kung ako ang nasa kalagayan nya, hindi ko matatagalan yun.

Lumabas na yung doctor na tumitingin sa kanya kayat bigla akong tumayo para kausapin kung anong lagay ni Grace.

"Doc, ano pong lagay nya?" - ako.

"Ano ka ba ng pasyente?" - Doctor.

"Ahh..Ka-kaibigan, nya po ako. Ano po bang lagay nya?" - ako.

"Sumunod ka sa akin at ipaliliwanag ko sayo." - Doctor.

Sumunod ako sa kanya tulad ng sinabi nya. Nang makarating kami sa office nya ay agad nyang sinabi kung ano ang lagay ni Grace.

"Ok naman ang pasyente. Infact wala namang nangyari sa kanya nung iniligtas ka nya. Siguro nahilo lang sya kaya nawalan sya ng malay." - Doctor.

"Kung ganon.. Ok na po sya?" - ako.

"Hindi ko masasabing ok sya dahil mababa ang hemoglobin nya na dahilan kung bakit sya nagkakapasa at madalas na nahihilo. Anemic sya at kelangan nyang uminom ng mga gamot na ibibigay ko sa kanya, para hindi ito lumala. Kelangan nya din munang magpahinga dahil sa sobrang stress sya." - Doctor.

"G-ganon po ba?" - ako.

*tumango* - Doctor.

Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko at sobra akong naaawa sa kanya. Kahit na bully ako, syempre tao pa rin naman ako, at may puso din ako. Naisip ko lang.. Paano sya gagaling kung wala naman syang kasamang pamilya at kaibigan na handang dumamay at mag-alaga sa kanya?. Tapos kelangan pa nyang magpahinga. At kapag hindi sya nakapagpahinga ng maayos, at nakainom ng maayos ng mga gamot nya, maaaring lumala ang sakit nya. Nakokonsensya tuloy ako sa mga pinaggagawa ko sa kanya! Tapos ayan, sana patay na ako ngayon kung hindi dahil sa kanya. Tsk.

Pagkatapos akong kausapin ng doctor ay agad ko syang pinuntahan, si Grace. Gising sya ng dumating ako. Pero nadatnan ko sya na nakatulala. Napansin nya siguro na pumasok ako kaya bigla syang tumingin. Hindi ko alam ang gagawin ko ng pumasok ako sa kwarto nya. Gusto ko sanang humingi ng tawad pero hindi ko alam kung paano magsisimula. Iniabot ko sa kanya ang bag nya.

"Ito nga pala yung bag mo." - ako.

":) Salamat." - Grace.

Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa kanya at hihingi ng tawad dahil sa unang beses ko palang itong gagawin. Hindi ko naman kasi yun ugali. Hindi ko pinakikinggan ang mga magulang ko, bully akong tao, wala akong pakialam sa iba at hindi ako marunong rumespeto. Oo inaamin ko na ganyan ang ugali ko, pero kahit naman papano, may puso dina ko. Una beses ko tong gagawin kaya huminga muna ako ng malalim saka ko sinimulan ang aking sasabihin.

"Ah, Grace,, s-salamat nga pala sa.. sa pagligtas mo sakin kanina... At..at sorry na din sa lahat ng mga nagawa ko sayo. Alam ko na masama akong tao.. pero...pero sana... mapatawad mo ako. Mahirap mang paniwalaan ang mga sinabi ko,, pero seryoso talaga ako. Kaya sana,, bigyan mo ako ng chance. Kahit na matagal, willing akong maghintay." - sabi ko habang nakatungo.

Hindi sya agad umimik. Tumingin ako sa kanya para sana magpaalam na uuwi muna ako sa bahay, at nabigla ako ng makita ko syang nakangiti.

"Alam mo Cielo, natutuwa ako sayo." - Grace

"S-sakin? B-bakit naman?" - ako.

"Oo, sayo. Kasi kaya mong humingi ng tawad sa taong nagawan mo ng mali, kahit na alam mo sa sarili mo na mahirap yung gawin para sayo. Ginawa mo pa rin kasi alam mong yun ang tama. Ginawa mo kasi willing ka talaga. Cielo, everyone deserves a second chance. Lahat tayo nagkakamali, dahil walang perpektong tao sa mundo. At alam ko na you deserve to have a second chance.. Kaya ibibigay ko yun sayo." - Grace.

"K-kung ganon.. pinapatawad mo na ako?" - ako.

*tumango* - Grace.

"S-salamat.. at s-sorry, ulit" - ako.

"Wag ka ng mag-alala.. ok na. Napatawad na kita. :)" - Grace.

Ngumiti lang ako noon sa kanya. Sa tingin ko, sya na yata ang pinakamabait na taong nakilala ko, dahil sa kabila ng mga masasamang ginawa ko sa kanya, nagawa nya pa rin akong patawarin. At dahil nga marami akong kasalanan, kelangan ko yung lahat pagbayaran.

The Borrowed AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon