Chapter 12: Hopelesss Love

34 1 0
                                    

Cielo's POV

Andito kami ngayon sa park. Wala naman kasing gagawin si Grace sa apartment nya, kaya naisipan naming dito muna pumunta. Bakit ganon? Ramdam ko pa rin yung lungkot sa twing nakikita ko sya. Ang tahimik nya kasi. Pero kahit ganon, nakangiti pa rin sya. Bigla akong napatigil sa pag-iisip nang bigla syang umimik.

"Gusto ko ng ice cream :) San kaya meron dito?" - Grace.

"Ganon ba? Ako na ang bibili, dito ka na lang." - ako.

Ngumiti lang sya sakin. Gusto ko sana syang tanungin kung bakit ice cream yung gusto nyang kainin. Bakit gusto kong itanong? Kasi syempre bihira ka ng makakita ng nagtitinda nun ngayon, lalo pa't magpapasko. Yup. Ilang days na lang at pasko na. Kaya malamig na ang simoy ng hangin.Tapos ngayong araw na to, sobrang lamig at umaambon-ambon pa. Syanga pala, hindi ko pa natatanong sa kanya kung anong gusto nyang regalo. Eh,, pano ko naman kaya itatanong? Ang hirap naman nun. Teka, bago pala yun. San ba ako makakakita ng ice cream dito? *ice cream bell rings* Ang swerte ko naman. Katatanong ko pa lang kung san ako makakakita nun, sinagot Mo naman po agad. :)) Thank You Lord.

"Manong pabili nga po." - ako.

"Ilan iho?" - Manong.

"Ah, dalawa po. Manong, matanong ko lang po, bakit po nagtitinda pa kayo ng ice cream sa ganitong panahon?" - ako.

"Sayang din kasi yung benta eh. Tsaka huli ko na kasing benta ngayon, kaya hayan kahit malamig pinagtyatyagaan ko na." - Manong.

"Ah ganon po ba? Sige po. Salamat." - ako.

Nakabalik na ako kay Grace. At yung lungkot sa mga mata, bigla na lang nawala ng makita nya kung ano yung dala ko. Nung makita ko sya, iba yung nakita ko sa mukha nya. Para bang nabigla sya na nakabili talaga ako ng ice cream. Tapos nung inabot ko yun sa kanya, mas nagliwanag pa yung mukha nya. Yung para bang ngayon lang sya nakakita ng ice cream.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit naghanap ako ng ice cream ngayon, kahit na alam kong malabo kasi malamig yung panahon?" - Grace.

"Ah.. Bakit nga ba?" - ako.

"Humingi kasi ako ng sign kay God. Tapos bigla kong naisip na humingi ng isang hindi naman imposible, pero medyo malabong mangyari. Naisip ko na bumili ng ice cream, yun ay kung makakabili ako kahit na ganito yung panahon. At pag nakabili ako, it means na may tsansa pa na bumalik yung mga mahal ko sakin, bago man lang ako mawala. Naisip ko din kasi na, malay natin diba, ngayon na yung huling pagkakataon na makakain ako nito. Kasi, hindi naman natin alam kung kelan Nya tayo kukunin kaya, mabuti na yung sinusulit natin yung mga pagkakataon na meron pa tayo diba?" - Grace.

"T-teka Grace. Bakit naman ganyan yung mga sinasabi mo? Syempre magiging maayos ang lahat bago ka mawala." - ako.

Ewan ko pero, bakit ba kinakabahan ako sa mga sinasabi nya. Parang hindi ko gusto yung mga salitang pinaparating nya. Bakit ganon? Ngumiti lang sya sakin at saka itinuloy ang pagkain nya ng ice cream.

"Nga pala Grace, matanong ko lang. Ano bang wish mo ngayong pasko? May gusto ka bang matanggap?" - ako.

Ngumiti sya sakin bago nagsalita.

"Alam mo Cielo, wala naman akong gustong matanggap eh. Wala kahit na anong materyal na bagay. Ang gusto ko lang, makasama ko ng muli ang pamilya ko, at ganun din ang bestfriend ko. Kasi sobra ko na silang namimiss." - Grace.

Tapos bigla na namang lumungkot ang mukha nya. Kung malungkot sya, mas nalulungkot ako pag nakikita kong ganyan sya.

Pano yan, hindi ko naman kayang ibigay yung guato nya. Sana lang may kaya akong gawin para mapasaya sya ng sobra ngayong pasko. Kung kaya ko nga lang gawin ang gusto nya...

"Cielo.. Sa tingin mo.. Sa tingin mo meron kayang malulungkot pag nawala ako? I mean, tulad nito. Malayo ang loob ng pamilya ko sakin. Tapos yung bestfriend ko naman galit sakin. Si papa at si lola, siguro nakalimutan na nila ako... Maraming ng tao ang may galit sakin, at ang lahat ng yun ay kasalanan ko. Siguro magiging maayos lang lahat pag nawala na ako no? Wala na silang problema, at wala ng kaiinisan. Si God na lang yata yung nagmamahal sakin. Sya na lang..." - Grace.

"Ano ka ba Grace. Meron pang taong nagmamahal sayo. Meron pa kung alam mo lang. At nasisigurado ko na sobrang malulungkot sya kapag nawala ka. :) Kaya wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano." - ako.

"Sino naman kaya sya? Sana man lang kilala ko kung sino sya, para naman masuklian ko yung pagmamahal na ibinibigay nya." - Grace.

"Hindi mo na yun kelangang gawin. Dahil marinig pa lang nya yung mga sinabi mo, sapat na yun para mapasaya at maauklian mo yung pagmamahal nya." - ako.

"Kilala mo ba sya?" - Grace.

"Oo. Kilalang-kilala." - ako.

"Kung ganon.. Pakisabi naman na.. Salamat, dahil may ibang tao pa pala ang nagmamahal sakin. Pero pakisabi din na.. Kung higit pa sa isang kaibigan ang turing nya sakin, itigil nya na lang kasi pareho lang kaming masasaktan." - Grace.

"P-pero.. Bakit naman? Dahil ba, may iba ka ng mahal?" - ako.

Bakit nga ba Grace? May iba ka bang mahal? Pero bakit ka masasaktan?

"Hindi. :)" - Grace.

"Eh.. Bakit?" -ako.

"Basta. Malalaman nya din yun pagdating ng panahon." - Grace.

Kelan? Pag wala na akong pag-asa? Ang sakit naman. Hindi ko pa nga nasasabi basted na agad ako...

"Pero alam mo Cielo. Meron pa akong natitirang hiling." - Grace.

"Ano naman yun?" - ako.

"Meron pa kasing isang tao na mahalaga sakin. Alam mo lagi nya akong napapasaya, kahit na hindi nya alam pero lagi nya akong napapatawa. At alam mo, kahit sa maikling oras lang kami nagkasama, natutunan ko agad syang mahalin dahil sa kakaibang ugali na ipinakita nya. Sana nga lang may pagkakataon akong sabihin yung nararamdaman ko para sa kanya. Kaso, takot din kasi ako eh. Takot ako na malaman yung katotohanan na magkaiba pala kami ng nararamdaman para sa isat isa. At ang tanging hiling ko lang, sana mapaabot ko sa kanya kung ano yung nararamdaman ko para sa kanya." - Grace.

Grabe, sabi ko na eh. Mas nasaktan naman ako dun. Nagseselos tuloy ako dun sa taong mahal nya. Buti na lang tama yung desisyon ko na manahimik na lang. Eh di sana lumayo pa yung loob nya sa akin. Ayoko namang mangyari yun.

Matapos naming maubos yung ice cream namin ay agad syang nagsabi na umuwi na kami. Inihatid ko naman sya agad sa apartment nya, at saka umalis. Bakit ganon? Sa sasakyan hanggang sa pagbaba nya, malungkot pa rin yung mga mata nya. Ni wala akong magawa para mapasaya ko sya. tsk.

The Borrowed AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon