What Friends Do

474 18 1
                                    

"Hi Dana!" Bati ni Jem kay Dana nung makita nitong naglalakad si Dana na mag isa, "Pauwi ka na ba?"

"Uy, Jemimah!" Sagot ni Dana na lumapit para batiin ang nakangiting dalaga.

Lumapit si Jem para mag beso kay Dana. Nahuli ni Dana ang kanyang sarili na muntikan nang mapaatras, buti nalang napigilan niya ang kanyang sarili.

"Pauwi ka na ba?" Tanong ulit ni Jem kay Dana pero ang tanging tumatakbo lamang ngayon sa utak ni Dana ay kung gaano kalambot ang pisngi ni Jem.

Hindi niya napigilang ngumiti habang iniisip ito.

"Hoy! Ano yan ha? Walang pansinan?" Sambit ni Jem habang hinahampas ang braso ni Dana.

"Ha? Ah eh, sorry." Mabilis na sagot ni Dana habang nakangiti, "May naalala lang ako."

"Uy, ano yan? Crush mo ba?" Pangungulit na usisa ni Jemimah habang tinutusok ang tagiliran ni Dana.

"Huy, hindi ha!?" Mabilis na sagot ni Dana kay Jem, "Ano ka ba!".

"Hmp, kung sino man yang crush mo, swerte siya sayo." Nakangiting sagot ni Jem

"Hala siya, bakit naman swerte k-- siya?" Nangangatal na sagot ni Dana. Palihim niyang kinagat ang loob ng kanyang pisngi.

"Tang-ina Dana, muntikan ka na!" Bulong niya sa sarili niya habang tinititigan si Jem, "Wag kang madulas."

"Eh kasi, maganda ka, mabait, magaling kumanta at sumayaw, matalino." Inisa-isa ni Jem ang mga katangian ni Dana at habang pinapakinggan ni Dana to eh siya naman ang nag isa isa sa mga magagandang bagay kay Jem.

Tulad ng mga mata nito, na puno ng buhay, kumikinang at kumukutitap pa.

Tulad ng mga nakakabighaning pisngi na hanggang ngayon eh nararamdaman parin ni Dana ang pag dampi sa pisngi niya kanina.

Ang nakakapanghinang halakhak at mga nakaklusaw na ngiti ni Jem na kanina pa niya ginagamit sa pag atake sa kung ano mang nararamdaman ni Dana.

Sa Loob ng puso nito.

At ang mga labi, ang mga mapang-akit na labi ni Jemimah na siyang nag bibigay pahirap kay Dana. Kailangan niyang pigilan ang sarili dahil kung hindi eh baka mahalikan niya ng wala sa oras si Jemimah.

"Hoy!" Sambit ulit ni Jemimah habang tinapik ang kanyang kanang kamay, "Nakikinig ka ba?"

"Ha?" Ano?" Naalimpungatang sagot ni Dana kay Jem.

"Sabi ko, ikaw ang ideal partner ko." ulit Jem sa kanya, "Complete package ka kasi."

"Talaga Jem?" Di maka paniwalang tanong ni Dana.

"Oo naman, totoo." Nakangiting sagot ni Jem..

Di na kayang pigilan ni Dana ang damdaming gusto nang kumawala sa kanyang dibdib kaya tuluyan niya na itong pinakawalan. Dahan dahang nilapit ni Dana ang kanyang mukha sa mukha ni Jem na nakatitig at nakangiti pa rin sa kanya.

Dahan-dahan.

Unti-unti.

Biglang ngumiti si Jemimah.

Ang matingkad at nakaka tunaw dibdib na ngiti.

Alam na ni Dana kung ano ang nangyari.

"Hi Love." Malakas na bati ni Jem na biglang tumayo.

Alam na ni Dana kung ano ang nangyayari.

Nilingon niya si Jem at ang kayakap nito, "Hi Sela." Bati ni Dana habang pilit nilulunok ang isang malaking bultong laway na humarang sa kanyang lalamunan.

"Hi Dana!" Masayang bati naman ni Sela sa kanya.

"Bukas ang kotse?" tanong ni Jem na agad naman sinagot ni Sela nang isang tango. Kinawayan ni Jem si Dana at nakangiting tinakbo ni Jem ang kotse ni Sela at iniwan silang dalawa.

"Hey, Dana..." Mahinang tawag ni Sela kay Dana, "I just want to thank you."

"Ha? Para saan?" kunot noong tanong ni Dana

"Thank you for taking care and keeping Jem safe." Nakangiting sagot ni Sela, "For protecting her for me."

Tumango lang si Dana at ngumit ng bahagya, "That's what friends do for each other right?"

"Right." Sagot ni Sela habang nag simulang sundan si Jem.

Naiwan si Dana na mag isa.

Umulan ata pag katapos nun kasi nabasa ang pisngi ni Dana.

Random MNL48 StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon