• Yazlaine •
Ngayon yung gala namin.
Nagyaya kasi si Mark na gumala ngayon sa mall at kung saan man kami mapadpad.
Kasama ko na ngayon si Aly at hinihintay na namin si Mark. Sinabi niya kasi na susunduin niya kami dito sa bahay. Actually, ako lang pala dapat ang susunduin niya pero dahil nandito si Aly sa bahay, kaming dalawa na. If hindi mo naintindihan, just understand it okay? Hmmp!
15 minutes later, dumating narin sa wakas si Mark.
"Maygad! Ang tagal mo ah!" Reklamo ni Aly. Napailing naman si Mark dahil sa kakapalan ng mukha nitong kaibigan ko.
Sa backseat sana ako uupo pero tinulak ako ni Aly at unahan ako. "'Dun ka nga, ano driver natin si Mark?" Maarte niyang sabi sakin kaya napapairap akong umupo sa harap, sa tabi ni Mark ano pa nga ba? Common sense, okay?
Tahimik lang kami buong biyahe. Nakatutok si Mark sa daan at si Aly at ako naman ay sa aming phone.
"We're here." Natauhan ako ng magsalita si Mark. Agad na kaming bumaba at pumasok sa loob ng mall.
"Saan niyo gusto pumunta?" Tanong ni Mark. Sasagot na sana ako kaso inunahan ako ni Aly.
"Nood tayo, may bagong movie ngayon. Maganda daw..." sagot niya with matching palakpak at hawak sa braso ni Mark.
Wala na kaming nagawa ni Mark kundi sundin ang gusto ni Aly.
"Yaz..." tawag niya sakin kaya nilingon ko siya. Nandito na kami sa loob ng sinehan. Nasa gitna nila ako. Sa left side ko si Mark at sa right side ay si Aly.
"Hmm?" Hindi ko siya nilingon dahil tutok ako sa pinapanood namin.
"I lik----" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla akong hilain ni Aly. "Ang sweet nila, diba?" Kinikilig na sabi nito na may pahawak at pasandal ng ulo sakin.
Tinignan ko si Mark na ngayon ay naiiling at masamang tinignan si Aly.
---
Matapos naming manood ay dumeretyo kami sa arcade. Si Aly ulit ang nagyaya dito. At dahil masunurin kami ay sinunod nalang namin siya.
"Ah Yaz, sana maulit ulit to." Biglang sabi ni Mark kaya napatingin ako sa kanya. Nakatayo lang kami sa tabi ni Aly na naglalaro ng kung ano man yung nilalaro niya. Siya lang naman may gusto na pumunta dito, e.
"Oo naman," sagot ko saka siya ngitian.
"And sana if it is okay sayo na tayo na lang dalawa." Patuloy niya kaya lumingon si Aly sa amin at tinaasan ng kilay si Mark.
"So, ganon-ganon nalang Mark? Akala ko ba magkaibigan tayo, ha?" Sabi pa niya with matching paluha pa. Tsk! I don't know kung bakit ko 'to naging kaibigan.
"Tsk! You're so O.A, Aly. Let's go na nga, nagugutom na ako." Sabi ko saka nauna ng maglakad. Sumunod naman si Mark at Aly sakin na akala mo bata kung magbangayan.
Sila talaga yung tunay na magkaibigan. Bata palang sila, sila na yung laging magkasama. At kaya ko naging kaibigan si Aly ay dahil kay Mark.
Matapos naming kumain ay nag ikot-ikot muna kami sa mall at bumili ng kung ano-ano saka namin naisipan na umuwi.
"Salamat... sobrang nag enjoy ako sa gala natin ngayon." Ngiti ko kay Mark ng makarating kami sa tapat ng bahay namin.
"Welcome, me too. I enjoyed this gala with you, kahit na medyo epal si Aly." Sagot niya saka tumawa at ngitian ako. Kung noong college siguro niya to ginawa, baka namatay na ako sa kilig.
"Sige, pasok na ako. Ingat ka sa pag-uwi." Sabi saka tatalikod na sana pero nagsalita siyang muli.
"Yaz..."
Tinignan ko siya ng may nagtatanong na tingin dahil parang may guto siyang sabihin pero hindi niya masabi.
"Bakit?"
"N-nothing. G-good night." Sagot niya saka agad na tumalikod sakin at pumasok sa kotse niya.
Napakunot ang noo ko at napapailing nalang ako dahil sa naging kilos niya. What was that?
Ayaw kong mag assume. Pero parang...
"Hoy!" Napatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw si Shasha. Nakababata kong kapatid.
Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangisi lang siya sakin. Problema nito?
"What?" Masungit kong tanong.
"Are you two dating?" Tanong niya kaya muntik na akong mabulunan ng sarili kong laway.
"What?! No!" Agad na sagot ko pero nanatili lang siyang nakangisi. What's with her?
"Oh? Really? Maybe not now," Sagot niya saka umupo sa couch. "You know what ate, I really want him to be your boyfriend. He's so pogi and arrrgh, gentleman." Patuloy niya.
"I don't see him as my boyfriend, Shasha. So please lang." Pag awat ko sa kanya saka umupo sa single sofa na nasa tapat niya.
"Nah! At sino ang nakikita mo? Si kuya Paulo?" Sagot niya kaya natahimik ako. "Hindi naman ako tutol sa nararamdaman mo, ate. But, can't you see? May girlfriend siya. And he loves her." Patuloy niya saka bumuntong hininga.
Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Don't be so tanga okay? Subukan mong tumingin sa iba, subukan mong ilaan yung atensyon mo sa iba."
Tumayo siya pero hindi siya umalis sa pwesto at nakatingin lang sakin. "Subukan mong tignan si kuya Mark gaya nang kung paano mo tignan si kuya Paulo." Sabi pa niya saka iwan ako sa sala.
What's with her?
Hindi naman ganon magsalita yung babaeng yun, e.
Hindi ko nalang inisip ang mga sinabi niya at umakyat nalang sa kwarto ko. She's so damn stressful...
To be continued...
Note: support Justin, Ken, Josh and Stell's story. Thank you😘
Next ud, sa susunod na araw siguro.
BINABASA MO ANG
ONSCLS | SB19 Pablo✔
FanfictionSB19 Series #4 "I- I love you, Yaz. P-please huwag ka naman aalis. B-bakit n-gayon pa na ikaw ang pinili kong mahalin?" "I'm sorry, Sejun... but I think our not so called love story will be ended here. Hinihiling ko na m-maging masaya ka. Don't worr...