• Yazlaine •
Kakagaling lang namin sa simbahan. Kasama ko parin siya at masalakuyan kaming naglalakad ngayon dito sa isang mall.
"Ahh— gusto mo kumain muna?" Pagbasag niya sa katahimikan kaya napatingin ako sa kanya.
"S-sige," sagot ko. Tumango naman siya at nauna nang maglakad kaya sumunod ako. It's kinda awkward.
Minutes later, dumating na ang order namin at nagsimula na rin kaming kumain. Wala paring nagsalita sa amin.
Tumikhim ako dahil hindi ko na kaya ang katahimikan sa pagitan namin. "H-hindi ka ba busy? Lagi ka ata dumadalaw dito sa Cavite?" Pagbasag ko sa katahimikan. Tumingin naman siya sakin saka ngumiti kaya umiwas ako sa tingin at nagpatuloy sa pagkain.
"Hindi naman masyado." Sagot niya kaya tumango nalang ako. Wala na ulit nagsalita.
"Ikaw? Balita ko busy ka sa restaurant niyo?" Tanong niya kalaunan kaya napatingin ako sa kanya saglit.
"Yeah! Bukas na kasi magsisimula yung renovation." Sagot ko.
"Balita ko nga kay Jah. Anyways, if you need something, just let me know." Sabi nito. Ngumiti lang ako bilang sagot.
Pagkatapos naming kumain ay inaya niya ako na magpalipas muna ng oras sa isang park malapit sa mall.
Naglakad lakad lang kami doon hanggang sa napagod kaya umupo kami sa isang bench doon.
"Yaz, si Mark... ah— n-nanliligaw ba siya sayo?" Bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo.
"What? Hindi, bakit?" Sagot ko saka bahagyang natawa.
"Wala naman. Akala ko kasi nanliligaw din siya sayo." Sagot niya. Sandali kaming natahimik at pinagmasdan ang mga tao na nandito rin sa park.
Hindi naman ako nababahala na kasama siya ngayon dahil naka disguise naman siya.
"Tanong ko lang, kayo ba ni Lara?" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa tanong ko. Minsan talaga napaka straight forward, eh.
Siya naman ngayon ang kumunot ang noo saka tumawa. "No. Liligawan ba kita kung kami?" Sagot niya. "At isa pa, matagal na niyang tanggap na hindi na talaga kami magkakabalikan." Patuloy niya.
"Pero bakit kung umasta noon, akala mo jowa, e." Bulong ko.
"Ha? May sinasabi ka?" Tanong niya kaya napailing ako. Tsk! Sandali ulit kami natahimik.
"Pau," tawag ko sa kanya maya-maya.
"Hmmm?"
"Bakit mo ako nagustuhan at minahal?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang malaman.
"Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang mahal kita. Hindi naman na mahalaga kung bakit diba?" Sagot niya. "Mahal kita kasi mahal kita. Yun na yun." Patuloy niya. Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ang sabihin at maramdaman.
"Actually, high school palang crush na crush na kita." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. "Pero wala akong lakas ng loob na sabihin iyon sa'yo." Patuloy niya.
"Paano naging kayo ni Lara?"
"Well, it's because of our friends. Lagi kaming inaasar noon kaya nahulog ako sa kanya at naging kami. But, years later she broke up with me." Sagot niya saka bumuntong hininga. "Pero okay na kami ngayon, we're good friends parin naman." Sabi pa niya saka ngumiti.
"Uhmm— err one last question... paano mo ulit ako nagustuhan matapos yung break up niyo ni Lara?" Tanong ko kaya tumawa siya dahilan para kumunot ang noo ko.
"Sa totoo lang hindi naman nawala yung nararamdaman ko sa'yo eh. Siguro natuon lang yung atensyon ko sa iba noon, pero minahal ko naman ng totoo si Lara noon ahh." Sagot niya. Natawa naman ako sa huli niyang sinabi. Napaka defensive.
"E 'di minahal. Napaka defensive mo naman masyado." Sabi ko kaya ngumuso siya.
"Hindi ako defensive. Sinasabi ko lang baka i-judge mo ako." Sagot niya kaya natawa ako. "Huwag mo ako tawanan, Yaz!" Patuloy niya na mas lalo pang ngumuso. May pagka isip bata din pala to hahahaha.
"Tara na nga." Pag-aya ko saka tumayo.
"Teka lang... may tanong din ako sayo." Sabi niya kaya napacross arm ako. "So, pinapayagan mo na akong manligaw sa'yo?" Tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"T-tara na nga kasi." Utal na sabi ko saka siya tinalikuran. Agad naman siyang tumayo at hinabol ako.
"Oyy! Sagutin mo kasi, apaka daya nito. Ano na nga?" Pangungulit niya pero hindi ko pinansin. "Oyy, Yaz!" Kinalabit pa niya ako pero nagpanggap ako na walang naririnig. "Ya—"
"Oo na nga, sige na. Napaka kulit." Pagputol ko kaya napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako at tinignan niya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil tulala siyang nakatingin sakin. "Hoy, Paulo!" Mahinang sigaw ko sa kanya kaya napakurap siya.
"T-teka... m-mali ba ako ng dinig kanina?" Tanong niya kaya natawa ako. "Huwag mo ako tawanan!" Parang batang sabi niya.
"Tara na! Bahala ka diyan!" Sabi ko saka nauna ng maglakad. Agad naman siyang sumunod sa akin at kinulit na naman ako.
"Wala ng bawian yan ahh!"
"Oo nga!"
Ang saya lang ngayon sa pakiramdam. Napaka gaan sa pakiramdam na mailabas 'yung totoo mong nararamdaman.
Yeah! It's kinda weird. Pero, I'm still in love with this guy named John Paulo Nase.
— The End —
May special chapter pa 'to. Hindi ko lang alam kung kailan HAHAHAHAHA.
Anyway, sorry kung yan lang nakayanan ko na ending. Hindi ko naman na kasi alam kung paano, saan at kailan ko tatapusin. But yeah, ito na nga tinapos ko na. Pero hindi pa talaga diyan nagtatapos kasi may special chapter pa HAHAHAHAHA.
Thank you sa mga walang sawang nagbasa, nag vote at nag comment sa story na 'to. See you sa special chapter and please do support my other stories😣❤
BINABASA MO ANG
ONSCLS | SB19 Pablo✔
FanfictionSB19 Series #4 "I- I love you, Yaz. P-please huwag ka naman aalis. B-bakit n-gayon pa na ikaw ang pinili kong mahalin?" "I'm sorry, Sejun... but I think our not so called love story will be ended here. Hinihiling ko na m-maging masaya ka. Don't worr...