#34

261 15 0
                                    

Sejun Nase
Active now

Sejun:

Yaz

oyy mag reply ka naman!

kausapin mo ako, Yaz!

I love you

Please, Yaz talk to me!
Seen✔

Naibato ko ang cellphone ko matapos mabasa ang mga messages ni Sejun. Kagabi pa iyon pero ngayon ko lang nakita.

OTW na ako sa airport at isang oras nalang flight ko na.

"You okay?" Tanong ni mama sabay kuha ng phone ko na naibato ko. Tumango lang ako saka tumingin sa labas.

"Kung ayaw mong umalis---"

"Gusto ko ng makaalis dito, ma." Putol ko sa kanya. Hinawakan naman niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong naluha. Ang sakit kasi sa dibdib na iwan sila mama. Buong buhay ko hindi ako nahiwalay sa kanila. At ngayon, aalis ako para takasan lahat ng mga problema na nararanasan ko ngayon.

"It's okay, everything will be okay soon." Sabi ni mama saka ako mahigpit na niyakap.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa airport.

Sa mga oras na ito ay nagdadalawang isip parin ako kung tutuloy ba ako o hindi. Hanggang sa dumating na ang oras na paalis na talaga ako.

"Tumawag ka kapag nakarating ka na doon. I love you." Sabi ni mama saka ako niyakap.

"Huwag mo kaming kakalimutan ni Aly ah." Sabi naman ni Mark na nasa tabi lang ni mama. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Makakalimutan ko ba naman ang mga baliw kong kaibigan." Sagot ko saka siya yakapin.

Ilang sandali pa ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanila nagpaalam na ng tuluyan.

Habang naglalakad ako palayo sa kanila ay magfa-flashback sa utak ko lahat ng mga nangyari.

Gusto kong magback out.

Gusto kong bumalik sa kinaroroonan nila mama ngayon.

"Yaz!"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"Please, Yaz. Kahit saglit lang pakinggan mo ako." Sa tono ng pananalita ay ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya.

Nilingon ko siya at binigyan ng isang pilit na ngiti. "I'm okay..." iyon lang ang nasabi ko. Alam kong sinisisi nita ang sarili niya dahil sa nangyari, pero wala naman talaga siyang kasalanan.

"Hindi mo naman kailangan umalis, Yaz..." Mahinang sabi niya at kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.

Muli akong ngumiti sa kanya. "It's my decision to leave. It's not because of what happened... don't worry, I'm okay." Sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya. Gusto kong yakapin siya ngayon at sabihing hindi na ako aalis, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Naisip ko na this time, piliin ko naman ang sarili ko. Na mahalin ko naman ang sarili ko. Na sarili ko naman ang unahin ko.

"Paano, alis na ako." Nakangiti paring sabi ko sa kanya at tumalikod na. Kasabay 'nun ay ang pagtulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilang tumulo.

"I love you..." natigilan ako ng sabihin niya ang tatlong salita iyon. Tatlong salita na matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya. Pero ang sakit lang na bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa niya sinasabi ngayong ang sarili ko na ang pinili ko?

"I- I love you, Yaz. P-please huwag ka naman aalis. B-bakit n-gayon pa na ikaw ang pinili kong mahalin?" Patuloy niya pero nanatili lang akong nakatalikod sa kanya.

I love you too, Pau.

Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"I'm sorry, Sejun... but I think our not so called love story will be ended here. Hinihiling ko na m-maging masaya ka. Don't worry about me, I'm okay—"

"Hihintayin ko ang pagbabalik mo dito sa Pilipinas at pinapangako ko na hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo." Putol niya sa sasabihin ko.

Nagulat pa ako dahil bigla niya akong niyakap.

Agad akong umalis sa pagkakayakap sa kanya. "Huwag mo na akong hintayin." Mahinang sabi ko at tumalikod na sa kanya at naglakad palayo sa kanya.

I'm sorry, Pau.

But I need to do this. Ayaw kong masira ang pangarap mo just because of me.

——

"Welcome to Thailand my lil sis!" Bati sakin ni Kuya ng makalapit ako sa kanya. Kararating ko lang dito sa Thailand.


Agad ko siyang niyakap dahil sobrang na-miss ko siya. Isang taon narin nung nagbakasyon sila sa Pilipinas.



"Na miss kita Kuya!" Nakangiting sabi ko saka umalis sa pagkakayakap sa kanya. Napatingin naman ako sa tabi niya at agad na napangiti ng makita si ate Lea.



"I'm happy to see you, Laine." Nakangiting sabi niya at agad akong niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik.




"Tama na 'yan. Naghihintay na sa bahay ang pamangkin mo kaya tara na at para makapagpahinga ka narin." Agad sabi ni kuya kaya kumalas na kami sa pagkakayakap ni ate Lea at natatawang sumunod kay kuya.




Napahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ko inaasahan na magiging magaan ang pakiramdam ko ngayon.



Pagkarating namin sa bahay nila kuya ay agad na lumapit sa akin si Abby. "Sawadee kha, tita Yaz!" Bati niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.



"I miss you, Abby." Sabi ko at niyakap rin siya ng mahigpit.



"Abby, papa is sad na. Pinagpapalit mo na naman kami ng mama mo kay Yaz!" Kunwaring nagtatampong si kuya sa anak niya.



Agad naman na umalis sa pagkakayakap sakin ang bata at naka cross arm na tumingin kay kuya.


"Don't be so O.A nga papa. Kararating lang ni Tita and ngayon lang kami ulit nagkita." Mataray na sabi niya sa papa niya dahilan para matawa kami ni ate Lea. Napaka sungit talaga ng batang 'to. She's just 15 pero minsan ay napaka matured na niyang mag-isip.



"Tss. Hindi na ako magtataka, mana talaga yang pamangkin mo sayo." Sabi ni kuya sakin kaya natawa nalang din ako.




Ilang minutes pa kaming nagkwentuhan hanggang sa nakaramdam ako ng antok kaya nagpaalam na muna ako na magpahinga.




Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan sila mama.




Matapos nun ay nahiga na ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong makatulog.






To be continued...

Sorry sabaw na naman. Ang haba na pero hindi ko pa alam paano tapusin amp HAHAHAHA.

ONSCLS | SB19 Pablo✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon