• Flashback Part 2 •
"Where's Lara?" Tanong ko sa mga kaibigan ko pagkaupo ko sa tabi ni Bernardin. Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch break.
Matapos kasi ang pag uusap namin sa library kahapon ay hindi na ako pinapansin ni Lara. Biglang umiiwas.
" 'Bat mo hinahanap samin?" Tanong din ang isinagot ni Marco.
"E, kayo lang naman pinapansin niya simula kaninang umaga." Sagot ko.
Napatigil naman sa pagkain si Maya at sinamaan ako ng tingin.
"Malamang hindi ka kakausapin 'nun. Ma-reject ba naman." Sabi nito saka nagpatuloy ulit sa pagkain.
"Oo nga, kawawa naman. Nagkagusto kasi sa isang manhid na kagaya ni Sejun." Pagsang ayon naman ni Arvin.
Tinignan ko lang sila ng nagtataka. Ano ba sinasabi nila? Para nagtanong lang kung nasaan si Lara, kung ano-ano na isinagot.
"Ano bang sinasabi niyo?" Tanong ko. Napatigil naman sa pagkain si Geonard na kanina lang ay hindi pa natitinag.
"May gusto nga kasi sayo yung tao. Tapos sa kanya ka pa nagku-kwento about kay Yazlaine." Sagot niya na seryosong nakatingin sakin. "Alam mo, napakaswerte mo kay Lara kung tutuusin." Patuloy niya.
Tumango tango naman yung apat sa sinabi niya. "Kaya sana naman ay maapreciate mo siya." Patuloy ni Maya.
"Oo nga bro, ligawan mo na kasi." Sabi naman ni Arvin na nagpatuloy na sa pagkain.
"Tsk! Tumahimik nga kayo. Kaibigan ko siya, kaya hindi ko siya liligawan gaya ng sinasabi mo." Sagot ko.
Ayaw kong masira yung pagkakaibigan namin dahil lang dun.
"Tsk! Dun naman nagsisimula, e. Sa pagkakaibigan, kaya bakit hindi niyo i-level up yung relationship niyo?" Sabi naman ni Bernardin.
Mga baliw talaga ang mga to. Ilakad ba naman ako sa kaibigan namin.
Pero ano ba ang nararamdaman ko para kay Lara? Meron ba?
"Pero wala akong nararamdaman sa kanya." Sagot ko.
"Akala mo lang yan. Subukan mo kasi na tumingin sa iba, hindi yung puro kay Yazlaine." Nakakunot ang noong ani Maya na hindi nakatingin sakin.
---
Matapos ang usapan namin sa canteen ay pinakiramdaman ko ang sarili kung may gusto ba ako kay Lara.
Hindi parin niya ako pinapansin hanggang ngayon na siyang kinaiinisan ko.
Ngayon lang kasi kami hindi nagpapansinan ng ganito.
Napayukom ang kamao ko nung may lumapit sa kanya na lalaki. Nakangiti siya ngayon dun sa lalaki na yun. Kainis!
"Tsk! Easy ka lang Pau, kung nakamamatay lang siguro ang tingin matagal ng nakahiga si Aki sa sahig." Biglang pagsingit ni Geonard sa harap ko.
"Nakakainis kasi, hindi niya ako pinapansin tapos..." sagot ko saka padabog na tumayo at lumapit sa kanila.
"Lara..." tawag ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sakin na nakakunot ang noo.
"Bakit?" Tanong niya. Mas lalo tuloy akong nainis dahil yung lalaking yun ang sumagot.
"Ikaw ba si Lara?" Inis na sabi ko dun sa lalaki pero ngumisi lang siya. What the hell?
"Pau, ano ba kasi? May pinag-uusapan kami." Biglang sabi ni Lara kaya napatingin ako sa kanya.
Bumuntong hininga nalang ako. "Mamaya na lang. Sige." Sagot ko saka matamlay na bumalik sa kinaroroonan ni Geonard.
"Ano? Naniniwala ka na?" Tanong niya sakin nang makaupo ulit ako sa tabi niya.
"Na ano?" Walang gana kong tanong dahil hindi ko siya maintindihan.
"Na may gusto ka rin kay Lara, pero dahil nakay Yazlaine lang yung atensyon mo, hindi mo nakikita." Sagot niya.
"Tsk! Anong bang sinasabi mo? Naiinis lang ako kasi hindi niya ako pinapansin, at hindi dahil may gusto na ako sa kanya."
"Indenial amputa. Bahala ka, baka maunahan ka ni Aki." Sabi pa niya saka tinapik ang balikat ko at tumayo na siya at lumapit kila Marco.
To be continued...
BINABASA MO ANG
ONSCLS | SB19 Pablo✔
FanfictionSB19 Series #4 "I- I love you, Yaz. P-please huwag ka naman aalis. B-bakit n-gayon pa na ikaw ang pinili kong mahalin?" "I'm sorry, Sejun... but I think our not so called love story will be ended here. Hinihiling ko na m-maging masaya ka. Don't worr...