• Bella •
Nandito ako ngayon sa coffee shop ni Shaila. Sinabihan ko din ang apat na member ng SB19 at kasama nila ang kanya-kanyang mga jowa, hindi kasama si kuya Sejun dahil hindi niya dapat marinig ang pag-uusapan namin.
"So, ano ba kasi ang sasabihin mo?" Tanong ni Stell kaya inirapan ko siya. Problema nito? Palibhasa hindi pinapansin ni Ayesha. Tsk!
"Since Yaz is back, gusto kong magkaayos sila ni kuya Sejun." Panimula ko. Tumango-tango naman sila sa sinabi ko. "Nakikita ko kasi na sobrang apektado parin si kuya Sejun sa nangyari sa kanila noon. At isa pa, ayoko naman na kay Lara ang bagsak niya. Duh!" Patuloy ko saka umirap. Tumawa naman sila ng konti dahil sa sinabi ko.
"I agree. Hindi naman sa ayaw ko kay Lara, but I think she's not the right girl for kuya Sejun." Pagsang-ayon ni Shaila kaya tumango ako sa kanya.
"Ako din agree sa sinabi ni Riri. Hindi din dahil ayaw ko kay Lara, pero nakikita ko din naman kasi na mahal ni Sejun si Yaz." Sagot naman ni Josh na sinang-ayunan nilang lahat.
"Pero mahal nga ni kuya Sejun si Yaz. Pero ang tanong, mahal din ba ni Yaz si kuya Sejun?" Biglang sabi ni Justin kaya napaisip ako. Kita ko rin na napaisip din sila sa sinabi ni Justin.
"I can help." Napatingin kaming lahat sa may pinto ng may magsalita. Si Lara.
Napakunot ang noo ko. Pati rin ang mga kasama ko ay kunot din ang noo na nakatingin sa kanya.
"Tsk! I already accepted that me and Sejun are not meant to be, okay?" Patuloy niya saka kami inirapan.
"Paano naman kami nakakasigurado na hindi mo na sila ulit guguluhin?" Tanong ni Star.
"Tsk! Hindi pa ba sapat na dahilan ang pagtulong ko sa inyo? Ano ako tanga para tumulong na magkaayos sila tapos paghihiwalayin din?" Mataray na sabi niya at umirap pa. Takte!
"Fine. You're now part of this mission." Sagot ko. Tumawa naman si Ken kaya lahat kami napatingin sa kanya.
"Mission talaga?" Tawa niya kaya umirap ako.
"Dami mong reklamo."
"So, ano na ngang plano?" Tanong ni Stell na parang nauubusan na ng pasensya. Kanina pa 'to!
"Una, kailangan natin ma-confirm kung may nararamdaman parin ba si Yaz kay Sejun. At kapag napatunayan natin na meron parin, 'dun na natin gagawin ang susunod na step." Mahabang paliwanag ko sa kanila.
"What if napatunayan natin na wala na siyang nararamdaman?" Tanong ni Star.
"E'di wala na tayong magagawa." Sagot ko.
"If we confirmed that she still love kuya Sejun, what's next?" Tanong ni Shaila.
"'Dun na natin sila ise-set up para makapag-usap sila ng masinsinan." Sagot ko.
To be continued...
BINABASA MO ANG
ONSCLS | SB19 Pablo✔
FanfictionSB19 Series #4 "I- I love you, Yaz. P-please huwag ka naman aalis. B-bakit n-gayon pa na ikaw ang pinili kong mahalin?" "I'm sorry, Sejun... but I think our not so called love story will be ended here. Hinihiling ko na m-maging masaya ka. Don't worr...