CHAPTER 21

397 19 1
                                    

Grace POV

Nagising ako nang maramdaman kong parang naka-angat ako.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang seryosong mukha ni stephen pero hindi siya sa'kin naka-tingin.

Narealize ko na buhat-buhat niya ako at kita ko sa gilid ng mata ko na malapit na kami sa kwarto niya.

Bago pa niya ako makitang gising ay muli akong pumikit.

Ano 'dai gustong-gusto lang ang peg?

Ang akala ko ay romantic na ay hindi pala dahil padarag na binaba niya ako sa kama.

"Aray ko naman!"

Angil ko.

"Alam kong gising ka!"

He smirked

"Ewan ko sayo! Hindi ka nakakatuwa!" Malakas na boses na sabi ko.

"Gustong-gusto mo naman.." Nakita kong umangat ang sulok ng labi niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"H-hindi ah!"

Sabi ko at bumaba ng kama habang siya ay nakatayo pa'rin sa harapan ko.

"Kunwari ka pa,"

I rolled my eyes.

"Ewan ko sayo!" Sabi ko at tinulak siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya 'nong makita akong binubuksan ang pinto.

Naantok pa ako kaya sa kwarto ko na itutuloy ang tulog ko.

Sabi ko hindi ako matutulog pero nakatulog ako tsk tsk.

"Babalik na." Sabi ko at handa na sana siyang talikuran nang hinatak niya ang kamay ko at namalayan ko na lang na nasa dibdib niya na ako.

Hawak niya ang bewang ko at ang isang kamay niya ay hawak pa'rin ang braso ko.

Mga ilang segundo pa hindi ako kumilos hanggang sa tinulak ko siya.

"Ano bang ginagawa mo! Naasar na ako sayo ah,"

Kunot-noong sabi ko at dinuro siya.

"Dito ka lang.."

Hindi niya inaalis ang paningin niya sa'kin.

Nakatayo pa'rin siya hindi kalayuan sa'kin. Matangkad siya sa'kin kaya medyo naka-tingala ako sa kanya.

"Hindi pwede.."

He clenched his jaw and his dark aura that can make me melt.

I tried to defy him.

I stared at him.

"Bakit hindi pwede aber?"

"Dahil sabi ko." Sabi niya.

Para kaming tanga dito na nakatayo lang at naglalabanan ng titig.

Muli ako tumalikod at syempre hindi siya si stephen kung hindi siya mahilig mag hila.

Dahil sa paghila niya ay bumunggo nanaman ako sa dibdib niya.
Mabilis ko siyang tinulak.

"Bahala kana jan!" Sabi ko at tumakbo ako at syempre hinabol niya ako.

Habang tumatakbo ako ay may kasamang tili at buti na lang ay hindi pa'rin nagigising yung aso na nasa sofa pa'rin.

Mabilis na nabuksan ko yung pinto at ang bobong si ako ay nagawa kong tumakbo papunta sa may elevator.

Tulad ng inaasahan ay nasundan niya ako at hindi ko inaasahan ang bilis niya at nahuli niya ay at agad pumulupot ang kanang braso sa bewang ko at isang kamay na binuhat ako pabalik.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon