CHAPTER 31

442 18 5
                                    

MARIS POV

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

"Tita, buti naman po ay gising na kayo." Bumungad sa'kin ang mukha ni luke.

Agad kong naalala yung nangyari sa'min ni grace.

Umahon ako pero pinigulan din ako sa huli ni luke.

"Huwag po muna kayong gumalaw." Sabi niya at tinulungan akong makahiga.

"H-hindi pwede, nasaan si grace? Yung anak ko?"

"Maayos naman yung operasyon at nilipat na siya sa private room ngayon."

Nakahinga ako nang malaman ko yon.

"T-tita may sasabihin po ako."

Napalingon ako kay luke.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Buntis po kayo."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

Buntis daw ako?

Yumuko ako at naramdaman na lang ang pagbagsak ng luha ko.

"B-baby..." Sabi ko at hinaplos ang tiyan ko.

"Tita," Halatang nag-aalala ang boses ni luke.

Umiiyak na hinarap ko siya.

"Buntis ako huhuhu,"

Tumango siya,

"Nasaan si richard? A-alam niya na ba?"

"Umalis siya kani-kanina lang."

Tumango ako,

"Alam niya ba?"

"Hindi po tita.." Sabi niya.

Mabuti na 'rin yung hindi niya alam.

Binabalak ko na iwan na si richard at magpakalayo-layo.

Ilang beses na'rin akong naging tanga dahil sa lintik na pag-ibig na 'yan.

Pero sadyang magkasama na siguro ang pag-ibig at katangahan.

Darating at darating ka talaga sa punto na magiging tanga ka.

Pinunasan ko ang luha ko.

"Gusto niyo po bang uminom ng tubig?"

"Yes please." Sabi ko at tumango naman siya at agad na nawala sa paningin ko.

Alam ko naman darating ang panahon na 'to at alam kong maiintindihan niya din ang gagawin ko.

Kahit kailan hindi ko narinig sa kanya na mahal niya ako.

Kahit kaplastikan na 'i love you' ay wala.

Muli kong pinunasan ang luha na tumulo sa mga mata ko.

Pekeng tumawa ako.

Hanggang kailan kaya ako maghihintay na marinig ko ang mga katagang 'yon.

GRACE  POV

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.

Puting kisame ang bumungad sa'kin.

Ramdam ko ang pagkatuyo ng lalamunan ko.

"G-grace? Gising kana?"

Bumungad ang nag-aalalang mukha ni stephen.

Gusto ko sanang sabihin na 'hindi tulog pa." pero sadyang tuyo ang lalamunan ko.

"T-tubig.." Namamalat na boses na sabi ko.

"Sige sige."

Nagmamadaling nawala siya sa paningin ko.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon