CHAPTER 23

381 19 0
                                    

STEPHEN POV

Busangot ang mukha ko hanggang sa maka-uwi ng bahay.

Hindi ko alam pero talagang naba-bad trip ako.

Dapat hindi na siya kasali sa misyon na to eh.

Hanggang ngayon ay malinaw pa'rin sa'kin ang pag hawak sa hita nong kanong 'yon kay grace.

Yung babae naman na 'yon ay parang gustong-gusto niya.

Nakaka-inis!

Hinahayaan ko lang ang tubig na dumadaloy sa katawan ko.

Madiin akong pumikit at naka-kuyom ang mga kamaong iniisip si grace.

Hindi ako ganito.

Dapat chill lang ako.

Nakipag-break na ako kay trixie kaya walang problema kung magka gusto ako kay grace pero delikado baka hindi kami parehas ng nararamdaman.

Kahit kailan ay hindi ako nag selos kahit kanino noon kay trixie.

What?

N-nag seselos ako?

Umiling ako at pinatay ang shower.

Hindi ako nag seselos naiinis lang ako

Aminin mo na nag seselos ka talaga.

Natapos akong maligo at nakapag bihis na 'din ako.

Tiningnan ko yung cellphone ko kung may message ba galing sa kanya pero wala akong natanggap.

Kahit kailan ay hindi ako ganito. Naiinis at the same time ay gusto ko yung atensyon niya.

Gusto ko sa'kin lang siya nakatingin kahit ang pag ngiti niya ay gusto kong ipag damot.

Para sa'kin ay napaka perpekto ng mga ngiti niy at kahit sino ay pwede mahumaling doon.

I clicked her registered number at nag dalawang isip pa kung tatawagan ko ba ito.

GRACE POV

"Hello.."

Mahinang sabi ko at kinagat ko pa yung ibabang labi ko.

Pumipintig ng mabilis ang puso ko at talagang kinakabahan ako.

"Ano,"

Mga ilang segundo rin bago siya nag salita.

"Anong ano?"

Sabi ko

Ayoko siyang barahin dahil halata namang bad trip siya.

"Alam ko bang nakaka inis ka huh!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Bakit naman siya maiinis sa'kin? Wala naman akong ginagawa eh huhuhu

Umahon ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Bakit naman?"

"Gusto mo yung kano?"

"H-hindi bakit?"

Bumuntong-hininga siya

"Wala matulog kana."

Sabi niya

Nag-aalala ako na baka bigla niyang patayin yung linya.

Puputulin niya na sana yung linya nang pigilan ko siya.

"May sasabihin kapa?"

Naiimagine ko yung expression ng mukha niya ngayon.

Naka-taas ang isang kilay nito at naka-nguso.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon