CHAPTER 27

407 18 2
                                    

Grace POV

Natapos ang araw na namatay si velasquez at masaya kami don.

Natapos ang isang misyon na walang kahirap-hirap.

Tuluyan na naglaho ang trainor university dahil sa pagsabog nito.

Pero balak ulit ipatayo nila hunter kasama na ang mga kaibigan nito.

Balak nilang sila-sila na ang mag may-ari nito.

Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap ni stephen at maayos naman ako kahit papaano.

Lagi siyang sumusubok na kausapin ako pero sadyang magaling lang akong umiwas.

Nasa condo ako ngayon at kasulukuyang nanonood at kumakain ng popcorn.

Hating gabi na at sadyang nawili na ako sa panonood ko.

Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

Hawak-hawak ko ang tubig papunta sa sala nang biglang may nag-door bell.

Kumunot ang noo ko.

Sino naman kaya ang pupunta ng dis oras ng gabi.

Sumilip ako sa maliit na butas at nakita ko ang hindi kilalang babae.

Binuksan ko ang pinto.

"Hi ate!!" Kumaway pa ito.

Pilit akong ngumiti.

"Bakit?" Tanong ko dito.

Agad naman nagbago ang reaksyon niya.

"P-pwede niyo po ba akong tulungan?" Pinagdikit niya ang mga palad niya.

"Bakit may nangyari ba?" Tanong ko dito.

"Opo, yung kuya ko po kasi inaapoy ng lagnat, Kanina pa pong umaga. Hindi ko po kasi alam gagawin ko." Malungkot na sabi niya.

Magandang babae itong nasa harap ko. Maiki ang buhok na talagang bumagay sa bilugan niyang mukha. Ang kilay nitong makapal at matangos na ilong. Kahit ang mga labi nito ay maganda.

"Anong gusto mong gawin ko?"

Pwede naman akong tumanggi kung gugustuhin ko.

"P-pwede po bang ikaw ang tumingin sa kuya ko?" Tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit agad akong tumango.

"Sige hintayin mo ko diyan." Sabi ko.

Ni-pause ko muna ang tv at kinuha ang cellphone ko bago lumabas.

Ni-lock ko ang pinto.

Akala ko ay maglalakad pa kami di kalayuan para mapuntahan ang unit nito pero ganon na lang ang gulat ko nang binuksan niya yung pinto ng unit ni stephen.

Nagtatakang tinuro ko ang pinto.

"J-jan ba?"

"Opo, pasok kana po."

Ibig bang sabihin ang sinasabi niyang kuya ay si stephen? Ibig sabihin siya si vickie.

Hindi ko pinakita na nagulat ako.

Pumasok siya sa kwarto ni stephen at kita ko nga siya na nakahiga doon at balot na balot ng mga kumot.

"Kailan pa siya inaapoy ng lagnat?"

Nasa gilid siya ni stephen at halata din ang pag-aalala nito.

"kagabi pa po,"

"Ano! Kagabi pa yan?"

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon