CHAPTER 37

555 21 0
                                    

GRACE POV

Natapos ang party at napag-pasyahan namin na uminom ng alak kahit konti.

Katabi ko ngayon si stephen at simula nong nangyari kanina ay hindi na niya binitawan ang kamay ko.

Yung mga bata ay tulog na at nandito pa kami sa sala.

Nilingon ko si stephen na hanggang ngayon ay nakangising aso parin.

Ngumiti ako,

Lumapit siya ng konti at napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang labi niya sa sintido ko.

Sobrang PDA na namin shet

Tiningnan ko ang mga kasama namin at wala namang problema dahil halos lahat kami dito ay may mga kapareha.

Nakakatuwa lang.

Yung makitang masaya yung mga tao sa paligid ko ay ganon na din ako.

"Labas muna kami.."

Nagulat ako sa sinabi ni stephen.

Tumayo na siya at hinatak ako patayo.

"Ano nanaman yan Lee!" Tukso ni drake.

"Wala kana don,"

Tiningnan ko sila at tumango na lang ako.

"Bakit?" Tanong ko.

Huminto na kami ng nasa bakuran na kami.

Umupo ako sa bench at ganon din naman siya.

"I miss you.." Sabi niya.

Tingnan ko siya.

"Miss na din kita.." Sabi ko.

Kinuha niya ang kamay ko ay pinagsiklop.

Nagkatitigan kami.

"Bakit mo ko iniwan?"

Ang kaninang kalmado kong puso ay biglang nagwala.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, Handa ba ako para sagutin ang mga ganyang tanong?

Yumuko ako pero ilang segundo lang at agad siyang hinarap.

"May iniwan ako note," Mahinang boses na sabi ko.

Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha sa bulsa niya.

Nilabas niya ang wallet niya at may kinuha dito.

Nakita ko ang papel na iniwan ko.

"T-tinago mo?"

Kahit na alam ko naman yung sagot ay tinanong ko pa din.

Tumango siya.

"Akala mo ba hindi kita mahal noong oras na yon?"

Muli ako yumuko at tumango.

Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Really?" Ramdam ko ang pait sa boses niya.

"W-wala ka kasing nababanggit sakin." Sabi ko.

"May tanong ako at sana sagutin mo."

Dahan-dahan akong tumango.

"Bakit mo binigay sakin ang pinaka-iingatan mo kung iniisip mo pala na hindi kita mahal?" Tanong niya.

Ang mga mata ko ay naglalaro lang sa mga mata niya.

Kaliwa kanan

"Dahil kailangan kong umalis..May problema noon si mama at papa at hindi ko naman kayang iwanan mag-isa si mama." Kalmadong sabi ko.

"Yeah i know, You gave yourself to me then after that you leave without knowing that i'm still here. You left me grace."

May tumulong luha sa kaliwang mata niya at agad niya namang sinalo.

Nasasaktan ako na nakikita siyang nagkaka-ganyan.

I know, kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan ngayon. Nagpadalos-dalos ako ng desisyon. Hindi ko muna siya tinanong bago ako umalis.

"I'm sorry," Sabi ko at ako naman ngayon ang humawak sa kamay niya.

"I gave myself to you because i love you."

Tuluyan na siya lumuha at ganon din ako.

"You love me?"

Tanong niya.

Umayos siya ng upo at tumitig ng maayos sakin.

"Two months after you left, I followed you. Your father told me your location."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Sinundan niya ako? Pero bakit hindi niya sinabi sakin? Bakit hindi siya nagpakita?

Kung alam ko lang edi sana hindi na umabot ng ilang taon.

Pinunasan niya ang luhang dumaloy sa pisngi ko.

"Alam mo ba kung bakit hindi ako nagpakita sayo?" Huminga siya ng malalim. "I saw you with a guy, kissing each other."

Bumuntong hininga siya.

Bigla akong kinabahan.

"Iniisip ko na baka hindi mo naman talaga ako mahal." Peke siyang ngumiti.

Umiling ako.

Yon siguro yung mga panahon na gusto kong makamove on.

"I love you,"

Pangungumbinsi ko pa sa kanya. Tumango siya at hinalikan ang noo ko.

"I tried to move on but i can't."

Humikbi ako.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I'm sorry." Sabi ko.

Naramdaman kong tumango siya.

Lumayo siya ng konti sakin.

Pinunasan niya ang luha ko at hinaplos ang pisngi ko.

"So tayo na?" Tanong niya.

Napaisip ako.

"Mahal mo ko?" Tanong ko dito.

"More the words."

Napangiti ako.

Sa tingin ko sapat na ang ilang taon na binigay samin para makapag desisyon ako.

Sa loob ng tatlong taon ay ako parin ang mahal niya at ganon din ako sa kanya.

"Let's get married."

Ngumiti ako at halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Hindi basta-basta ang pagpapakasal. Ang ibig sabihin non matatali ka sakin habang buhay. Iiwan mo ang pamil---"

Hindi ko na siya pinagpatuloy at agad na hinalikan sa labi.

Tumango ako.

"I know, I want to be with you forever. I want to see you before i sleep. I want to see you when i wakeup. I want to look at your beautiful face forever."

Hindi ko alama na lumuluha na pala ako.

Lumapit siya sakin at hinalikan ako ng mabilis.

"I want that too. I want to spend my remaining time with you." Sabi niya at muli ako hinalikan.

"I love you." Halos pumiyok pa ako.

"I love you too."

©8/8/2020

Thankyou for all

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon