CHAPTER 26

397 17 0
                                    

Grace POV

Ilang araw na ang nakalipas mula 'nong bumalik si trixie.

Wala akong narinig na kahit ano kay stephen.

Pero kung tutuusin ay dapat hindi na ako naghihintay ng sasabihin niya.

First of all, wala kaming relasyon at ang pangalawa ay nakauwi na ang girlfriend niya.

Kaya balewala na ako.

Wala na kaming dapat pag-usapan.

Mula nung gabing yon ay umuwi din ako sa bahay namin.

Ayokong magpalipas ng gabi sa condo dahil baka mamatay ako kakaisip kung nong ginagawa nila sa kabila.

Kahit sabihin ko sa sarili ko na ayos lang ako ay hindi ubra.

Sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko at hindi ko alam kung paanong ibsan 'yon.

Hindi naman madali makapag-move on lalo na kung malalim ang pinag-samahan niyo.

Mahal ko siya at hindi ko ipagkaka-ila yon.

"Kaye!" Tawag ko kay grace nang mauna siyang umalis.

Agad niya akong nilingon.

"Oh?"

"Punta ako sa inyo," Sabi ko.

Nakangiti ako pero ang lungkot ng nararamdaman ko.

Kagagaling lang namin sa isang meeting at nandoon din si stephen.

Kahit panay ang tingin niya sa'kin ay pinipilit kong hindi siya tingnan.

Tinitigan ako ni kaye at agad ko naman iniwas ang paningin ko.

Masyado niya akong kilala para malaman kung anong nararamdaman ko.

"Okay,"

Sabay na kaming naglakad nang may tumawag sa pangalan ko kaya sabay kaming lumingon.

Si stephen 'yon.

"Please let's talk."

Pakiusap ni stephen.

Lumapit pa siya sa'kin

"We don't need to talk, there's nothing between us. So fuck off! Get away from me!" Sabi ko at tinalikuran na sila at nauna ng pumunta sa kotse ko.

Tumingin ako sa harap pero nung hindi pa sumunod si kaye at nilingon ko sila.

Ano kayang pinag-uusapan nila?

Dapat hindi na siya nakikipag-usap 'don.

Tinapik niya yung balikat ni stephen at dumeretso na sasakyan.

Sumakay na siya sa passenger seat.

Kakasakay palang  niya at hindi pa siya nakakapag-seatbelt ay agad ko na itong pinaandar.

"Fucking shit!"

Narinig kong sabi niya pero mas binilisan ko pa ang pag-andar ng kotse.

"Grace! Slow down please." Sabi niya.

Binagalan ko ang pag-andar.

"Sorry,"

Hinging paumanhin ko.

Nagkatitigan kami.

Mahigpit ang hawak ko sa manibela at matalim na nakatingin sa daan.

"I want to get away from him! I want to punch him until he gets die! Fuck!"

Galit na galit ako at hindi ko alam ang dahilan. Dahil ba nagkita kami kanina at wala lang sa kanya.

Fuck! Dapat hindi ako nag dedemand ng oras o atensyon niya dahil ginusto ko yung mga araw na naging masaya ako kasama siya at ngayon ang kabayaran sa lahat ng 'yon.

Don't Fall Inlove (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon