Chapter 18
Today is another day of our outreach program at tutulak kami ngayong araw na ito sa Mantigue Island.It is three kilometers off the shore from the barangay of Mahinog—the Barangay San Roque.
"Your bag."sabi ni Jacos na siyang nag aayos ng aming mga gamit sa kaniyang yate.
Iniabot ko naman sa kanya ang dala kong backpack na agad niyang dinala sa deck.Binalikan naman niya ako at tinulungan na umakyat sa yate.
"Huwag ka maupo sa gilid.I reserved you a seat.Doon ka sa may unahan."sabi niya kaya tumango ako saka tumungo na roon habang siya naman ay lumapit sa iba para tulungan sila.
"Gosh, I'm so excited!"sabi ni Avery na handang handa na maligo sa dagat.
Nakalimutan na yata na ang pinunta namin dito ay ang pagtulong.
Nang makasakay na ang lahat ng mga volunteers ay sinigurado na ng captain kung ayos na ba ang lahat bago kami tuluyang umalis papunta sa Mantigue.
May dala kaming panligo at pamalit na mga damit.Wala naman sana akong balak makidala pero dahil makukulit sila Amanda ay napilitan na rin ako.Maliligo raw kami once na matapos ang aming duty.Kasama rin namin si Lorain na pinasama raw ni Jacos.Dito rin kasi kami matutulog.
"Napaka special treatment,ha!"bulong ni Lorain sa akin saka mahinang humalakhak nang samaan ko siya ng tingin.
Mga naka polo shirt kami na kulay itim ngayon na may tatak ng aming grupo.Naka pantalon na kulay puti ako ngayon at sandal na kulay puti.Paniguradong buhanginan kasi doon.
Ilang minuto rin ang aming naging byahe bago kami nakarating sa Mantigue.
"Jacos,naaalala mo pa noong pumunta tayo dati dito?"tanong ni Lorain sa pinsan nang pababa kami sa buhanginan.
Nang ako na ang bababa ay lumapit kaagad si Jacos at mabilis na humawak sa aking kamay kaya narinig ko nanaman ang tawa ni Lorain saka hinigit na palayo sila Cara na nagtataka.
Nang makababa ako ay mabilis akong bumitaw kay Jacos at naglakad na palayo kaya naman naiwan siya roon na nakatingin lang sa aking paglayo.
Kalaunan ay nakita ko ang paggalaw niya at tinulungan na rin ang iba.Humagalpak ng tawa si Lorain.
Ayaw ko umasa sa mga ginagawa niya sa akin.Ayaw ko na siya makita.
Saglit kaming nagpahinga dahil sa matagal tagal na byahe at nagsimula na rin naman ang orientation kalaunan.
Tig iisang cottage ang ipinagamit sa amin na siyang nagsisilbing station namin.Si Lorain naman ay kasama ng mga Camiguin officials para doon makatulong sa mga gawain.
Tanaw naman mula rito sa pwesto ko si Jacos na abala sa pagtuturo sa mga kabataan ng pagpana.Naroon sila sa tabing dagat at doon sila nag set up ng kanilang yard.
Saglit ko pa siyang pinanood at nang mapalingon siya sa akin ay umiwas na ako ng tingin at nagpaka abala nalang sa mga papel ng mga naging pasyente ko.Wala na kasi akong pasyente dahil kakaunti lang naman ang tao rito.
Nilingon ko uli si Jacos na ngayon ay nakikipagtawanan sa mga kabataan na lalake na ngayon ay nakahubad na rin ang pang itaas.Naka maong na short siya na hanggang tuhod at talagang lumulutang ang kanyang presensya mula doon sa kanilang pwesto.
Marami ang nakapalibot sakanila habang pinapanood siya sa pag i-instruct sa mga kabataan.
His jet-black hair is dancing with the wind.He's not white nor brown.He has the average type of skin.Lalakeng lalake tignan.
Pasimple kong pinanood ang pagtira ni Jacos ng kaniyang pana.Sa bawat higit niya sa string noon ay nag f-flex nang kusa ang kaniyang mga muscles.Saglit niya akong sinulyapan bago pinakawalan ang arrow at tumama iyon sa pinakang gitna ng board.He then looked at me again kaya tuluyan na akong umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Tangled In The Great Escape (Saint Series #2) COMPLETED
Novela Juvenil2/6 Saint Series. Elle escaped from her father's house because she can't obey his order to marry someone who she doesn't know.She'll meet Jacos at St.Sebastian and will be her housemate.