Chapter 12

5K 205 86
                                    

Chapter 12

Today is Wednesday and Jacos' second game kaya narito ako ngayon at nag aabang sa may exit door ng kanilang dugout matapos ang kanilang game.Kararating ko lang kaya walang alam si Jacos na narito ako.

Ang mga narito lang ay ang mga athletes na may laro para ngayong araw na ito.First game ang naging laro nila ngayon kaya maagang natapos.Dumeretso lang ako rito matapos ang aming paghahanda para sa Baste Day at babalik nalang doon pagkasundo kay Jacos.

Hiniram ko kasi kanina ang sasakyan nya para bumili ng ilang kulang na gamit para sa aming play.Nakisabay sya kay Paul kanina kaya ang naging usapan namin ay ako nalang ang susundo sakanya para sabay na kami sa pagpunta sa school.

Nakaupo ako sa bench na nasa labas ng dugout.Kanina parin ang pagdaan ng ilang mga fans nila na naka Baste shirt.Kanina ay may pasimple pang kumuha ng picture sa akin at patay malisya na umalis.

"Iyan si Elle yata,guys!"

"Ha?Alin?Nasaan?"

"Iyon,oh!Iyong nakaupo sa bench."

Rinig kong usapan ng mga babae na papadaan na at kunwari pang nilagpasan ako.Maya maya ay bumalik uli.

"Lapitan natin?"

"Kayo nalang,mukhang masyadong snob."

"Oo nga,eh.Tara na?"

"Sige.Next time nalang."

Pinanood ko ang pag alis ng dalawang babae hanggang sa bumukas na ang pintuan ng dugout.

"Naks,may sundo ah!"ngumisi si Maxon saka lumapit at nakipag apir.

"Just went straight here from somewhere."paliwanag ko saka tumayo na rin.Lumapit din sa akin sila Samuel at Paul at parehas ding nakipag apir.

Sa tanang buhay ko...ngayon lang ako nakipag apir ng ganito.Dati kasi parang napaka informal sa amin kapag apir ang pagbati.Kahit sa amin nila Drake at Mikaela.Hindi kami nag aapir na tatlo.

This is kinda weird.

"Nakabili ka na ng kailangan mo?"tanong ni Jacos na tinanguhan ko."Let's go?"tanong nya saka nilingon ang mga kasama.

"Alright, let's go!"

Sabay-sabay kaming apat na naglakad palabas at maya't maya pa may naharang sakanila para magpapicture kaya medyo natagalan pa kami.

Nakarating kami sa bahay at mabilis naman na naligo at nagbihis si Jacos habang ako naman ay nagpalit ng sando shirt at pajama saka kami dumeretso sa school dala ang mga napamili.

"Here."iniabot niya sa akin iyon nang nasa tapat na kami ng aming club.

"Thanks."

"Sabay tayo pag uwi,ha."huling sabi niya kaya tumango ako at pumasok na sa loob.

"Elle,iyong damit mo para bukas ay pakicheck at baka may sira,ha?"paalala ni Jiselle habang nasa labas kaming lahat dahil sineset up na namin ang buong stage para sa aming play.

"I'll ring you later if something's wrong with it."sagot ko at saka iniangat ang wire na inaayos nanaman ni Raven.

Ang alam ko,iyong booth nila Jacos ay sa may Balatazar nakapwesto kasama ng iba pang booth.Ang amin lang ang naiba ng pwesto dahil kailangan namin ng stage.

Ang Baltazar ay ang ground area din dito sa Sebastian kung saan madalas gawing tambayan o kaya naman ay practice-an ng mga cheer dancers.

Gabi na rin kaming nakauwi dahil sa tagal ayusin ng mga dapat ihanda.Pinatulong parin ang lahat para sa mismong school decorations kaya talagang natagalan.

Tangled In The Great Escape (Saint Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon