Chapter 1

21 5 0
                                    

Chapter 1 

Clarriese Zyah’s  POV

Nakapikit kong inunat ang aking mga kamay habang nakaupo sa aking kama.

Dahan-dahan kong minulat ang aking medyo inaantok pa na mga mata. Pagmulat ko ay mga mata ay mga asawa ko na agad ang bumungad sa aking umaga. Napangiti ako at nakatitig sa poster ng Bangtan at ni Lee Jong Suk na nakadikit sa dingding ng aking kuwarto. Kahapon ko lang binili ang poster na ito kasabay ng pagbili ko ng mga gamit ko sa school.

Napatayo na ako at lumapit say poster na iyon. “Sweet naman ng mga asawa ko, titig na titig sa akin oh”.  Nakangiti kong hinaplos ang mga ito. They are indeed my definition of inspiration.  I’ll gonna see you soon. That is a must.

Inilibot ko ang aking paningin at talaga ngang napapaligiran na ako ng mga posters.  Halos mapuno na ng posters ng mga oppa ko ang aking kuwarto.

 What a great world! Kahit sa pamamagitan lang ng mga posters ay maramdaman ko na kapiling ko sila. When I’m down, I'll just take a look with them and after a minute, I'll be okay.

Biglang naudlot ang lumilipad kong imahinasyon ng umalingawngaw ang tinig ni mama.

“Clarriese! Tama na ang pantasya! Mataas na ang sikat ng araw. Mag-aaral ka o diyan ka nalang sa kwarto mo habang buhay?!”

Mama naman. You ruined my precious moment.

Napahawak ako sa aking tainga at hinimas-himas ito. Napabitaw ako sa posters at tumatayo na upang  buksan ang pinto ng kwarto ko pero ulo ko lang nilabas ko.

“Ano ba ma?! ‘Wag ka nga sumigaw ng ganyan. Nakahahiya sa mga kapit-bahay natin eh”.

Pagkasabi ko noon ay muli kong sinara ang pinto ng aking kuwarto. Agad akong nag-ayos ng aking sarili. Tinititigan ko ang repleksiyon ko sa salamin at saka ngumiti. “Clarriese, it's your first day as a college student. Fighting”, I said to myself for me to calm down a bit.

Nang maramdaman kong okay na ako at handang-handa na at kinuha ko na ang bag ko na inaayos ko pa kagabi pa at bumaba na para kumain. “Grabe ka naman ma. Masyado kang exagge. Ala sais pa lang naman eh”, reklamo ko kay mama na nakaupo na sa mesa.

Inilagay ko ang bag ko sa bakanteng upuan at naupo na. Hinawakan ko ang tinidor  at inabot ang pritong itlog at sumubo na.

“College ka na pero isip bata ka pa rin, Clarriese”, saad ni mama na umiiling pa habang sumasalin ng tubig sa baso.

Mianhae, Eomma. Sino ba namang hindi kakabahan sa college life?” tugon ko naman na ngumunguya pa.

[Mianhae = Sorry]
[Eomma  = Mom]


 “Aja,anak!”

[Aja = Fighting]

Nasamid ako sa sinambit ni mama.

“Ma, Ma, Tubig!” pagpapasaklolo ko dito. Agad naman nitong inabot sa akin ang hawak nitong baso na katatapos niya lang lagyan ng tubig.

Marrin kong tiningnan si mama na nakakunot ang noo. May sakit ba siya?

“Oh anong tinitingin-tingin mo riyan? Hindi ba't iyan ang palagi mong line? Aja!” Seryosong sabi niya at naka “fighting posepa.

“Loko ka ma, kailan ka pa natuto magganyan-ganyan?” Natatawa ako sa reaksiyon nito na dahan-dahang ibinaba ang kaniyang mga kamay. Dumapo ito sa kutsara at tinidor niya.

Dealing With A Fangirl (ON-GOING)Where stories live. Discover now