CHAPTER 8
Clarriese Zyah’s POV
“Wow! Daebakk! Ang gandaaaa” bulalas ko ng mailabas ko na ang damit sa paper bag na iyon.
Suit siya sa concept na sasayawin ko. KPOP. Black skirt and a red shirt with butterflies embroidered on it.Pumunta ako sa may bandang gilid at may harang na cabinet upang magbihis. Pagkatapos ng ilang minuto ay matagumpay kong naisuot ang damit. I'm really grateful to that someone who let me borrow this this dress. Naiimagine ko tuloy na isa akong idol na magpeperform sa stage.
“Sana makapasok ako” usal ko sa sarili ko. Muli kong chineck ang damit ko at nakuntento na ako. Lumapit na ako sa may pinto at bago buksan ito ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga. “Aja, Zyah. Go for it!”
Nanlamig ang buong katawan ko ng hindi ko mabuksan ang pinto. Ilang beses akong nagsubok ngunit ayaw talaga.
“Help me! Is someone outside? Can someone hear me?” Maluha-luha kong pinupokpok ang pinto baka sakaling may makarinig sa akin.
“Tulong po!” muli kong tawag ngunit wala pa ring nangyayari.
Naala ko ang cellphone ko na nilagay ko sa paper bag kaya agad ko itong kinuha at naisipang idial ang numero ni Dwight.
Bago ko pa man mapindot ang call button ay sumagi sa isipan ko na baka busy din ito para sa presentation niya. Nakakahiya naman kung aabalahin ko pa siya.
I decided to call Dale tutal siya naman ang pair ko para sa performance.
Naka-ilang dial ay wala talagang sumasagot. Pinanghihinaan man ako ng loob ay muli akong nagdial ngunit sa kalagitnaan nito ay nashutdown ang cellphone ko. Napapadyak nalang ako dahil sa labis na pressure.
“Arrgg, bakit ngayon pa?”
Napaupo nalang ako at napasandal sa nakalock na pinto. Niyakap ko ang aking mga tuhod at napaluha.
“Why? Why I am stuck here?”
Pakana siguro to ni Dale eh. Kasi ayaw niyang sumayaw ng KPOP kaya kinulong niya ako dito.
Dale Daniel’s POV
“Don’t worry. I'll look for her. Worry about your performance. You're the first one to perform”. Agad namang nagpaalam si Dwight upang makapagprepare na para sa kaniyang performance.
Agad kong binagtas ang hallway patungong Journalism Department. Tiningnan ko isa-isa ang classrooms ng freshmen ngunit wala ng tao dito. Nasa gym na yata lahat.
But, where on earth is Zyah? What happened to her?
Wala rin siya sa cafeteria ng puntahan ko ito. Iilang mga staff lang ang naroon at yung mga bumibili ng snack habang wala pa ang performance nila.
Ng mapadaan ako sa library ay sinuri ko rin ito. Mga seniors lang ang naroon at walang ni anino ni Zyah.
Kaya nga naman, no? Anong gagawin niya sa library eh performance day niya ngayon sa Festival of Dance. Lumuwag na turnilyo ng utak mo, Dale.
“Cellphone! Tama Cellphone!” Muli akong tumakbo pabalik sa Dream Steps Office para kunin ang cellphone ko.
Hapong-hapo na inunlock ang phone ko.10 missed calls.
Missed calls mula kay Zyah.
Dinial ko ang number ngunit out of coverage area na.What happened to her?
Tumatakbong lumabas ako ng Dream Step Office habang dinadial ang number nito wala pa rin.
“Next to show their performance is the Golden Duo. Ms. Anna Derio and Mr. Clark Dizon!” dinig ko na pagtawag ng emcee.
Saang lupalop ka ng University na ito napunta babae? Ikaw na ang next.
Maya-maya pa ay nakasalubong ko si Manang Letty. Hindi na ako nag-atubiling tanungin ito.
“Ma-manang” tawag ko dito at lumapit naman ito sa akin.
“Oh, iho, pawis na pawis ka?”
“Manang. Manang? ” sabi ko at inilapat Ang aking kamay sa may bandang balikat.
“Ah? Siya yata yung nagtanong sa akin kung saan ang storage room?”
Storage room?
“Salamat po, Manang.”
Agad kong tinungo ang storage room.
Anong ginagawa ng babaeng yun sa storage room?
“Clarriese Zyah? Nasa loob ka ba?” agad kong tawag sa kaniya ng marating ang storage room.
Inilapit ko ang tenga ko sa pinto at may naririnig ako na hikbi. Nasa loob nga siya.
Naghanap ako ng pwedeng gamitin upang sirain ang lock ng pinto. Mabuti naman at may isang upuang kahoy na nakalagay sa labas ng storage room kaya magagamit ko na ito upang mabuksan ang pinto.
“Dale!” Naririnig kong tawag sa akin ni Zyah.
“Lumayo ka muna sa pinto”, I warned her and then I start to destroy the lock by using the chair I found. After a couple of minutes I finally opened the door.
Tumambad sa aking harapan ang luhaang si Zyah.
Agad itong tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako. “Thank you for finding me”.
Nabigla ako sa ginawa nito. Hindi ba’t palaging mainit dugo ng babaeng it ito?
“I-it’s okay now” tanong naitugon ko ito.
Kumalas na ito sa pagkakayap sa akin at muling pinunasan nito ang pisngi nito na binabaha ng luha.
“Halika na. Ikaw na ang next na magpeperform”, yaya ko dito at akma ng lumabas.
“Sandali!” Napalingon naman ako sa kaniya. “Wala akong sapatos. Someone ruined it” nakayukong sambit nito.
Namalayan ko nalang na hinuhubad ang sarili kong sapatos at nilagay sa gilid ng paper bag na kulay pula na may lamang uniform. I'm sure na sa kaniya yun.
“Let’s just say it's part of the performance. Bare foot”. Agad ko na siyang hinila palabas ng storage room.
Hawak-hawak ko ang kamay nito habang tumatakbo kami patungong gym.“And now let's welcome another performer. Dream Step’s Dale Daniel Cuego and Ms. Clarriese Zyah Tehran of Journalism Department!”, the emcee announced.
It's a good thing. We’re on time.
[This is a work of fiction]
[WRITER'S NOTE TO HER DREAMNOTES]
Dear Dreamnotes,
You've never been alone. In this narrow way of life He is with you. Jesus is with you, loving you, listening to you, and guiding you.
Love,
Maria Rica
YOU ARE READING
Dealing With A Fangirl (ON-GOING)
Fiksi RemajaClarriese Zyah is a certified fangirl. She always talked about her idols-it's either her oppas in Korean dramas or the KPOP group she stan. Dale Daniel is the captain of Dream Step (the dance club of Dreamnote University) who hates Koreans. Clarrie...