Chapter 12

3 2 0
                                    

Chapter 12

Crystal POV

“Zy, hindi ka sasabay sa akin pauwi?” tanong ko dito habang nilalagay namin ang ilan naming gamit sa locker namin.

Isinara niya ang locker niya at sumandal dito.

May practice daw kami eh”, tugon nito.

Tinapos ko ang pag-aayos ng mga gamit ko at sinara ko na rin ang locker ko.

“Eh, kung hintayin nalang kaya kita?” I insisted.

Nakuuu wag na. Mauna ka na at gawin mo na ang report natin bukas” sagot nito na may nakakalokong ngiti.

“Loko ka, Zyah. Dalawa tayo sa report na yun ah?” reklamo ko dito.

“Message mo nalang po sa akin ang outline”. Hinawakan nito ang braso ko at nagpout. “Love mo naman ako diba?” kumukurap-kurap pa ang mga mata nitong pakiusap sa akin.

Nyaaahh, Zyah. Don't act like that. So childish” kunwaring pagtataray ko rito.

Honestly, I really admired this adorable girl. Clarriese Zyah Tehran is a friend that acts cute sa mga kaclose niya. However, in front of other people or should I say stranger, she is completely a different person. Namimintain nito ang kaniyang fierce na postura. Noong una akala ko nga snob ito eh.

Minsan, naiimagine ko na para siyang si Jisoo. Alam mo yung duality ng personality niya? Yung carry niya yung very serious look at very cute na look? Ganunnn. Basta ganun ang naiisip ko.

“Practice ng mabuti ah?” paalala ko dito. “I’ll go first”,  I waved my hand.

“Bye-bye”.

Linisan ko na ang locker room. Dahan-dahan akong naglalakad sa hallway papalabas ng university.

Hawak-hawak ko ang cellphone ko at nagbabasa ng bagong update about my idols.

koreaboo.com

BTS's J-hope Wants To Produce His Idol Group Someday...

Wahhh! Myy hopeee!”

Nakangiti akong nagscroll upang basahin ang ilang mga comments ng kapwa ko ARMYs.

With his passion, he sure will be a great CEO.

Trueee. Apakatalentedd pa ng Hobbi natin”pagsang-ayon ko sa isipan ko ng mabasa ang isa sa mga comments.

Can't wait to call him Chairman Jung.

Hope World? Hope Entertainment? My heart is scccreammingggg!

"Jhopppeee! My husbannnnddd".

“My husband?” muli kong basa sa comment. Bigla akong natawa. “Ay, ate girl? Asawa mo rin si Jhope? Asawa ko kasi yan eh”.

Nawili ako sa pagbabasa ng mga comments kaya hindi ko namalayan na may paparating. Tumatakbo ito at nabangga ako nito.

Ahh--” napahawak ako sa balikat ko na nabangga nito.

Nilingon ko ito ngunit wala na ito. Talaga ngang nagmamadali ito. Ni hindi nga huminto o lumingon para humingi ng paumanhin eh.

Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad ko ng mapansin ko ang isang bagay. Nilapitan ko ito. Teka? Ano 'to? Para itong isang identification card? Nalaglag siguro ito ng nagmamadaling lalaki na yun?

Pinulot ko ito.

Aron Ryle Diesma
Dream Step's Lead Dancer

Ito ang nakasulat sa may left side ng card samantala ang  litrato naman nito nasa upper right side.

Dream Step? Ito ang dance club ng University ah?

ARON POV

“Time is up. Pass your test papers”, I announced. Tumayo na ako upang abutin ang mga test papers na sinagutan nila.

Mr. Bob wasn't around so he asked me to looker for his students. I'm their proctor for today.

“No more? All papers are here?” tanong ko habang inaayos ang mga test papers na nakatalikod sa kanila.

“All done”, tugon ng class president nila.

Papalabas na ako ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. I reached for my pockets to get my phone. It was Dale who's calling.

“Hey, bro? Where on earth are you?” agad na bungad nito sa akin mula sa kabilang linya.

“Why? Nandito ako sa kabilang building. Nag-proctor”, sagot ko naman rito.

“Coach is here”, saad nito sa cold nitong boses.

“Then?” walang gana kong tugon.

“Good luck, bro. He's been here for almost 2 minutes”.

“Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?!”

I hang up and started to run. How I am supposed to face that rigorous coach?

Dahil sa aking pagtakbo ay nagulo ang mga test papers na hawak ko. Binalik ko ang cellphone ko sa bulsa at inaayos ang dala ko habang panay pa rin ang pagtakbo.

Dahil sa labis na pagmamadali hindi ko namalayan ang isang estudyante kaya nabangga ko ito. Hindi na ako lumingon pa para humingi ng tawad dahil late na talaga ako.

Mas binilisan ko ang pagtakbo upang marating ang Dream Step Office. I hold the doorknob, gasping for air.
I let out a deep sigh and gather a confidence to open the door.

“S-sorry, coach. I'm late”. Napatingin ang mga members sa akin at syempre ang nangangalit na titig ni coach. Napayuko na lamang ako dahil tila mangangain na ng tao ang asta nito. He is known for being a terror coach. When someone fails, the whole team will face punishment. At higit sa lahat, you can't be late even a single minute.

Humakbang ito papalapit sa akin. “Mr. Diesma, you're late. 3 minutes late. Practice the dance 3 times before you go home”, he announced.

No mercy.

[Author's Note to her Dreamnotes]

    Dear Dreamnotes,
            Whatever situation you are now, don't forget that you aren't alone. You have me wishing you luck from afar and especially you have Jesus who walks with you in this life's path. Be strong and ignite the desire to be closer with him. Fighting.

Love,
dreammypen

Dealing With A Fangirl (ON-GOING)Where stories live. Discover now