Chapter 4

1 0 0
                                    


CHAPTER 4

Thank you

Tin-Tin's POV

Tatlong araw ang nakalipas noong tinulungan ko ang kaklase ni kuya na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung buhay pa ba. Charot!

Tatlong araw na wala namang ganon ka espesyal na nangyari sa buhay ko. Kung meron man ay 'yung sabay na kami ni kuya pumunta ng school!

Very Nice na diba?

Tatlong araw na rin naririndi ang tenga ko sa kakatanong ng mga kaklase ko kung bakit andaling mawala ng mga pasa ko.

Like hello?! Isn't amazing?!

Tatlong araw na rin nang magbagong buhay na akooo! Hindi na ako nakikipag away noh! At dahil diyan magpapamass ako sa simbahan! Oh diba bongga!

Wait may nakalimutan ako! Di ko na rin nakita si Bogart. Ansabi nila nagpapagaling pa daw. Ganon na ba kalala yung kalagayan niya?

Anlaking tao. Hindi nakayanan ang mga suntok ng magandang si ako.

Minsan naiisip ko. May pag iisip pa ba ako? di char lang.

Iniisip ko kung ano na ang kalagayan ni Mr. I dont know His Name.

Kung tatanungin ko naman si kuya as usual di naman ako pinapansin non.

Sasabihan niya lang ako ng "Bakit interesado ka? Gusto mo ng magpakasal?

Oh diba napaka OA. Kasing OA ng nanay ni Bogart.

Kaya't ito ako ngayon, nilalabanan ang antok sa bawat linyang pinuputak ni Maam Villaruel.

I dont know what she's sayingg!

Nakakaantok talaga pag si Maam Villaruel yung putak ng putak sa Blackboard.

Wala naman talaga akong kaalam alam sa mga pinagsasabi niya.

Katulad na lang daw ng pinatay ni Duterte si Magellan.

Tama ba ako?

Nothing happened naman this past few days. Oh diba nag sstart na akong mag English Spokening Million Dohlars! Para naman pag nag iinglish si kuya ay masasabayan ko na.

Yung mala- Where the fvck have you been?!
-Are you fvcking stupid?

Oh diba? Minsan naiisip ko kung anong meron diyan sa Fvck na yan at gustong gustong gamitin ni kuya.

Iisa lang naman yung alam kong fvck  eh. Palagi ko 'tong sinasabi sa mga nakakaaway ko noon pag napipikon ako.

Yung salitang pakyuka!

Pero di na ako nagsasalita ng mga ganon. Good girl naman ako ngayon eh. Hindi na nakikipag away. Im proud to myself!

Nakanganga lang akong nakikinig kay Maam. Nagbabakasakaling may pumasok na langaw sa bunganga ko at mangitlog sa utak ko.

Hinihintay ko lang talagang matapos yung time ni Maam. Hindi yung time of death niya ah! Napakaharsh mo! Yung time of end of her discussion! Yun yon!.

Nakikinig ako ng maayos sa barakuda naming guro nang may nagkagulo sa labas ng aming classroom.

Syempre dahil sa likas sa tsismoso kami ay lalabas na sana kami nang hinampas ni Maam yung mesa niya.

"Hindi na ba mapakali yang mga uud niyo sa pwet at kahit nagsasalita ako dito ay balak niyo akong layasan?!". Galit na sabi ni Maam Barakuda.

THE ROYALTY'S CLANWhere stories live. Discover now