CHAPTER 8
The Happenings
Tin-tin's POV
Nakabusangot akong nagising ngayong araw. Di nanaman kasi ako nakatulog dahil sa kakaisip ng mga order nila.
Kung susundin ko 'yong order ni Art, paano na yung order ni kuya? Magagalit yun sa akin malamang.
Kung susundin ko naman si Kuya? Paano na yung order ni Art? Papayagan ko siyang manligaw sa akin tas hindi ko naman sasagutin? Ede pinaasa ko lang siya.
Hirap pag maganda!
Dumiritso na ako sa banyo upang gawin ang morning rituals ko na pina ngu ngunahan ng pag kuha ng aking mga morning stars.
Pagkatapos ko ay agad naman akong bumaba sa aming sala, narinig ko kasing nakabukas yung TV. Makipag balitaan na muna ako.
Nakita ko naman silang tatlo. Sila Mom, Dad and kuya na seryosong nakatutok sa TV.
Anyare?
********************************************
Aethenah's POV (Tin & Cell's Mother)
Nagising ako ng madaling araw dahil sa masamang panaginip. Ano nanaman kaya ang pinahihiwatig nito? Kung tungkol lamang ito sa pagbababalik namin ng kaharian, hindi na namin yun gagawin po.
What's the point of leaving when you'll return to it over again?
Nang bumaba ako ay nakita kong nagkakape ang mahal kong asawa sa dining. Agad ko naman siyang nilapitan at hinalikan sa pisnge.
"Why you're so awake by this early?". Tanong ni Cellestian at hinalikan din ako sa aking pisnge.
"It's just something bothering in me. I have a nightmare." I respond to his question.
"What kind if nightmare?". Tanong niya habang humihigop ng kape.
"It's all about the kingdom we left. Maybe it is also the reason why the moon aren't that bright today". Sagot ko. I really have this strange feeling.
"It's just a nightmare honey, lets just go to the sala and watch news".Sabi niya at inakay ako sa aming sala.
Umupo naman ako sa aming mahabang sofa habang ang aking asawa ang nag bubukas ng tv.
Isang balita ang nakapagpangilabot sa aking katawan. Isa itong litrato ng buwan. Talagang hindi na nga ito ganon ka liwanag. Parang bombilya na lang ito na panay ang patay-sindi.
"Good morning! Have you seen the moon? As we can see at the picture. Hindi na siya ganon ka liwanag pero bakit? Many people says that the moon are the reason kung bakit nagkakagulo ang mga tao sa loob ng ating bansa.... Bakit kaya? Reporter Barbie Girl! Pasok!".
"Magandang umaga sa inyong lahat. As we can see. Noong isang buwan. Ang hilagang bahagi ng Luzon ay nangamba dahil sa mga lobong lumalabas pagsapit ng gabi. Bakit kaya nangyari ito?...."
Lobo? Paano nangyaring nagpapalakad lakad ang mga lobo. Hindi sila kailanman gumawa ng ganiyan dahil nakabantay ang Pamilyang Waulf sa kanila.
Pero possible ring...Gumaya rin sila sa aming lumayas ng kaharian. Hindi maaari to.
"Mom? What are you both watching?". Sabi ni Cell. Mukhang kakagising niya lang.
"Come and sit son. This news are something related to the kingdom we left". Utos sa kaniya ng kanyang ama na agad niya namang sinunod.

YOU ARE READING
THE ROYALTY'S CLAN
FanfictionAshtane Bloodmier, A middle school student who always gets involved at random fights of her guy schoolmates. Everything was fine not until a tragedy came. A tragedy that brings her back to a world where she doesn't know she belong. To the world wher...