3

30.9K 786 89
                                    


"SO, THIS is Monique Hotel," komento ni Bobbie nang nasa loob na sila ng lobby at inikot ng tingin ang de klaseng hotel. "Hmm. Hindi pahuhuli sa ibang five stars."

"This is a five-star hotel, Bob."

She smiled. Ikinawit ang braso sa braso nito. "What is the chance of our meeting Mr. Behind-the-macho-mask-lies-Eve?"

Napahalakhak si Kendal. "Iyan ang hindi ko kayang sagutin. This is his hotel and he lives at the Penthouse, so chances are eight to ten." Nilingon siya nito at hinagod ng tingin. "Kahit pa siguro gay si Mr. Gascon ay natitiyak kong maa-attract sa iyo."

Banayad siyang natawa. "Thank you, Ken. Bagaman alam kong hindi ako ganoon ka knockout."

"Yes. You won't hold the Miss Universe title, Bobbie. Though I can't pin point what makes you so pretty and beautiful. And there's something about you that men want to die for."

She smiled, very please. Sa ilalim ng isip ay gustong bumangon ang isang halos ganoon ding uri ng papuri mula sa kaisa-isang taong minahal niya. But she pushed them all back to the deepest corner of her mind. Hindi ito ang panahon para isipin ang nakaraan.

"I'm not a beauty expert, you know," patuloy ni Kendal. "pero kilala kita. You are a gem. And if I were a little younger, perhaps Nick Gascon's age, hindi kita pakakawalan."

Nilingon niya ang matandang lalaki na ang mga mata'y naka-concentrate sa daan. Umangat ang mga kilay niya. "What would Mother say if she hears you say that?"

Biglang nahinto sa paghakbang si Kendal. He stared at her. Inaarok ang sinabi niya. "You knew..." anito sa tonong halos pabulong.

She gently tapped his arm. "I'm her daughter, Ken." At gusto niyang idagdag na nagmahal din siyang minsan kaya alam niya kung paano kumikilos ang mga umiibig. Tila ba rosas ang buong paligid. Tila ba walang katapusan ang kaligayahan. Sa pagkabanggit sa mga bulaklak na rosas ay may iglap na nais mangibabaw sa isipan ni Bobbie. Subalit mariin niyang isiniksik iyon sa kailaliman ng utak niya.

"I noticed those eye contacts, you know. Hindi ninyo naitago iyon. Kapag nasa isang pagtitipon kayong dalawa, hinahanap ng mga mata ninyo ang bawat isa."

Tumikhim ang matandang lalaki. "So, we were that obvious, eh. Like foolish teenagers." They stood there in the middle of the huge lobby. "And?"

"Don't sound so insecure. I have nothing against my mother's falling in love again, she's only forty-seven. Still young and deserves to be happy. And if she's happy with you..." She shrugged. "Then I am happier."

Napabuntong-hininga nang malalim ang lalaki sa relief. "We've been wanting to tell you about it. Pero nag-aalala ang mama mo na baka hindi ka pumayag. She knows how you love your dad until now."

"Yes," sang-ayon niya nang walang pasubali. "Dad occupied a place in my heart that forever will be his. But I have a big heart, Ken. You can squeeze in." She smiled at him, giving him the assurance he needed so much.

"I... I don't know what to say." gumagaralgal ang tinig nito. "After all, hindi lang pala isang magandang balita ang tinanggap ko sa araw na ito." Isang nagpapasalamat na ngiti ang ibinigay ng matandang lalaki sa kanya. "I... I want to marry your mother, Bobbie."

Hindi na yata maalis sa mga labi niya ang ngiti. "So when's the big day?"

He was beaming with happiness. "Pagkatapos ng deal kay Nick Gascon at panatag na ako, sa La Crouix, darling. I'll give your mother a beach wedding under the moonlight," he promised. "At walang kokontra. Hindi lang kayong mga kabataan ang naghahangad ng beach wedding."

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon