21

32.5K 866 236
                                    


NANG gabing iyon ay marami sa mga tagakabilang asyenda ang dumating upang kumustahin siya at makita si Troy. Si Troy ay tuwang-tuwa sa atensiyon na ibinibigay ng maraming kamag-anak dito. At unti-unting nakadama ng panibugho si Bobbie para sa anak. Ni halos ayaw hiwalayan ni Romano ang bata. Kung dati'y solo niya ang atensiyon ni Troy, ngayo'y hindi na. Tila siya outsider dito.

Tahimik siyang lumabas sa may likuran. Pinuno ng hangin ang dibdib at tumingala sa langit. Iniisip niya kung ano ang magiging buhay nila sa susunod na mga araw nang may humawak sa braso niya.

"Laging malalim ang iniisip mo." si Romano.

"Pagod lang ako."

"Then let's go." Hinila siya nito.Nagsalubong ang mga kilay niya. "Go where?"

"Sa hotel. Doon tayo matutulog."

"What?"

"Apat lamang ang silid sa bahay na ito, Bobbie. Ang sa Lola Julia, at ang dating silid ni Daddy at ni Auntie Alicia ay pinag-isa at siya ngayong silid ni Mommy at Daddy, at ang guest room ay siyang magiging silid ni Troy at ni Lucing."

"At maiiwan si Troy!" hindi makapaniwalang sabi niya. At nang buksan ni Romano ang pickup upang papasukin siya'y nagmatigas si Bobbie. "Hindi ko puwedeng iwan ang anak kong mag-isa rito, Romano. Hahanapin ako ni Troy. Hindi siya sanay na matulog na wala ako."

"Kailangang masanay na siya, sweetheart," amused nitong sabi. "Hindi natin siya maaaring itabi." at nanlaki ang mga mata ni Bobbie sa ipinahihiwatig nito. "And don't worry, hindi siya pababayaan ni Lucing at ng daddy at mommy. At nakausap ko na si Troy, man to man. Magsisimula siyang matulog na hiwalay sa iyo."

"Pero—"

"Get in the car, Bobbie," mariing utos nito. Mutinously, she didn't move pero nagbabanta ang mga mata ni Romano. Parang batang padabog siyang pumasok sa pickup at napuna niya ang maleta niya sa back seat. Plano na ni Romano na sa Kristine Hotel sila matutulog pero hindi sinabi nito. Nagpupuyos ang loob niyang sumandal kasabay ng matinding kabog ng dibdib.

"YOU CAN take a shower first," ani Romano pagkapasok nila sa silid nito. "May kakausapin lang ako sandali sa ibaba."

Inikot ni Bobbie ang paningin sa buong silid. The same room she occupied years ago when she first came here. Maliban sa bagong pintura at carpet ay walang ipinagbago. Iyon ang pribadong silid ni Romano. Mabilis na nagkahugis ang mga alaala. Ang nakaiirita subalit masayang alaala. Sa silid na ito niya unang naramdaman na mahalaga si Romano sa buhay niya.

Ipinilig niya ang ulo at mabilis na kumilos. Binuksan ang maleta at kinuha ang mga gamit at pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay naghanap ng malaking T-shirt na siya niyang laging ginagamit sa pagtulog at nagmamadaling isinuot.

Nagmamadaling pinatay ang ilaw at humiga sa kama at nagkumot. Curled herself into a fetal position. Hoping against hope na talagang tulog na siya pag-akyat ni Romano.

You're silly for acting like a terrified virgin, Roberta Lou, ang isip niya. She knew every inch of Romano's body. At isang malaking kalokohan ang ginagawa niya. Subalit hindi niya mapigil ang sarili. Itinaas pa niya ang kumot hanggang sa baba niya at mahigpit na pinulupot sa kamay sa ilalim.

Hindi siya dapat na kumilos nang ganoon. Hindi na siya dalagitang tulad noong nagpakasal sila ni Romano. She was a matured woman. She could handle Romano's lovemaking. It will be purely sex.

Pagod siya. Gabi na. Dapat ay inaantok na siya. Subalit ano mang pilit niya'y nanatili siyang gising. Hanggang sa muling magbalik si Romano. Nararamdaman niya ang bawat kilos at galaw nito. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. At bawat sandaling lumilipas ay tila binubugbog ang dibdib niya sa matinding kaba.

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon