10

27.6K 738 170
                                    


"WHAT?" Nahinto sa pagpupunas ng buhok si Romano sa sinabi niya.

"Uuwi ako sa Pilipinas at pinal ang desisyon ko."

"Pero bakit? Ang akala ko ba'y napag-usapan na nating hangga't hindi natatapos ang master—"

"I've changed my mind, Romano."

"Nagagalit ka ba dahil sinabi ni Joanna na—"

"Wala akong pakialam sa arrangement ninyo," muli'y putol niya sa sinasabi nito. "I am going home and you can't stop me."

Pumormal ang mukha ni Romano. Matiim siyang tinitigan. "Kailan mo napagpasyahan ang bagay na ito?" tahimik nitong tanong.

"This morning." Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito. Naghahamon.

Matagal bago sumagot si Romano. At nang magsalita'y hindi na niya kayang arukin ang ekspresyon ng mukha nito. "Are you sure you want to do this?"

"Natitiyak ko," determinadong sagot niya.

Dalawang araw matapos ang usapang iyon ay umuwi sa Pilipinas si Bobbie. Bagaman inihatid siya ng asawa sa airport ay tila hindi sila magkakilala.

Sa loob ng isang buwang mahigit ay hindi siya tinawagan ni Romano na lalong nagpatindi sa sama ng loob at pangungulila niya.

"Pinahihirapan mo ang sarili mo, hija," ang mama niya. "Hindi ka ba nagkakamali sa pasya mong iwan ang asawa mo sa Amerika?"

"Hindi ako kailangan ni Romano roon, Mama. Magiging dagdag responsibilidad lang ako," she said bitterly. "Kung mahal niya ako'y tatawagan niya ako at uunawain."

"Hindi ko alam kung ano ang problema ninyo sa early stage ng pagsasama ninyo. Pero kailangang malaman niya ang pagdadalang-tao mo. Karapatan niyang malaman iyon, Bobbie," giit ng mama niya.

"Sasabihin ko rin, Mama," puno ng kapaitang sabi niya. "Nasasaktan lang akong natiis ni Romano na hindi man lang ako tawagan." More than a month! At ni hindi siya pinakibalitaan ni Romano. Nilimot na ba siya nito sa piling ni Joanna?

"Then I advise that you make the first move. Anyway, ikaw ang nagpasyang iwan ang asawa mo sa Amerika," utos ng matandang babae na walang alam sa third party sa buhay nila ni Romano. 


"Hindi ko maintindihan ang kalokohang ginagawa mong ito, Roberta Lou. Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa pag-aasawang kay babata pa. Hindi ninyo pareho kayang i-handle ang mga problemang dumarating." She paused. "At tinitiyak ko sa iyo, mas mabibigat pang problema ang kakaharapin ninyo sa darating na panahon. Kaya ngayon pa lang ay matuto kang mag-mature at pakibagayan ang buhay-may-asawa!"

"SO HOW'S my dearest wife?" sarkastikong bungad ni Romano nang makita ang mukha niya sa screen ng videophone sa opisina ni Bernard Fortalejo sa Kristine Cement. Bernard allowed them to talk in private.

Missing you so much, sweetheart, gusto niyang isatinig pero tila may buhangin sa lalamunan niya at hindi makalabas ang mga salitang iyon.

"I'm–I'm pregnant, Romano." she decided to go straight to the point.

Mula sa pagkakaupo sa swivel chair ay napalapit sa screen si Romano. "You're what!"

Napangiwi siya sa lakas ng tinig nito. "I'm pregnant," ulit niya.Kung hindi niya nakikita sa screen ang asawa'y iisipin niyang wala na ito sa linya. But he was there speechless. Sa screen ay nakikita niya ang paglabasan ng mga muscle nito sa mukha tanda ng matinding pagpipigil ng galit.

Nakagagalit bang malamang nagdadalang-tao siya? Na dinadala niya ang anak nila? Dahil ba nabanggit minsan sa kanya ni Romano na hindi pa ito handang magkaanak? Na mahahati ang napakaraming responsibilidad na nakaatang sa mga balikat nito?

Subalit ano ang gagawin niya? Nagdadalang-tao siya at kailangang malaman nito iyon.She saw him took a deep breath at tumingin sa kanya. "And the next thing that you will say is that the child is mine, ganoon ba, Bobbie?" ang tahimik at marahang tanong ay ikinakaila ng pagngangalit ng mga bagang at paniningkit ng mga mata. "And you expected me to shout for joy because I am going to be a father?"

"O–of... course. S-sino pa ba ang magiging ama ng anak ko? Though I don't know how you will react to this news," nalilito at kinakabahang wika niya.

"Bitch!" halos pabulong iyong lumabas sa bibig ni Romano sa matinding galit.

"Romano?!"

"Make this your last communication with me, Bobbie," patuloy ni Romano. Ang matinding galit ay nakalatay sa mukha. "Tatanggapin mo ang sustento mo buwan-buwan bilang asawa ko hangga't hindi ko pa napagpasiyahan kung ano ang gagawin ko sa ating dalawa. But let me tell you this: I have nothing to do with your child. The child you are carrying is not mine!"

She stared at her husband through the videophone as if he had gone mad. Bagaman may problema silang mag-asawa ay hindi niya inaasahang iyon ang sasabihin ni Romano sa pagdadalang-tao niya.

He couldn't really have said that, could he? She must have misheard him. Ganoon naman sa videopatch, minsan malabo ang dating ng mga sinasabi.

Pero habang tinitingnan niya ang asawa... the arrogant tilt to his head, the grimness of his mouth... at ang galit sa mga mata nito'y natitiyak niyang hindi niya lang nakaringgan si Romano.

Itinatanggi nitong anak ang nasa sinapupunan niya!

"Romano." her hands were shaking in controlled anger ang desperation. "I am having a child. Your child."

"Let's not waste our breath, Bobbie. Let's end this conversation now. I have nothing to do with your child!"

Nang mawala sa screen si Romano ay natulala si Bobbie sa ikalawang pagkakataon. She felt numb all over. Itinanggi ng asawa ang magiging anak nila!



**********Hello mga beshie, maraming salamat sa inyong mga mensahe nabasa ko na halos lahat, hindi lang ako makapagreply agad-agad at nag -eerror si wattpad. Natuwa ako sa mga mensahe super love it char hahahaha. Nga pala sa mga nagtatanong kung may binago ba ako sa mga works ni Ms. MC ay lilinawin ko lang po, wala po akong binabawas o dinadagdag sa mga stories na nakapost dito since pinopost ko lang po sila at ang mga files ay galing mismo sa PHR management. Kung nafe-feel n'yo na may pinag-iba ang mga kwento ay i-pm n'yo or i-comment sa ibaba para magkaroon tayo ng healthy discussions since gusto ko rin naman mabasa yung mga files na nasa inyo. Iniiisip ko kasi na baka may nagbago since yung mga files na binigay sa akin ay yung mga latest na ata at nagkaroon na kasi ng iba't ibang versions ang mga works ni Ms. MC at sa pagkakaalam ko ay si Ms. MC naman ang nag-eedit ng kanyang mga works dati bago niya ibigay sa publisher. Ayun lang kung may ibang katanungan kayo ay mag-comment lang kayo sa ibaba para makita ko at masubukan kong sagutin. At pagpasensyahan n'yo na rin ako kung sakaling matagal ang update at pagsagot ko sa inyo at baka yung iba hindi ko pa nakikita kaya di ko pa nasasagot ang mga comments n'yo pero huwag kayong mag-alala sasagutin ko ang lahat ng yan kapag may free time na. Mag-ingat kayo mga beshie. Stay safe and God bless. - Admin A **************

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon