18

26.5K 745 49
                                    

"HEY," aniya sa anak na naglalaro ng computer. "It's eight o'clock. Dapat ay natutulog ka na." "Hindi ka pa rin natutulog..." sagot nito pero patuloy sa paglalaro sa playstation. "Saka, Mommy, tomorrow's a Saturday. Walang pasok."

Huminga siya nang malalim at tinitigan ang anak nang matagal. Nanatili siya sa ganoong ayos nang malinungan siyang muli ni Troy. Kumunot ang noo nito.

"Why are you staring at me, Mom? And why do you look so worried?"

"Because I'm afraid you might hate me."

Lalo nang lumalim ang kunot ng noo ng bata. "I won't hate you. Ever. You are my mom and I love you."

"Promise?"

"Promise."

"Even if what I am about to tell you is about your father?"

"What about him? Sabi mo nasa Saudi siya at matagal pa ang uwi."

Napaungol nang lihim si Bobbie. "N-nakauwi na siya."

Nahinto sa pagpindot sa laruan si Troy at nilingon siya. "Nakauwi na?" Tumango siya. Sinuri niya ng tingin ang anak. He's three years old and five months. Pitong buwan nang ipinanganak niya ito. Ang dinidibdib niyang dalamhati marahil sa ginawa ni Romano ang dahilan kaya maaga niya itong ipinanganak. Gayunman, Troy was mature for his age. Matalino. Pero hindi biro ang ipinakikipag-usap niya sa anak ngayon.

"Where is he? Bakit hindi niya tayo pinuntahan?"

"He'll be here tomorrow."

Excitement filled his face. "Magkikita na kami?"

"Yes."

May kumislap sa mga mata nito. "Really?"

"Really." Puno ng excitement ang nahihimigan niya sa tinig ng anak.

"Then I can tell my classmates that Uncle Steven is really my uncle and that I have a real daddy." Tumango siya. "Kailan ko siya makikita, Mom?"

"You've met him already."

Namilog ang mga mata nito. "When? Why didn't you tell me? Why he didn't tell me he's my dad?"

"Remember the man who pulled you out from the pool?"

"That was my dad!" he exclaimed. Muli siyang tumango. "Gee! Sabi ni Yaya Lucing magkamukha kami."

"You think so, too?"

Sandaling gumuhit ang kalituhan sa mukha ni Troy. "I didn't really give him a close look. But if he's my dad then dapat kamukha ko siya talaga."

"Hindi ka galit kasi hindi siya nagpakilala?"

"I'm just glad I have a dad, Mom," he said and smiled. "Kaya lang worried ako para kay Uncle Steven. He probably thought he'd be my dad."

She smiled. "Come here, big bear." Tumayo ang bata mula sa pagkakasalampak sa sahig at lumapit sa kanya. Niyakap niya ito. "Uncle Steven will always be Uncle Steven. And you know he loves you. But a daddy is a daddy. And you know, you have so many uncles and aunts and cousins, too."

"And lola, too?"

"Yes. And tomorrow, may dalawang lola ka pang makikilala."

"Wow."

ALAS-ONSE na ng gabi pero nasa harap pa rin ng drawing board si Bobbie. Kailangang tapusin niya ang mga panghuling sketches sa interior ng hotel sa La Crouix. Hindi man siya makababalik kaagad sa Caribbean ay matapos man lang niya ang plano.

Pag-alis ni Romano ay tinawagan niyang una ang ina at sinabi rito ang pagsang-ayon sa balak ni Romano. Pagkatapos ay si Kendal who was only too glad na magkakabalikan sila. Romano's a fine man. Iyon ang sabi ni Kendal at kailangan ni Troy ng ama. She made a wise decision. She groaned helplessly. Hindi niya masabi rito ang totoong sirkumstansiya ng pakikipagbalikan kay Romano.

Kanina pa tulog si Troy at ganoon na lang ang pasasalamat niya na hindi naging mahirap ang pagtatapat niya sa anak. Children were very resilient. At kung ang reaksiyon ni Troy ang pagbabasehan niya ay mas na natuwa pa itong nalamang may ama ito. O dumating na ang ama nito. Her lies were never even questioned.

NAGISING si Bobbie sa mga tinig na naririnig niya mula sa labas. Nakita niyang nakabukas ang pinto ng silid niya at wala na sa tabi niya si Troy. Mabilis siyang bumangon. Sinulyapan ang relo sa side table. Alas-diyes ng umaga! At kilala niya ang tinig na naririnig niyang kausap ng anak.

Sinuklay niya ng kamay ang nakasabog na buhok. Kinuha ang tuwalya at nagpunas ng mukha. Sandali lang sinulyapan ang sarili sa salamin sa tokador at nagmadaling lumabas. Sa sala ay naroroon ang mag-ama. Si Romano ay nakaupo sa pang-isahang sofa at si Troy ay sa mahabang sofa. Sa kusina ay si Yaya Lucing na naghahanda ng almusal.

"Mom!" tawag ni Troy nang matanawan siya.

Tumayo si Romano subalit inawat niya ito at muling isinenyas na maupo. She swallowed. Nag-utos siya ng kape kay Yaya Lucing.

"Anong oras ka dumating?" tanong niya kay Romano.

"Not long. Ten... fifteen minutes ago. Hindi kita gustong gisingin. Alam kong puyat ka."

"H-have you two—"

"Gising na ako, Mommy, bago pa dumating si... si... Daddy." Troy smiled sheepishly at Romano. 

And Romano was looking at his son with rare tenderness on his face. "Gusto ko gising ako kapag dumating siya. Sabi ni Mommy ay darating ang daddy ko ngayon. And you are him."

Bobbie's heart went out to her son. Inabot niya ang kape na ibinigay ni Yaya Lucing. The cups and saucer rattled at her hands. Naupo siya sa katapat ni Romano.

"I was about to tell him that I thought he's dead..."

Napaungol nang pailalim si Bobbie kasabay ng pagpikit ng mga mata.

"Iyan ba ang sinabi sa iyo ng mommy mo?" tanong ni Romano.

Nakatutok nang husto kay Romano ang mga mata ni Troy. "Hindi sinabi ni Mommy iyon. Yaya Lucing guessed your dead."

"Oh." napaungol muli si Bobbie. Sinabi niya kay Romano na sinabi niya kay Troy na patay na ang ama nito.

"Well, your yaya guessed wrong, Troy, because—"

Troy wrinkled his nose. "Anyway, I didn't believe her," putol ni Troy na ang excitement sa mukha'y unti-unting gumigitaw. "Are you really my dad?"

Romano smiled tenderly and hesitantly reached for the child. "Come, son, may ipakikita ako sa iyo."

Mabilis na tumayo si Troy. Si Bobbie, on instinct, ay agad ding tumayo sa pag-aakalang isasama ito ni Romano sa labas.

"Hindi kami lalabas ng silid, sweetheart." nakangiti si Romano subalit may babala ang tinig. 

"Papasok kami sa kuwarto mo." Kinarga nito ang anak at pumasok sa kuwarto nilang mag-ina. Ibinaba ni Bobby ang tasa sa platito nito na nasa coffee table at atubiling sumunod.

Huminto ito sa harap ng malaking salamin sa closet. "Tingnan mo tayong dalawa, Troy, we have the same brown eyes and skin color. Your nose—"

"is like yours," maagap na dugtong ng bata na ngumiti. Sinipat ang ilong ng ama. "But mine is smaller..." Humagikgik ito. Subalit bigla ring napalis ang ngiti at tinitigan ang ama. "Aalis ka uli? Iiwan mo kami uli ni Mommy? Babalik ka sa Saudi?"

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon