12

27.7K 796 203
                                    


"YAYA!!" sigaw ni Troy mula sa pool.

Si Yaya Lucing ay iglap na binitiwan ang binabasang Tagalog pocketbook. Nakita nitong nakataob na ang plastic life vest at nakalubog sa tubig si Troy at nakakapit sa tainga ni Micky Mouse. Nasa gitna ito ng pool at hindi marunong lumangoy ang yaya.

"Tulong!" sigaw ni Yaya Lucing, nagapalinga-linga. Walang tao sa paligid maliban sa isang bulto ng lalaking nakita niya sa di-kalayuan. "Tulong!"

Lumingon ang lalaki at nang makita ang sitwasyon ay lumiko ito patungo sa pool. lakad-takbo ang ginawa nito.

PAGKATAPOS ng ilang sandaling pakikipag-usap kay Steven sa telepono'y nagbihis na ng pampaligo si Bobbie. Isang one-piece bathing suit na aqua green. Kumuha ng oversized polo shirt at ipinatong subalit hinayaang nakabukas ang mga butones. Nasa ninth floor ang unit niya at bababa pa siya sa ground floor. Sa likod ng condo building ay ang swimming pool.

Binuksan niya ang refrigerator upang uminom ng juice bago bumaba. Magpapa-order na lang siya ng kape kapag nasa ibaba na siya. She promised Troy to teach him how to swim today. Siguro ay kailangan na niyang kumuha ng professional na magtuturo sa anak.

"Hello again, Bobbie."

Biglang natilihan si Bobbie sa pagkakayuko sa ref. Isang tao lang ang nagmamay-ari ng ganoong uri ng tinig na narinig niya sa buong buhay niya. Deep and velvety. Romano de Silva. She groaned inwardly, kasabay ng pagharap.

Ang inaasahan niyang multo ng kahapon na hindi na muling makikita'y patuloy na lumilitaw—in flesh.

And a magnificent flesh for that matter. Nakasandal ito sa hamba ng pinto na marahil ay hindi naisara ni Lucing. In designer's blue jeans na ang pagkakahapit ay naghugis sa muscular thighs nito. Bitbit nito ang coat sa mga balikat.

She swallowed painfully at itinaas ang tingin sa puting sportshirt na bukas ang tatatlong butones na nagpahintulot sa kanya upang makita ang manipis na balahibo nito sa dibdib.

At bigla'y nag-uunahan sa isip niya ang mga sandaling kung saan dinadama niya ang mga balahibong iyon sa dibdib at pababa...

Warmth flowed her body down to her stomach at the sensual thought. Mabilis niyang binura iyon sa isip. Baliw siya kapag ipapasok niya sa isip iyon kada magkikita sila ni Romano.

"What are you doing here? Ang akala ko'y lumipad ka patungong Houston kahapon."

"Changed my mind..."

Hinagod siya nito ng tingin. Mula sa mukha niya'y bumaba ang tingin ni Romano. Huminto iyon sa dulo ng polo shirt kung saan nakikita ang suot niyang pampaligo. Naroon pa rin ang pagnanasang nakikita niya sa mga mata nito kahapong tinitigan siya. It was as if he was devouring her with his eyes. At hindi niya maikakailang naapektuhan siya.

His mouth twisted upward in a mocking smile. "Alluring," desire and malice in his eyes as she surveyed her up and down. Pagkatapos ay inikot ng paningin ang kabahayan. "Is Quidd here? 

Dito ba siya natulog kagabi? Sino sa mga Quidd ang pinatutulog mo rito?"

Nanlisik bigla ang mga mata niya. "For your information, Romano de Silva, hindi rito natutulog minsan man ang mga Quidd!"

"I hope so," bale-walang sagot nito at pumasok sa loob ng bahay. Inihagis nito sa silya ang coat.

Kapagkuwa'y may napansin si Bobbie na hindi tama. Kumunot ang noo niya. May tumutulong tubig mula sa pantalon nito patungo sa sahig. Bagaman ang itaas na bahagi ng pantalon nito ay tuyo naman.

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon