Chapter 1 - First Day

250 8 1
                                    

Zhia's P.O.V.

Nagising nalang ako dito sa madilim na lugar na ito. Asan ba ako? Nagsimula akong maglakad-lakad, hanggang sa na feel ko na parang nakarating ako sa ibang lugar. Nilibot ko ang aking paningin.

'Ba't ako nandito?'tanong ko sa isip.

Kinasusuklaman ko ang lugar na ito, dito nangyari ang mga masasakit na alaala sa buhay ko. Nakita ko na pabukas ang pintuan ng kwartong iyon, kaya nagtago ako sa isang gilid, at pumasok sa room ang aking Dad, habang hatak hatak ang isang batang babae. Nangunot ang aking noo nang makilala.ang batang babae.

'Ako ba yan?'tanong ko ulit ngunit sa isip ko lamang.

"Huhuhuhuhuhuhuhuhu Dad! I'm sorry! Di ko naman sinasadya yun eh! Huhuhuhuhu ba't ba ganito kayo? Huhuhuhuhu kuya guard! I said let me go!"sigaw ng batang ako. Pero walang nakinig sa kaniya. Mga twelve years old palang ata ako niyan. Hinubad nila ang T-shirt na suot ko at pinaluhod, buti nalang may sports bra ako. Sa mga panahon kasing yan ay nasa stage na ako ng pagdadalaga. Nanood ulit ako.

Umiyak na naman ang batang ako.

"Dad! Please! Stop this thing!" Pagmamakaawa ng batang ako, ngunit nag evil smirk lang si Dad. May binigay na latigo ang isang tauhan ni Dad sa kan'ya. Pinaglaruan pa niya iyon, at nginisian niya ang batang ako.

"Hahahahahahaha"evil laugh niya. " Di ka dapat nandito eh! Isa kang kahihiyan sa lahi natin!"sigaw ni Dad at hinataw ang likod ng batang ako. Umiyak naman ang batang ako, dahil wala siyang magawa. Dahil nakagapos ang mga kamay niya at may busal ang bibig. Patuloy siyang pinapalo ni Dad ng latigo, at iyak naman siya ng iyak. At habang nanonood ako, ay parang nararamdaman ko ulit ang sakit sa aking katawan, na parang ako yung nakakaramdam ng sakit dulot nang pagpalo. Napahiyaw ako sa sakit, dahil ramdam na ramdam ko ito sa aking mga kalamnan. Daing lang ako nang daing dahil sa sakit. Bakit pa ba ako nandito? I'm not supposed to be here in this hell. Hiyaw ako ng hiyaw dahil grabe na yung sakit na nararamdaman ko, parang doble ang sakit.

Mr. Prankster Meets Ms. Ice Campus Sweetheart (Unveiling Thruth)Where stories live. Discover now