Chapter 11 - Entering Their Mansion

101 4 0
                                    


Zhia's P. O. V.

Ni kahit minsan hindi pumasok sa isip ko na tumira. Na makasama sila tuwing breakfast, at dinner. Siyempre yun lang swerte nila kasama ko sila sa lunch nuh?

Ito nag-iimpake na ako, nadala lang ako ng mga damit ko at iba pang mga gamit na kailangan ko.

Bumaba na ako, at nadatnan ko si Nanay Lina na umiiyak. Sanay na kasi siyang nasa tabi ko palagi. Siya na ang tumayong magulang ko dahil may lamat ang relasyon ko sa pamilya ko.

Sinabi niyang sasama daw siya, pero sabi ko.

"Nay, wag na. Magkaka-heart attack ka"

Baka atahakihin pa sa puso si Nanay, siguradong kukulo ang dugo ko at makakasuntok ako ng di oras O kundi makapatay pa.

"Nay, aalis na po ako. Tatawag naman po ako eh, at saka mabibisita ko pa rin naman kayo" mahinahong sabi ko at binigyan siya ng napakatamis na ngiti na one of a kind.

Ramdam ko rin naman na magiging kulang ang araw ko pag di ko nakita si Nanay, dahil siya ang naging pangalawang Nanay ko. Kaya lang tawag ng serbisyo eh.

She hugged me very very tight. Like a mother's hug showing love for her child. And I wrap my arms around her, at niyakap siya ng napakahigpit.

'Mamimiss to talaga ang pag-aaruga niya'

I moved my gaze at Kuya Zian. Di ko ma explain ang mukha niya. Parang manunutok na iiyak, oh ano.

'Arte nito!'

I tilted my head like he was a specimen of my experiment.

"Kuya, are you go----" napatigil ako sa pag-salita dahil ramdam ko na nakapulupot na sa akin ang mga braso ni Kuya. I know hindi niya talaga ako matitiis. I felt my shoulders are getting wet. Is he crying? What the?!

'Sabi ko na nga ba eh'

"Please be careful. Wala si Kuya na mag-ga-guide sa yo dun! Wag kang pasaway ha!" He said and I chuckled softly. Clingy talaga nito! Minsan NBA pumapasok sa isip ko na baka bakla siya, pero nah! Never mind.

"Yeah Kuya, I will. Please alagaan mo si Nanay Lina. At pati na rin ikaw! Wag mag roblox buong magdamag ha! Kundi ifo-froze ko ang mga cards mo!" Banta ko. Adik kasi siya sa Roblox eh, gwapo sana pero may eyebags naman!

"Luh?! Wag naman ganun! Sige Shu! shu!" Kumaway ako sa kanila at ibinigay ang mga bagahe ko sa mga bodyguards na maghahatid sa akin.

Pagkalabas ko nakita ko na may kotse na itim sa labas. Iyon siguro ang gagamitin namin papunta sa North Ville.

Naglakad na ako papuntang kotse at bago sumakay kumaway ulit ako. Nang makapasok na ako, isinuot ko ang aking shades at kinuha ang earphones at nag sound trip.

Mga ilang minuto lang, nasa harap na kami ng isang malaking itim na gate. Entrance pala ito, ang North Ville kasi ay ang pinaka-secured na Subdivision sa amin.

Doon kasi nakatira ang mga mayayaman at mga sikat na personalidad. May mga nagkalat na mga security guard sa buong lugar. At ang isa roon ay pinahinto kami.

"Sir, ang pass niyo po?" Tanong niya. May kinuha naman sa itim na bag ang nasa front seat na BG, isa itong envelope hindi ko alam kung ano yun, pero baka yun na yun ang pass. Sabi nila ang pass daw ang isa documento na nagsasabing pinapahintulutan kang pumasok sa loob ng Subdivision.

Binasa ng guard ito, at napa-tango tango naman siya. Napahikab naman ako, ano pang saysay nang paglagay ng mga pass pass na iyan, eh makakapasok nga ako diyan kahit wala ako niyan eh. Arte lang ng mga taong nasa loob nun.

Mr. Prankster Meets Ms. Ice Campus Sweetheart (Unveiling Thruth)Where stories live. Discover now