Chapter 12: Such an Asshole

87 4 0
                                    

Zhia's P.O.V.

Isang buwan na ang nakalipas, at sari saring problema ang dumapo sa akin. Kagaya nalang ngayon, nawawala so Damon. Asan kayang lupalop ng Pilipinas nakasuot yun? Hays! Nagalit kasi siya sa akin dahil ginantihan ko siya, sino na naman ang hindi gaganti diba?

Flashback

Sobrang himbing ng tulog ko, yung tipong parang nakalutang ka sa hangin na henehele. Kaya lang naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.

'Sino kaya to?'

Rinig na rinig ko ang pagbungisngis niya, at napag-alaman kong so Damon ito.

'Bakit kaya pag nagpa-prank siya ay bumubungisngis? Hindi niya ba alam na maaaring mabisto siya sa ginagawa niya? Tsk! Palpak talaga'

Naramdaman kong tumuntong na siya sa kama ko.

"Wahahaha! Lagot ka sa'kin ngayon!" pabulong niyang sambit. Narinig ko ang pagtunog ng plastic na Dalia niya at isa pa I can hear mouses squeaking.

'What the?!'

Ramdam ko na inilagay niya sa kama ko ang mga daga. Kaya ito lang ang tanging paraan ko para maka-iwas.

Bumangon ako at kunwaring nagse-sleep walk patungong cr at nagse-sleep talk.

'This is so stupid!'

"I hate you Damon"usal ko at kunwaring kinamot ang ulo ko at tuluyan ng pumasok sa cr.

'I can't imagine myself doing these kind of stuffs'

Napatawa nalang ako sa aking isipan.  Hindi ko inakalang gagawin ko ang mga bagay na ito, nangyari lang ito nang lumipat ako rito.

Hinintay ko munang tumunog ang pintuan bago lumabas. Senyales kasi yun na umalis na ang ugok na yun.

Lumapit ako sa kama at nadatnan ko roon ang mga kawawa at inosenteng mga daga.

'Hays, kawawa naman kayo'

At isa isa ko silang, inilagay sa isang paper bag at lumabas para pakawalan. Bakit kaya naiisip niyang gawin yun? Akala niya ba matatakot ako sa daga?

How pathetic! Hehehe kala mo ikaw lang? Wahaha.

End of Flashback

    Ayun, ganun din na prank ang ginawa ko. But the difference is cockroach ang nilagay ko sa kama niya. And kasalanan ko bang takot siya doon?

Galit na galit nga siya eh, hahaha. Laugh trip!

"Where in the hell are you Damon?" tanong ni Cairo.

Matapos ang ilang minutong paghahanap. May nakita kaming grupo ng mga lalaki.

Damon's P.O.V.

May naramdaman akong mga gumagapang sa tiyan ko. Ano naman kaya yo? Pero masaya ako dahil nakabawi ako dun sa babaeng yun.

Dahil sa pagkakamot ko ay nakapa akong, ano to? Medyo makinis eh, what's this? Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

"Holy fucking shit! Waaa! Get off me! Waaa!"ayun alam niyo king ano iyon? Waaa! Ipis! Sinong tangina ang naglagay nito sa kwarto ko?

Sino?!?! Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Yeeesh! Yak! IPIS! Takot ako sa ipis! Tulong! May nakadikit pa sa batok ko!

Huhuhu may dumikit pa sa mukha ko. Waaa! Huhuhu merong ding dumikit sa tiyan, likod, hita, paa at sa buhok ko!

Who in the hell did this?! And then may narinig akong bell na oarang nakakuha ako ng idea. That girl! Siguro gumaganti siya sa akin.

Pero bakit IPIS pa? Huhuhu! Ang sama sama ng loob ko. Sa lahat ng bagay bakit yun pa? Tangina naman oh!

Tila umuusok na ang ilong ko at kunot na kunot ang noo ko. She's really dead. Parang gusto ko ng umiyak.

But I can't show them, especially her my soft side. Baka magpa-party yun pag nakita niya akong umiyak. Takot talaga ako dun eh.

Pabalya kong isinara ang pinto. Magpaparefresh lang ako, ang init talaga ng ulo ko. I hate her! I really  do!

I've sneak out and luckily they didn't notice me. Nagdrive lang ako nang nagdrive. Hanggang sa nakarating ako sa harap ng isang bar.

Maingay, magulo, mausok at mabaho tipikal na bar talaga. Ang pangalan nito ay 'Coollo' parang tamang tama lang sa mood ko ngayon.

Pumunta na ako sa loob.

At agad na nag-order ng beer. Beer lang naman eh.

1 hour later...

Umiikot na ang paningin ko. At gustong pumikit na ng mga mata ko. Bakit ba ako nagpapakalasing?

Kasi natamaan ang EGO ko dahil sa ganti nung babaeng yun? Yun ba? Natapakan ba ang pagkalalake ko? Siguro.

Naiihi ako kaya inaninag ko ang Comfort Room. Salamat naman na kahit umiikot pa yung paningin ko eh nahagilap ko yun.

Tumayo ako at naglakad ng pagewang gewang dahil nasaniban na ako ng isipirito ng alak.

Hindi ko namalayan na may babangga pala sa akin kaya natumba ako doon sa malapit na table sa akin. Shit! Trouble!

Umiikot na talaga ang paningin ko. Nalaman ko nalang na nasa labas na kami ng bar.

"Ano ba! Bitawan niyo ako!"angil ko. Marahas na binitawan nila ako at itinulak, kaya napatumba ako sa malamig na semento.

'Pano ba ako nakarating sa puntong to?'

They are punching me, kicking me, and all. Hindi ko maramdaman ang sakit, nang dahil siguro sa alak. Lasing na ako eh.

But before I pass out, may nakita akong babae, she's familiar. Sinimulan na niyang bugbogin ang mga nang-bugbog sa akin.

Zhia's P.O.V.

Wala na, knockout na si Damon. Ano ba naman to? Kailan ba sila magbabago?

Lagi nalang silang napapa-away! Eh hindi naman marunong makipaglaban. Tsk!

"Diyan lang kayo! Ako na ang bahala rito! Dalhin niyo sa hospital si Damon! Bilis!"pinuntahan ni Dwight ang Kuya niya, habang si Cairo naman ay tinulungan ako. Si Ezra naman ay tinulungan si Dwight. Si Galvin naman ay tumulong din.

Suntok dito, suntok doon. Sipa rito, sipa roon. Pabalik balik lang. Medyo nahirapan kami ng konti, lalong lalo na ako.

Dahil imbis na makatulong sila ay, mas naging pabigat pa. Hays! Kailangan ko pa silang tulungan! Eh may kinakalaban din ako noh!

Hindi lang sila ang may kinakaharap! Ako rin! Mas marami nga ang sa akin. Sinabi na ngang, umalis na sila eh. Kaya ko naman to.

Kaya lang hindi ako makapag-focus. Imbis na lima lang ang kinakalaban ko eh, naging pito o walo. Partida pa ang malalaking katawan ng mga to.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko namalayan na may pasaksak sa akin, balisong.

Hindi ko na maiwasan dahil may kumakalaban sa akin. Akala ko matatamaan na ako. Pero hindi,

"Ezra!!!" hindi ko siya nadaluhan. Tinapos ko ang laban, ayun tulog na ang lahat. Nakita kong, nasa kandungan siya ni Galvin.

"Hoy Ezra gumising ka!" sigaw ni Cairo.

Si Ezra siya ang sumalo ng saksak na para sa akin. Gago talaga.






Mr. Prankster Meets Ms. Ice Campus Sweetheart (Unveiling Thruth)Where stories live. Discover now