Chapter 4 - Prank Failed

117 5 0
                                    

Zhia's P.O.V.

Maaga akong nagising at pumasok na sa bathroom para maligo. After a couple of minutes tapos na akong maligo, pumunta ako sa walk in closet ko. Pumili ako nang susuotin.

Ang napili ko ay isang black na sleeveless na may na ka print na 'Back Off'. And I paired it with white pants and white sneakers. I just bunned my hair leaving a couple of strands in the front. Kahit naman cold ako di pa rin naman ako nawawala sà fashion nuh. At lumabas na ako sa kwarto.

Nadatnan ko si Nanay Lina na nagluluto at amoy na amoy ko ang adobo na niluluto niya. It's one of my favorite dishes. Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan at niyakap siya. At napa-igtad naman siya sa gulat. Natawa nalang ako ng mahina. Magugulatin talaga siya. Hahahahahahaha.

"Ang aga aga! Nanggugulat kang bata ka! Hay naku! Pumunta ka na sa lamesa at ihahain ko na to" sabi niya at agad naman akong umupo sa upuan at kumuha nang bread. Dumating na si Nanay na dala ang adobo, kumuha agad ako nun at kumain. Mga ilang sandali lang tapos na ako.

"Ah Nay, punta na po ako sa school" pagpapaalam ko.

"Ah sige Zhia, mag ingat ka ha" sabi niya. Humalik muna ako sa pisnge niya bago lumabas. Pumunta ako sa garage at pinuntahan ko ang aking black Porsche at pinaandar na ito.

Nakarating na ako sa skwelahan, at pumunta agad sa parking lot at ipinark ang kotse at lumabas na. Pumasok na ako sa gate at naglakad. Habang naglalakad ako ay masasama ang tingin na ipinupukol nila sa akin at ang iba naman ay bumubulong.

"God! Ang lakas ng loob niya na banggain si Papa Damon!" Sabi ng isang babae na may maiksing skirt.

"Duh! Another bitch at ang kapal ng mukha. But in fairness ang ganda niya ha" bulong naman ng isang babae na mukhang palaka.

"Whatever! Basta ang panget niya!" Tugon nung kasama ng mukhang palaka.

May marami pang bumubulong but I didn't bother to listen. It's just a waste of time. Pumunta na ako sa classroom. But sa hallway palang, ang tahimik. I sensed na they are planning to do something. Oh yeah! Naalala ko na. Nakabangga ko ang king of pranking.

Kahit pala anong pilit kong umiwas sa gulo, di ko talaga maiwasan ang gulo dahil ang gulo na mismo ang lumalapit sa akin, ang swerte ko naman.

Biglang nalang na may lumipad na itlog sa direksyon ko. Kaya umiwas ako nang umiwas. Nagpatumbling tumbling ako, lumiliyad, tumatalon, napapadapa. Paulit ulit lang ako sa pag-iwas. Hanggang sa tapos na ang pambabato. Sure akong ang dakilang prankster ang pasimuno nito. Nagpatuloy na ako sa paglalakad, at may narinig akong tawa.

'Psh! Magpa-prank na nga lang, palpak pa'

Pansin ko ang pag-shine nang sahig, siguro nilagyan nila ito ng mantika para madulas ako. But unlucky them, I'm born ready, and I have strong instincts.

Tumalon ako sa railings, at doon ako dumaan. Wala namang problema sa akin yun, dahil sanay na ako. Nakarating na ako sa tapat ng pinto ng classroom namin, kaya tumalon na ako sa harap ng pinto. I think late na ako. Napatingin ako sa nagsalita.

"Oh hija? Pumasok ka na" nakangiting sambit ni Prof Vin. Ngunit umiling ako. I smell something fishy.

"No Prof. Ikaw muna" sabi ko at iminuwestra ang aking mga kamay. Napa iling nalang siya na natawa ng mahina at unti unting binuksan ang pintuan habang ako naman ay nasa likod niya.

Nung nabuksan na niya ang pintuan ay may nahulog roon na bucket ng tubig, at saktong sakto iyon sa ulo ni Prof. At tumawa ang nasa loob, pero nung nakita nila na naglalakad ako papunta sa aking upuan na hindi basa ay nagtaka sila.

"How?" Takang tanong ni prankster na ikinikabit-balikat ko lang. Nakalimutan ko kasi ang pangalan niya. Napatingin naman siya sa pinto. At napalaki ang kaniyang mga mata. Dahil si Prof pala ang nahulugan ng bucket.

"All of you! Except for Ms. Vanderheide! Go to my office now! Kunin niyo ang mga tools at lilinisin niyo ang garden!" nagpupuyos sa galit na sabi ni Prof at bagsak na balikat na sumunod sa utos ang mga classmate ko. Napa-iling nalang ako na umupo sa upuan at nag sound trip.

Mr. Prankster Meets Ms. Ice Campus Sweetheart (Unveiling Thruth)Where stories live. Discover now