Chapter 3 - Their Bump

136 6 0
                                    

Author's P.O.V.

Dismissal na at maraming estudyante ang naglalakad para maka-uwi.

Normal naman sa hallway na maraming naglalakad. At isa na roon ang isang sikat, sikat dahil gwapo, mayaman, lakas ng sex appeal, at sikat sa pagiging prankster. Siya si Damon. Naglalakad siya na para bang hari ng daan. Taas noo at mapapansin ang proud sa kanyang tindig. Maraming na siyang napag-tripan but none of them complain. Takot sila dahil malakas ang impluwensya nito, kaya imbis na magsumbong nananahimik nalang sila. At saka nadadala kasi ng charm ni Damon ang mga pinagtripan niya, at halos mga babae ang mga ito. Lahat naman ng nadadaanan niya ay tumitili lalong lalo na ang mga babae at ang mga bakla. Habang ang mga lalake naman ay minumura na siya sa isipan nila. Maraming kasing inggit sa kanya, dahil sa isa siyang sikat at tinitingala ng halos ng karamihan. Sa kabila ng mga kalokohang pinagga-gawa.

At sa kabilang banda naman ay ang mysterious transferee na mukhang namatayan. Naka-all black kasi siya. Masamang tingin ang ipinupukol ng mga tao sa kanya.

'Get lost dumbasses!' Sabi niya sa utak, ngunit di niya ito ivinoice out, dahil tinatamad ang bibig niya. Natanong niya sa isipan, kung anong masama sa pagsuot ng itim. At least mas maayos naman ang suot niya sa ibang babaeng nadadaanan niya, na halos tinipid sa tela. Na parang pinapakita na nila ang hindi dapat makita.

'Whores' sambit niya. At nag-isip isip pa siya at di niya namalayan ang paglalakad dahil na space out siya. Hanggang sa,

*boogsh!*

At natumba silang dalawa.

'Sino ba tong bulag na bumangga sa akin?' Inis na sabi ni Damon Habang hinimas himas ang ulo niya na nabagok ng konti sa sahig.

'Oh damn! My butt hurts!' reklamo naman ni Zhia. At pilit na tumayo, at nagtagumpay naman siya. At tinignan niya ang nakabangga sa kanya, at nakita niya ang lalaking hinihimas himas ang ulo nitong may bukol na si Damon. At napatingin din si Damon kay Zhia. Binawian lamang siya ni Zhia ng isang malamig na tingin kaya Napa-usog ng konti si Damon sa kinauupuan niya. Aalis na sana dun si Zhia dahil maraming ng nakakakita sa nangyari, and that's what she hate, attention. Kaya aalis na sana siya ng pigilan siya ni Damon.

"Hey you! Bumalik ka dito!" Ngunit di nalang pinansin ni Zhia iyon at naglakad, pero nahinto siya ng may humawak sa balikat niya. She throw cold stares to Damon, that made him a bit scared.

"What?" Malamig na tanong ni Zhia. At dahan dahang inalis ang kamay ni Damon sa balikat niya, but Damon feeled anger. Dahil iniisip niyang minamaliit siya ni Zhia.

'Sino ba tong babaeng to?'tanong niya sa isipan. At dahil dun di niya namalayan na lumakad na paalis si Zhia. Di na niya ito hinabol dahil maraming ng naki-usyuso. Maraming natawa dahil ang isang Damon ay binangga ng isang babaeng walang pake sa kanya. Malaking kahihiyan iyon para sa kanya, because no one dares to mess with a Damon Alston and malaking bonus ang bukol sa forehead niya. At dahil dun nagalit siya kay Zhia.

' Pagbabayaran mo ang ginawa mo' sabi ni Damon sa isipan at pinagpagan ang sarili, at umalis na doon.

Inis na inis si Damon habang papasok sa kotse niya.

'Damn it! Siguradong kakalat sa buong campus. Buset!' Sabi niya sa isip at umalis na.

Sa kabilang banda naman ay si Zhia na nasa grocery store. Namimili siya ng mga stocks para sa kanila nang kaniyang Nanay. At biglang pumasok sa isip niya ang nangyari kanina.

'How boastful that man is. His unbelievable!'sabi niya sa isipan at napa-iling na lang. At nagpatuloy sa pamimili.

At doon nga, kumalat ang nangyari kanina sa website ng school.

Mr. Prankster Meets Ms. Ice Campus Sweetheart (Unveiling Thruth)Where stories live. Discover now