Chapter 2 - The Pranksters

145 7 0
                                    

Zhia's P.O.V.

Bakit ba ang ingay ingay? I'm falling in line, dito sa cafeteria. Ang tagal ng server, ano siya pagong? Tapos biglang sumingit sa unahan ko ang isang babae, na naka mini skirt at crop top. She looks like a whore, obviously. Di ko nalang sinita dahil baka magkagulo pa. As much as possible, ako nalang ang iiwas sa gulo.

Mabuti nalang pinalitan ang server, baka bukas pa ako makakain nito. Tapos ng mag-order ang babae na una sa akin at pumunta sa gilid.

"Kuya, one chicken sandwich and a can of Coke" sabi ko. Tumango naman siya.

"300 pesos ho lahat Mam" sabi niya, kinuha ko ang credit card ko at ibinigay sa kanya. Pagkatapos i-swipe ang card ko ay nagulat siya. Nagulat siguro siya nang makita ang halaga na nasa card ko. I think it was billions. Dahil kahit galit sa akin si Dad, sinusustintuhan niya parin ako. Para masabing mabait siyang ama, tsk! Di lang isa ang card ko, I think I have 10. At malalaki ang perang nasa loob nun. Pero kahit umaapaw ang kayamanan ko, nagtitipid pa rin ako. Baka kasi dumating ang araw na, kalimutan ni Dad na anak niya ako, tapos di niya ako papadalhan ng pera, at least pag dumating ang panahon yun, may pera ako. Ang iba ko naman pera ay inenvest ko sa mga businesses. Okay, so much for that.

"Ah, Ma'am may cash ba kayo diyan? Di po kasi pwede dito ang credit card" nagpapaumanhin na sabi niya. Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang wallet ko. Kinuha ko ang 1,000 pesos. Yun lang kasi ang laman ng wallet ko, wala kasi akong barya.

"Ah kuya, ito isang libo. Wala na kasi akong----" naputol ang sinabi ko nang sumabat ang babaeng una sa akin.

"If I know, yan lang ang perang niya. How poor" dahil sa sinabi niya ay nag-init ang ulo ko. Grabe ha, porket di ko pinakita ang laman ng wallet ko, mahirap agad.

Kinuha ko ulit ang wallet ko. And kumuha ng cheque. Isinulat ko doon ang 1 million at ibinigay sa kanya. At the taka niya akong tinignan.

"Bayad ko yan, libre ko sa lahat ng mga inorder nila ngayong araw" at binigay ko ang calling card ko. "And this is my calling card, call me if kulang pa yan" sabi ko at kinuha ang pagkain ko. Pumunta ako dun sa table na walang tao, umupo ako room at Nagsimula ng kumain. May naglagay ng tray sa harapan ko, at tinignan ko kung sino iyon.

'Mira'

Bakit ba pilit niyang lumalapit sa akin? She's so insensitive.

"Hi! Can I?" Panhihingi niya ng permisyon. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Ah, thanks pala sa libre. Alam mo marami talaga ang thankful sa ginawa mo. Lalong lalo na ang mga scholars. Ang mahal kasi ng presyo ng pagkain dito. Thank you talaga ha!" Sabi niya at sumubo. Tumango lang ako, I hate chit chatting. Sayang sa effort at laway. Totoong madaldal ako sa isip pero tahimik pa ako sa pader pag kinakausap ako, minsan lang ako nagsasalita.

Nagulat ako nang nagtilian ang mga babae. At may pumasok na limang lalake sa cafeteria. Pinangungunahan ng isang lalake na matangkad, maputi, gwapo at mukhang mayabang. Parang hari siya ng daan kung umasta.

"Nandyan na naman sila. Psh! Mangtitrip na naman ang yan" naiinis na sambit ni Mira, tumingin ako sa kanya.

"Who are they?" Malamig na tanong ko. At tumingin siya sa akin na gulat na gulat.

"My god!" At napatakip siya sa bibig niya na animoy gulat na gulat. "You've talked! Nagsalita ka! Yieeeeee! Nagsalita siya!" Masayang masaya na sabi niya. Imposible ba na magsalita ako? Ano ako pipi? Sinamaan ko siya ng tingin dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao, kaya natahimik naman siya.

"Answer me"malamig na sabi ko. Sumubo muna siya ng spaghetti.

"Ah sila? Sila ang mga pranksters dito. Pero marami paring umi-idolo sa kanila. Kahit na marami silang kalokohang ginawa, lalong lalo na yang nangunguna sa kanila. He's the worst" bulong niya at napatango tango naman ako. Oh, they are a bunch of immature, and childish people. Tsk! How pathetic. Napangisi nalang ako.

"Oh? Anong iningisi-ngisi mo diyan? Naku! Wag na wag kang lalapit sa kanila. Malala sila, especially Damon" masungit na sabi niya.

"At isa pa, classmate din natin silang lahat. Wala lang sila kanina, dahil hindi sila pumasok. Ganyan naman sila eh, mga dakilang pasaway"

May iba pa siyang sinabi ngunit di ko na napakinggan dahil palihim kong ipinasak ang airdot ko at nag sound trip.

Mr. Prankster Meets Ms. Ice Campus Sweetheart (Unveiling Thruth)Where stories live. Discover now