Chapter 13: Courage

139 6 3
                                    

Zhia's P.O.V.

Hingal na lumapit ako sa kinaroroonan nila. Tumutulo ang masaganang dugo mula sa gilid ng tiyan ni Ezra.

'That wound was supposed to be mine'

"Tara! Dalhin na natin siya sa hospital!"naghe-hysterical na sigaw ni Galvin. Nanginginig ang mga kamay niya habang inaalalayan ang katawan ni Ezra.

Sumakay kami sa kotse na ginamit namin, malapit lang naman. Ako na ang nag-drive at pinaharurot ito. Kinakabahan ako para sa kaniya, hindi naman niya kailangang gawin 'yon eh.

After several minutes of driving we arrived at the nearest hospital. Sigaw naman ng sigaw si Galvin, parang timang.

Binatukan ko nga.

"Bakit ba ha?! Nagaalala na ako sa best friend ko! Baka may kung anong mangyari sa kaniya!"sigaw niya. Napaatras naman ako.

Lumapit kasi eh.

"I know! I know! Just calm down, okay? Ezra is brave, I know he will make it," malamig na saad ko.

Napakalma naman siya, mabuti naman. Para hindi siya magmukhang timang.

Eh ako nga eh, na ako 'yong malalagot dahil sa nangyari eh parang wala lang.

Hour have passed...

Lumabas na ang doctor.

"Family of the patient?"tanong niya.

Lumapit naman sila agad, ako? Well, naka-upo lang. Alam ko namang magiging okay ang gunggong na 'yon eh.

Ika nga nila ang masasamang damo, hindi madaling mamatay.

"How was he Doc?" Cairo asked. The doctor smiled.

Okay, hindi na mamamatay ang ugok. How sad... Joke!

"He's okay, maghinaty nalang tayong magising siya, sige ha? Aalis na ako, may ibang pasyente pa akong pupuntahan." aalis na sana siya ng bumalik ulit.

"He's on room 204."tapos umalis na talaga siya.

Tumingin naman sila sa akin na parang nagpapahiwatig na what-are-you-waiting-for-look?

Pinaalis ko lang sila at sinabihan na umuna na sila.

Tsk! Mga ugok! Nakalimutan ninyo 'yong isa pang ugok! Si Damon!

Napa-iling nalang ako. At pumunta sa kwarto ni Damon. Kahit hindi ko alam.

Magtatanong na sana ako doon sa nurse. Nang may narinig akong mga nurse rin na nagchichikahan.

"Hoy! Alam mo ba na dito naka-admit si Damon?"sabi nung isang nurse na morena.

"Huh? Sinong Damon?"sabi naman nung isang medyo maputi.

"Duh! Hindi mo ba kilala si Damon Edrice Alston?" - Nurse 1

'Sikat ni mokong ah' sabi ko sa aking isipan.

"Ay! 'Yong gwapo? Oo kilala ko 'yon! Sabi nga ng mga kasama natin, nandoon siya sa Room 124. Sana nga do'n ako ma-assign eh, ang gwapo niya talaga!" -Nurse 2.

Mr. Prankster Meets Ms. Ice Campus Sweetheart (Unveiling Thruth)Where stories live. Discover now