I'm sorry
Minulat ko ang aking mata ngunit ramdam ko parin ang bigat nito kaya saglit kong pinikit ito.
Narinig ko naman ang pamilyar na boses ni Blaze. "Yes, I will send it to e-mail, Jeff. Just wait!"
Naramdaman ko naman na kaya ko nang imulat ang mga mata ko at nakita ko ang puting kwarto na pamilyar sa akin. Lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses ni Blaze at nakita ko siyang nakaupo habang nakatutok sa kanyang laptop.
"Blaze?" Halata naman ang pagkagulat niya nang makita ako.
Tinry kong umupo pero ramdam ko ang sakit ng katawan ko. "Ouch!"
Natatarantang tumakbo palapit sa akin si Blaze. "Gising ka na!" Lumabas naman siya ng pinto at agad na bumalik na may kasamang nurse at doctor.
Agad na lumapit sa akin ang doctor at tiningnan ang mga nakakabit sa akin aparato.
"Anong nararamdaman mo?" Tanong sa akin ng doctor.
"Masakit po ang katawan ko."
"May naalala ka ba sa mga nangyayari kaya napunta ka dito?" Umiing ako dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit ako nandito.
"Bakit wala siyang matandaan, doc?" Tanong ni Blaze.
"Base naman sa mga test na ginawa natin sa kanya ay hindi naman nabagok ang ulo niya and minor scratches and bruises were seen on her body. Isa itong post-traumatic trauma kaya I'm sure na babalik ang alaala niya kapag naging okay na siya."
"Salamat doc."
"For now, kailangan mo munang magpahinga." Baling sa akin ng doctor.
Ilang saglit lang ay umalis na rin ang doctor at umupo sa harap ko si Blaze na tila hindi maidrawing ang mukha.
"Buti nalang at nakita ka agad ng bayaw ko kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin sa hinayupak na gumawa yan sayo." Nanggagalaiti nitong sabi. Ngayon ko lang nakitang magalit si Blaze.
Hinawakan ko naman ang kamay niya para kumalma siya. "Wag kang mag-aalala, malakas ako at okay lang ako." Ngumiti ako sa kanya kahit sa totoo lang sobrang sakit ng katawan ko.
Tinulungan niya akong umupo at binigyan niya ako isang platong prutas na binalatan niya na.
"Wala ka bang natandaan sa mga nangyari?" Umiling ako at kinain ang orange na binigay niya.
"Ang tanging naalala ko lang ay nagkita kami ni She----I mean ni Angel." Nakatingin lang siya sa akin na tila hindi parin siya mapakali sa nangyari sa akin.
Naubos ko ang prutas na binigay niya at napansin ko naman na puno ako ng galos at pasa sa aking mga kamay. Nakaramdam ako ng takot pero hindi ko pinahalata yun kay Blaze dahil alam kong hindi oras to ng pagpapansin ko sa kanya.
"I'm sorry, I'm not there when you need me." Bumuntong hininga naman ako dahil wala talaga akong maalala sa nangyari at sa kabila nun nararamdaman kong nakokonsensya siya sa nangyari sa akin.
"Wala ka naman naging kasalanan sa akin dahil hindi mo rin ginustong mangyari sa akin." Ngumiti siya sa akin.
May kumatok sa pinto at binuksan ni Blaze ito. "Andito ka na pala." Sambit niya sa taong pumasok.
Dahan dahan kong tiningnan kung sino ang lalaking pumasok ngunit hindi lang pala siya isa kundi tatlo sila, may kasama siyang dalawang lalaki na nakauniporme ng pangpulis.
"Gising na ba siya?" Tuluyan ko na siyang nakita at napauwang ang bibig ko nang makita ko ang lalaking pumasok.
Mr. Ambrose.
BINABASA MO ANG
When We Meet Again (On Going)
RomanceMahirap ang naging buhay ni Scarlet mula sa pagkabata niya pero sa kabila ng hirap na naranasan nito ay buong lakas niyang hinarap ang buhay at nakilala ang dalawang lalaki ang magbibigay ng kulay sa masama niyang nakaraan. Si Blaze na kababata niy...